Kung gumagamit ang iyong telepono ng Mga Serbisyo ng Google Play, puwede mong pamahalaan ang iyong mga app at serbisyo ng Google sa Mga Setting ng Google.
Mahalaga: Gumagamit ka ng custom na bersyon ng Android. Kung hindi gagana ang mga hakbang na ito para sa iyo, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 8.0 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
Buksan ang Mga Setting ng Google
Depende sa iyong device, gawin ang alinman sa mga sumusunod:
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device, pagkatapos ay i-tap ang Google.
- Buksan ang app na Mga Setting .
Pamahalaan ang iyong Mga Setting ng Google
Account
- I-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal Pamahalaan ang iyong Google Account.
- Mag-scroll sa tab na gusto mo.
- Mag-tap ng tab:
- Home
- Personal na impormasyon
I-update ang pangunahing impormasyon sa iyong Google Account. Alamin kung paano baguhin ang iyong pangalan at iba pang impormasyon. - Data at privacy
Tingnan ang iyong data, aktibidad, at mga preference para maging mas kapaki-pakinabang para sa iyo ang mga serbisyo ng Google. Pamahalaan kung anong aktibidad ang sine-save. - Seguridad
Gamitin ang mga setting at rekomendasyon para matulungan kang panatilihing secure ang iyong account. Alamin kung paano gawing mas secure ang iyong account. - Mga tao at pagbabahagi
Pamahalaan ang iyong mga interaction at ang impormasyong ipinapakita mo sa mga serbisyo ng Google. Alamin kung paano piliin ang impormasyong ibinabahagi mo. - Mga pagbabayad at subscription
Makita ang iyong mga paraan ng pagbabayad, transaksyon, umuulit na pagbabayad, prepaid plan, at reservation. Alamin ang tungkol sa pamamahala ng mga pagbili.
Mga Serbisyo
Sa ilalim ng "Mga serbisyo sa device na ito," mag-scroll at i-tap ang serbisyong gusto mo. Halimbawa:
- Mga ad
Mag-opt out sa pag-personalize ng ad o i-reset ang iyong advertising ID. Alamin kung paano kontrolin ang mga ad na ipinapakita sa iyo. - Autofill
Pamahalaan kung anong impormasyon ang gagamitin ng Google para i-autofill ang mga form ng personal na impormasyon tulad ng iyong address, paraan ng pagbabayad, at mga password. - Backup
Pamahalaan ang storage at manual na i-back up ang iyong device. - Hanapin ang aking device
Pamahalaan ang mga setting para sa remote na paghahanap at pagbubura ng nawawalang device. Learn how to find, lock, or erase a lost device. - Dashboard ng game
Pamahalaan ang mga setting at notification ng Dashboard ng Game habang naglalaro. - Parental Controls
I-set up at pamahalaan ang parental controls sa iyong device. Alamin kung paano pamahalaan ang Google Account ng iyong anak gamit ang Family Link.