Kapag na-on mo ang Advanced na Proteksyon, makukuha mo ang pinakamalalakas na feature sa seguridad at privacy para protektahan ka at ang iyong device laban sa mga online attack, mapaminsalang app, at panganib sa data.
Nag-aalok ang feature na ito ng ilang benepisyo:
- Komprehensibong proteksyon, minimal na abala: Binibigyan ka ng Advanced na Proteksyon ng opsyong lagyan ang iyong mga device ng pinakamabibisang panseguridad na feature ng Android para sa proactive na depensa, na may user-friendly at low-friction na experience.
- Madaling pag-activate: Nagiging madali at accessible ang seguridad dahil sa Advanced na Proteksyon. Hindi mo kailangang maging eksperto sa seguridad para mapakinabangan ang pinahusay na seguridad.
- Defense-in-depth: Kapag na-on ng user ang Advanced na Proteksyon, pinipigilan ng system ang hindi sinasadya o nakakapinsalang pag-disable ng mga indibidwal na panseguridad na feature sa hanay ng Advanced na Proteksyon. Sumasalamin ito sa diskarteng "defense-in-depth," kung saan nagtutulungan ang maraming layer ng seguridad.
- Seamless na pag-integrate ng seguridad sa mga app: Gumaganap ang Advanced na Proteksyon bilang nag-iisang control point na nagbibigay-daan sa mahahalagang panseguridad na setting sa marami sa mga paborito mong Google app, kabilang ang Chrome, Google Message, at Teleponong gawa ng Google. Magsasama rin ang Advanced na Proteksyon ng mga third-party na application na pipiling mag-integrate sa hinaharap. Kung isa kang developer at gusto mong mag-integrate ng Advanced na Proteksyon sa iyong app, alamin kung paano mag-integrate gamit ang Mode na Advanced na Proteksyon.
I-on ang Proteksyon ng device
Mahalaga:- Bago mo i-on ang feature na Advanced na Proteksyon, nire-require ang screen lock.
- Kapag na-on mo ang Proteksyon ng device, baka kailanganin mong i-reboot ang iyong device.
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- Para buksan ang page ng Advanced na Proteksyon:
- Sa pamamagitan ng app na Mga Setting:
- I-tap ang Seguridad at Privacy.
- Sa “Iba pang setting,” i-tap ang Advanced na Proteksyon.
- Sa pamamagitan ng mga setting ng Google:
- I-tap ang Google
Lahat ng serbisyo.
- Sa “Personal na kaligtasan at kaligtasan ng device,” i-tap ang Advanced na Proteksyon.
- I-tap ang Google
- Sa pamamagitan ng app na Mga Setting:
- Sa ilalim ng “Advanced na Proteksyon,” i-on ang Proteksyon ng device.
- Sa prompt na "I-set Up ang Proteksyon ng Device," puwede mong i-on ang Pag-log ng Intrusion o laktawan ito.
- Kung io-on mo ang Pag-log ng Intrusion, kakailanganin mong pumili ng Google Account kung saan iba-back up ang mga naka-encrypt na log ng device.
- Piliin ang I-on.
- Sa ilang device, posibleng ma-prompt kang “I-restart" o “I-restart sa ibang pagkakataon,” na nagsasaad na may ilang feature na nagre-require ng reboot para ma-on.
- Kung pipiliin mo ang “I-restart sa ibang pagkakataon,” puwede mong i-restart ang iyong device sa page na “Advanced na Proteksyon.” Para i-restart ang iyong device, i-tap ang I-restart ngayon.
Para i-enroll ang iyong Google Account sa Advanced na Proteksyon:
- Sa “Advanced na Proteksyon,” i-tap ang Proteksyon ng account.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Tip: Kung io-off mo ang iyong screen lock pagkatapos mong i-on ang Advanced na Proteksyon, mananatiling aktibo ang program. Posibleng maging hindi optimal ang paggana ng ilang proteksyon at may ipapakitang babala para abisuhan ka tungkol sa limitasyong ito.
I-off ang Proteksyon ng device
Mahalaga:
- Kapag naka-off ang Advanced na Proteksyon, baka mag-require ito ng pag-reboot ng device para ma-revert ang ilang setting ng seguridad. Kapag na-off ang Advanced na Proteksyon, ang mga setting na sakop nito ay magre-revert sa orihinal na status ng mga ito mula noong bago mo ito i-on.
- Kung na-enroll mo ang iyong Google Account sa Proteksyon ng Account, posibleng patuloy na naka-on ang ilang proteksyon kahit na na-off mo na ang Proteksyon ng device. Alamin kung paano mag-unenroll sa Proteksyon ng Account.
- Buksan ang Mga Setting
ng iyong device.
- Para buksan ang page ng Advanced na Proteksyon:
- Sa pamamagitan ng app na Mga Setting:
- I-tap ang Seguridad at Privacy.
- Sa “Iba pang setting,” i-tap ang Advanced na Proteksyon.
- Sa pamamagitan ng mga setting ng Google:
- I-tap ang Google
Lahat ng serbisyo.
- Sa “Personal na kaligtasan at kaligtasan ng device,” i-tap ang Advanced na Proteksyon.
- I-tap ang Google
- Sa pamamagitan ng app na Mga Setting:
- Sa “Advanced na Proteksyon,” i-off ang Proteksyon ng device.
- Mag-authenticate sa pamamagitan ng Biometrics o PIN.
- Kung naka-enroll ka sa Proteksyon ng account, i-tap ang Magpatuloy bago ka mag-authenticate.
- Sa ilang device, posibleng ma-prompt kang "I-restart" o "I-restart sa ibang pagkakataon" na nagsasaad na may ilang feature na nagre-require ng pag-reboot para ma-off.
Tungkol sa Advanced na Proteksyon
Suriin ang mga proteksyong iniaalok ng Advanced na Proteksyon.
- Mga App:
- Google Play Protect: Sinusuri ng built-in na proteksyon ng Android laban sa malware at hindi gustong software, na naka-on bilang default para sa lahat ng device, kung may mapaminsalang gawi sa iyong mga app at device. Kapag naka-on ang Advanced na Proteksyon, hindi ito puwedeng i-off. Alamin kung paano nakakatulong ang Google Play Protect na panatilihing ligtas ang iyong mga app at pribado ang data mo.
- Mga Hindi Kilalang App: Iba-block ng Advanced na Proteksyon ang pag-install ng mga app mula sa mga di-kilalang source at iba-block nito ang mga update sa mga app na orihinal na na-install mula sa mga di-kilalang source. Posibleng hindi suriin ang mga app mula sa mga di-kilalang source at may mas mataas na panganib na magdulot ng pinsala ang mga ito.
- Memory Tagging Extension (MTE): Para sa mga sinusuportahang app, makakatulong ang MTE na pigilan ang mga app sa pag-corrupt ng memory. Kapag naka-on ang MTE, posibleng makaranas ka ng mas mabagal na performance ng device. Matuto pa tungkol sa Arm Memory Tagging Extension (MTE).
- Mga tool sa accessibility: Pinaghihigpitan ang mga serbisyo para sa accessibility sa mga na-verify na tool sa accessibility. Binabawasan nito ang panganib mula sa mga nakakapinsalang app.
- Kaligtasan ng device:
- Pag-lock kapag Naka-detect ng Pagnanakaw: Awtomatikong magla-lock ang iyong device kung may ma-detect itong kahina-hinalang aktibidad na nagpapahiwatig ng pagnanakaw. Matuto pa tungkol sa Pag-lock kapag Naka-detect ng Pagnanakaw.
- Pag-lock ng Offline na Device: Awtomatikong magla-lock ang iyong naka-unlock na device kung mananatili itong offline nang matagal. Matuto pa tungkol sa Pag-lock ng Offline na Device.
- Pag-reboot kapag Walang Aktibidad: Awtomatikong i-reboot ang iyong telepono kung mananatili itong naka-lock sa loob ng 72 oras. Dahil sa proseso ng pag-reboot, magiging hindi nababasa ang data ng user hanggang sa may gawing bagong pag-unlock.
- Proteksyon sa USB: I-secure ang iyong Android device gamit ang Proteksyon sa USB. Kapag naka-lock ang iyong screen, pinoprotektahan nito ang device mo mula sa hindi awtorisadong pag-access sa pamamagitan ng koneksyon sa USB. Alamin kung paano protektahan ang iyong Android device laban sa mga banta sa USB gamit ang Mode na Advanced na Proteksyon.
- Lock sa Hindi Matagumpay na Pag-authenticate: Pagkatapos ng paulit-ulit na hindi matagumpay na pag-authenticate sa iyong mga app at setting, awtomatikong magla-lock ang device mo.
- Pag-unlock Gamit ang Relo: Pinaghihigpitan ang Pag-unlock Gamit ang Relo para makatulong na pigilan ang hindi awtorisadong pag-access sa pamamagitan ng paghinto sa awtomatikong pag-unlock ng iyong telepono kapag may relo sa malapit.
- Mga Mensahe:
- Proteksyon laban sa Spam at Scam: Ang Proteksyon laban sa Scam at Proteksyon laban sa Spam ng Google Messages ay tumutulong sa iyo na makatukoy at makaiwas sa mga hindi gusto at potensyal na mapaminsalang mensahe. Alamin kung paano pinoprotektahan ng Google ang iyong privacy sa pamamagitan ng pag-detect ng spam.
- Mga Hindi Ligtas na Link: Makakatanggap ka ng mga babala tungkol sa mga link mula sa mga hindi kilalang user sa Google Messages. Nakakatulong itong makaiwas sa mga pagtatangka sa phishing at nakakapinsalang website.
- Pag-detect ng Scam: Nire-require ng Advanced na Proteksyon na naka-on ang Pag-detect ng Scam para makatulong na dumepensa laban sa phishing at mga mapaminsalang mensahe. Sinusubaybayan ng feature ang mga notification ng mensahe sa chat mula sa mga sinusuportahang app at binabalaan ka nito tungkol sa mga malamang na scam. Matuto pa tungkol sa Pag-detect ng Scam.
- Network:
- Proteksyon sa 2G Network: Para sa mga sinusuportahang device, pinipigilan ng Advanced na Proteksyon ang mga koneksyon sa mga hindi gaanong secure na 2G network. Posibleng mapigilan nito ang iyong device sa pagkonekta sa cellular network sa mga lugar kung saan 2G coverage lang ang available.
- Teleponong gawa ng Google:
- Caller ID at Spam: Matukoy ang mga alam nang numero ng spam sa Teleponong gawa ng Google bago mo pa sagutin ang telepono.
- Awtomatikong Call Screen: Sa mga sinusuportahang rehiyon, sini-screen ng AI assistant ang mga incoming na tawag. Awtomatiko nitong tinatanggihan ang natukoy na spam. Alamin kung paano i-screen ang iyong mga tawag bago mo sagutin ang mga ito.
- Pagsisiyasat sa Seguridad:
- Pag-log ng Intrusion: Nagbibigay-daan ang opsyonal na feature na ito na nagpapanatili ng privacy para sa mga malalimang pagsisiyasat sa seguridad kung sakaling maghinala ng pagkompromiso. Sino-store ang iyong mga log ng seguridad sa cloud na may end-to-end na pag-encrypt, na nagbibigay sa iyo ng ganap na kontrol sa impormasyon ng seguridad mo. Alamin kung paano i-log ang aktibidad ng iyong Android device gamit ang Advanced na Proteksyon.
- Web:
- Ligtas na Pag-browse sa Android: Bino-block ng Live na Proteksyon sa Banta sa Ligtas na Pag-browse sa Android ang mga phishing attack mula sa mabibilis na lumalabas na nakakapinsalang website.
- Pag-browse sa Chrome: Para masigurado ang mas ligtas na pag-browse, awtomatikong ipinapatupad ng Chrome ang HTTPS para sa lahat ng koneksyon sa website kapag posible.
- Mga Proteksyon sa JavaScript: Naka-off sa Chrome ang JavaScript optimizer para mabawasan ang potensyal na pagkakalantad ng seguridad.
- Chrome WebGPU: Ino-off ng Advanced na Proteksyon ang WebGPU sa Chrome, isang advanced na teknolohiya sa graphics . Nakakatulong itong protektahan ang iyong device laban sa ilang partikular na banta at panganib sa seguridad.
Maghanap ng Mga app na nagsusuri para sa Proteksyon ng device
Maa-access mo lang ang feature na “Mga app na nagsusuri para sa Proteksyon ng device” sa mga setting ng Advanced na Proteksyon sa iyong Android 16 device.
Inililista ng feature na ito ang mga application na puwedeng sumuri sa status ng Proteksyon ng device.
Para mahanap ang Mga app na nagsusuri para sa Proteksyon ng device:
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- Para buksan ang page ng Mga app na nagsusuri para sa Proteksyon ng device:
- Sa pamamagitan ng app na Mga Setting:
- I-tap ang Seguridad at Privacy
Advanced na Proteksyon.
- Mag-scroll papunta sa footer.
- I-tap ang Mga app na nagsusuri para sa Proteksyon ng device.
- I-tap ang Seguridad at Privacy
- Sa pamamagitan ng mga setting ng Google:
- I-tap ang Mga Setting ng Google
Lahat ng serbisyo
Advanced na Proteksyon.
- Mag-scroll papunta sa footer.
- I-tap ang Mga app na nagsusuri para sa Proteksyon ng device.
- I-tap ang Mga Setting ng Google
- Sa pamamagitan ng app na Mga Setting: