Mag-ayos ng mga problema sa koneksyon sa internet sa mga Android device

Kung hindi mo ma-access ang Internet sa iyong Android device, sa pamamagitan man ng app o website, subukan ang mga hakbang na ito sa pag-troubleshoot.

Mga senyales ng hindi magandang koneksyon

  • Hindi nagsisimula, nagta-time out, o nananatili sa 0% ang mga pag-download.
  • Nakatigil ang Google Play sa "Naglo-load..."
  • Hindi ka makapag-load ng mga web page sa browser.

Pangkalahatang tip sa pag-troubleshoot para sa mga Android device

 
  1. I-restart ang iyong device. Posibleng simple lang ito kung tutuusin, pero kung minsan, ito lang ang kailangang gawin para maayos ang hindi magandang koneksyon.
  2. Kung hindi gumana ang pag-restart, magpalipat-lipat sa Wi-Fi at mobile data:
    • Buksan ang iyong app na Mga Setting at i-tap ang Network at internet o Mga Koneksyon. Depende sa iyong device, posibleng iba ang mga opsyong ito. 
    • I-off ang Wi-Fi at i-on ang mobile data, at tingnan kung may nagbago.
    • Kung wala, i-off ang mobile data at i-on ang Wi-Fi at tingnan ulit.
  3. Subukan ang mga hakbang sa pag-troubleshoot sa ibaba.
 
Mag-ayos ng mga problema sa mobile data

Tingnan ang mobile data at koneksyon sa data

  1. Buksan ang iyong app na Mga Setting at i-tap ang Network at internet o Mga Koneksyon at pagkatapos ay Mobile data o Cellular data.
    • Sa ilang device, posibleng kailanganin mong piliin ang Paggamit ng data bago mo ito makita. 
  2. I-on ang Mobile data o Cellular data. Kung naka-on na ito, i-off at i-on ito ulit.
  3. Tiyaking may indicator ng data, tulad ng 2G, 3G, 4G, o H, sa tabi ng mga bar na nagsasaad ng lakas ng signal sa itaas ng screen Signal.
  4. Kung minsan, hindi ito lalabas kung may aktibo kang koneksyon sa Wi-Fi. Kung ganito ang sitwasyon, i-off ang Wi-Fi at tingnan ulit.

Kung wala kang indicator ng signal, posibleng nasa isang lugar ka na walang signal. Kung puwede, pumunta sa ibang lugar, o lumabas, at tingnan ulit ang iyong signal.

Tip: Kung madalas itong mangyari, makipag-ugnayan sa iyong service provider sa mobile.

I-on o i-off ang airplane mode

  1. Buksan ang iyong app na Mga Setting at i-tap ang Network at internet o Mga Koneksyon at pagkatapos ay Airplane Mode. Depende sa iyong device, posibleng iba ang mga opsyong ito.
  2. I-on ang Airplane mode.
  3. Maghintay nang 10 segundo.
  4. I-off ang Airplane mode.
  5. Tingnan kung nalutas ang mga problema sa koneksyon.

Kung nagkakaproblema ka pa rin pagkatapos mong gawin ang mga hakbang na ito, makipag-ugnayan sa iyong mobile service provider.

Mag-ayos ng mga problema sa Wi-Fi

Tiyaking naka-on ang Wi-Fi at nakakonekta ka

  1. Buksan ang iyong app na Mga Setting at i-tap ang Network at Internet o Mga Koneksyon at pagkatapos ay Wi-Fi. Depende sa iyong device, posibleng iba ang mga opsyong ito. 
  2. I-on ang Wi-Fi.
  3. Hanapin ang indicator ng koneksyon sa Wi-Fi sa itaas ng iyong screen Wi-Fi.
  4. Kung hindi ito ipinapakita o walang ipinapakitang signal sa iyong mga bar, posibleng wala ka sa saklaw ng Wi-Fi network.
  5. Lumapit sa router, tingnan kung lumakas ang koneksyon ng iyong Wi-Fi, at subukan ulit.

I-restart ang iyong wireless na router

Kung kumokonekta ka sa Wi-Fi sa bahay, tingnan ang manual ng iyong router para sa mga tagubilin sa kung paano ito i-reset. Madalas, maaari mong:

  1. Alisin sa pagkakasaksak ang router at siguraduhing nakapatay ang mga ilaw sa router.
  2. Maghintay ng 30 segundo.
  3. Isaksak ulit ang plug at maghintay nang 30 segundo hanggang mag-on ang lahat ng ilaw.

Kung may mga isyu ka pa rin sa pagkakonekta pagkatapos mong gawin ang mga hakbang na ito, makipag-ugnayan sa iyong internet service provider o sa host ng Wi-Fi network.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5463548215042006874
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false