Maghanap, mag-secure, o magbura ng nawawalang Android device

Kung mawalan ka ng Android device o Wear OS watch, puwede mo itong hanapin, i-secure, o burahin mula sa malayo. Puwede ka ring tumulong sa kaibigan na hanapin, i-secure, o burahin ang kanyang nawawalang device sa app na Hanapin ang Aking Device.

Kung nagdagdag ka ng Google Account sa iyong device, awtomatikong mao-on ang Hanapin ang Aking Device. Bilang default, nakatakda ang iyong device sa setting na "May network sa mga lugar na may mataas na trapiko lang" para mag-store ito ng mga naka-encrypt na kamakailang lokasyon sa Google at makatulong sa paghahanap ng mga offline na device mo at ng iba bilang bahagi ng na-crowdsource na network ng mga Android device. Available ang pinakahuling lokasyon ng device mo sa unang account na na-activate sa device.

Tip: Para hanapin, i-secure, o burahin ang iyong Wear OS device, ikonekta ito sa Wi-Fi o mobile data.

Maging handang maghanap ng nawawalang Android device.

Para mag-secure o magbura ng Android device, siguraduhin na:

  • May power ang device na iyon
  • Nakakonekta sa mobile data o WiFi ang device na iyon
  • Naka-sign in ang device na iyon sa isang Google Account
  • Naka-on ang Hanapin ang Aking Device sa device na iyon
  • Nakikita sa Google Play ang device na iyon
Kung gumagamit ka ng 2-step na Pag-verify, pumunta sa mga backup ng 2-step na Pag-verify.

Maghanap, mag-secure, o magbura ng device mula sa malayo

Mahalaga: Kung mahanap mo ang iyong device pagkatapos mo itong burahin, para magamit mo ulit ang device mo, kailangan mo ang password ng iyong Google Account. Matuto tungkol sa proteksyon ng device.

Gamitin ang app na Hanapin ang Aking Device
  1. Sa ibang Android phone o tablet, buksan ang app na Hanapin ang Aking Device .
  2. Mag-sign in.
    • Kung sarili mong device ang nawawala: I-tap ang Magpatuloy bilang si [iyong pangalan].
    • Kung may tinutulungan kang kaibigan: I-tap ang Mag-sign in bilang bisita at ipa-sign in ang iyong kaibigan.
  3. Sa mga nakalistang device, piliin ang device na gusto mong hanapin. Makakatanggap ng notification ang nawawalang device.
  4. Posibleng ma-prompt kang ibigay ang PIN sa lock screen para sa Android device na gusto mong hanapin. Nalalapat ito sa Android 9 o mas bago. Kung hindi gumagamit ng PIN ang device na gusto mong hanapin, o kung gumagamit ito ng Android 8 o mas luma, posibleng ma-prompt kang ibigay ang iyong password sa Google.
  5. Sa mapa, makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa lokasyon ng device.
    • Para mag-navigate sa nawawalang device, i-tap ang Kumuha ng mga direksyon.
      • Tinatantya ang lokasyon mo mula sa mga source tulad ng:
        • GPS: Gumagamit kami ng mga satellite para alamin ang lokasyon mo hanggang sa humigit-kumulang 20 metro. Kung minsan, hindi tumpak ang GPS kapag nasa loob ka ng mga gusali o nasa underground ka.
        • Wi-Fi: Natutulungan kami ng lokasyon ng mga malapit na Wi-Fi network na malaman kung nasaan ka.
        • Mga cell tower: Puwedeng maging tumpak ang iyong koneksyon sa mobile data hanggang sa ilang libong metro.
      • Alamin kung paano pahusayin ang katumpakan ng iyong lokasyon
    • Kung nasa loob ng 10 metro ang device, makakakita ka ng hugis na makukulayan habang lumalapit ka sa device mo: I-tap ang Hanapin sa malapit. Puwede itong abutin nang ilang segundo bago mag-update.
      • Ang radius na ipinapakita sa paligid ng lokasyon mo ay marka ng aming kumpiyansa sa katumpakan ng lokasyon.
    • Kung hindi mahanap ang kasalukuyang lokasyon ng iyong device, posibleng makita mo pa rin ang huling natukoy na lokasyon nito, kung available.
  6. Piliin ang gusto mong gawin:
    • Mag-play ng tunog: Ipapa-ring ang iyong device sa pinakamalakas na volume sa loob ng 5 minuto, kahit na naka-silent o naka-vibrate ito.
      • Para mag-play ng tunog, kailangang naka-on ang wireless na headphones at nasa labas dapat ng case ang earbuds.
    • I-secure ang device: Ila-lock ang device mo gamit ang iyong PIN o password. Kung wala kang lock, puwede kang magtakda nito. Para matulungan ang ibang taong ibalik sa iyo ang device mo, puwede kang magdagdag ng mensahe o numero ng telepono sa lock screen.
    • Para mag-delete ng device na hindi mo mahanap: Sundin ang mga hakbang para burahin, i-reset, o alisin ang device mo.
Burahin, i-reset, o alisin ang device mo

Puwede mong i-delete ang device mo kung hindi mo ito mahanap.

Mahalaga: Permanenteng ide-delete ng mga hakbang na ito ang lahat ng data sa iyong device, pero posibleng hindi ma-delete ang mga SD card. Pagkatapos mabura ang device, hindi na magiging available ang lokasyon nito sa Hanapin ang Aking Device.

Puwede mong gamitin ang Hanapin ang Aking Device sa web, sa Android device, o sa Android device ng kaibigan sa guest mode.

  1. Sa device, buksan ang app na Hanapin ang Aking Device .
  2. Piliin ang device o accessory na gusto mong i-reset o alisin.
  3. Piliin ang Mga Setting.
    • Para magbura ng Android device: I-tap ang I-factory reset ang device.
    • Para mag-delete ng accessory: I-tap ang Alisin ang device.
Tip: Kung gusto mong gumamit ng accessory ulit sa Hanapin ang Aking Device, pumunta sa mga setting ng Bluetooth para i-set up ulit ito sa Hanapin ang Aking Device.
Hanapin ang device mo gamit ang iyong Wear OS watch

Kung mawala mo ang iyong Android phone o tablet na nakakonekta sa isang Wear OS smartwatch, puwede mo itong hanapin gamit ang iyong relo. Alamin kung paano hanapin ang iyong telepono gamit ang relo mo.

Hanapin ang IMEI number ng iyong Android device

Para i-disable ang device, magagamit ng service provider sa mobile mo ang IMEI number ng iyong device. Makikita mo ang IMEI number ng iyong device sa mga setting ng telepono mo o gamit ang Hanapin ang Aking Device.

Mahalaga: Walang IMEI number ang ilang device, tulad ng Google Pixel Tablet.

Para makita ang IMEI ng iyong device gamit ang app na Hanapin ang Aking Device:

  1. Buksan ang App na Hanapin ang Aking Device .
  2. Piliin ang device na gusto mong hanapin.
  3. I-tap ang icon na gear Mga Setting.

Para hanapin ang IMEI ng iyong device sa web browser:

  1. Pumunta sa android.com/find.
  2. Sa tabi ng device, i-tap ang icon na Impormasyon.
Markahang nawawala ang accessory

Kapag minarkahan mong nawawala ang iyong accessory, puwede kang mag-iwan ng numero ng telepono, email address, at mensahe sa lock screen. Puwede ring ma-access ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng ibang taong makakatukoy na nawawala ang accessory mo para maibalik nila ang device mo.

Awtomatikong mamarkahan bilang nahanap na ang accessory mo kapag malapit na ito sa Android device na ginagamit mo para ikonekta ang iyong accessory.

Tip: Magpapadala rin kami sa iyo ng notification kapag na-detect na ang lokasyon sa network ng Hanapin ang Aking Device.
Tukuyin ang nawawalang accessory o tracker tag at ibalik ito sa may-ari

Puwede mong ibalik ang nawawalang accessory ng ibang tao na tinukoy nila bilang nawawala sa app na Hanapin ang Aking Device.

  1. I-unlock ang screen ng Android device mo.
  2. Para sa Android 12 o mas bago, siguraduhing naka-on ang Lokasyon. Alamin kung paano i-on ang lokasyon.
    • Puwede mo ring gawing available ang lokasyon ng iyong device sa iba pang app at serbisyo kapag na-on mo ang Lokasyon.
  3. Hawakan ang item nang malapit sa likod ng telepono o tablet mo.
  4. Kung nag-iwan ang may-ari ng device ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan o mensahe, makikita mo ito sa iyong screen.

Humingi pa ng tulong

Kung hindi mo mahanap ang nawawala o nanakaw mong device, matuto pa tungkol sa kung paano i-secure ang iyong Google Account.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2455153785750021587
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false