Mahalaga: Sa Android 15 at mas bago lang gumagana ang ilan sa mga hakbang na ito. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
Para ma-minimize ang epekto ng pagnanakaw ng telepono, protektahan ang iyong data at ang device mo sa pamamagitan ng mga panseguridad na feature.
I-on ang Proteksyon sa pagnanakaw
Mahalaga:
- Sa Android 10 at mas bago lang gumagana ang ilang hakbang. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
- Hindi sinusuportahan ang mga feature na ito sa mga Android Go device, tablet, at nasusuot. Posible ring mag-iba-iba ang suporta batay sa modelo ng iyong smartphone device.
- Para i-on ang mga feature na ito, magtakda ng lock screen sa iyong device. Alamin kung paano magtakda ng screen lock sa Android device.
Para i-on ang Proteksyon sa pagnanakaw mga feature:
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Google
Lahat ng serbisyo.
- Sa “Personal na kaligtasan at kaligtasan ng device,” i-tap ang Proteksyon sa pagnanakaw.
Mga Tip:
- Posibleng naka-on bilang default ang ilang feature ng proteksyon sa pagnanakaw sa iyong device. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa gabay ng manufacturer ng iyong device.
- Para pamahalaan ang mga feature sa isang sinusuportahang Android device, alamin kung paano protektahan ang iyong personal na data laban sa pagnanakaw.
Para ma-detect kung may biglang kumuha ng iyong device at tumakbo, gumagamit ang Pag-lock kapag Naka-detect ng Pagnanakaw ng AI, mga sensor ng paggalaw, Wi-Fi, at Bluetooth ng iyong device. Kung ma-detect ng Pag-lock kapag Naka-detect ng Pagnanakaw na kinuha sa iyo ang iyong device, awtomatiko nitong ila-lock ang screen ng iyong device para protektahan ang content nito. Halimbawa, kung may taong umagaw sa teleponong nasa kamay mo at tumakbo, nagbisikleta, o magmaneho ito para makalayo, posibleng ma-activate ang Pag-lock kapag Naka-detect ng Pagnanakaw.
Mahalaga:
- Kapag naka-lock ang screen ng device, hindi aktibo ang Pag-lock kapag Naka-detect ng Pagnanakaw.
- Para malimitahan ang mga abala sa panahon ng regular na paggamit ng device, posibleng hindi ma-trigger ang Pag-lock kapag Naka-detect ng Pagnanakaw kapag:
- Ang iyong device ay may stable na koneksyon sa Wi-Fi, Bluetooth na koneksyon, o pareho.
- May mga paulit-ulit na pag-lock sa loob ng maikling panahon.
- Para maprotektahan ang sensitibong data mo kung manakaw ang iyong telepono, gumagamit ang Pag-lock kapag Naka-detect ng Pagnanakaw ng mga sensor ng device para malaman kung may mga pagtatangka sa pagnanakaw.
- Kung magla-lock ang iyong telepono habang ginagamit mo ito, mag-unlock lang at patuloy na gamitin ang iyong device. Patuloy naming papahusayin ang feature para mabawasan ang abala sa normal na paggamit.
Para i-on ang Pag-lock kapag Naka-detect ng Pagnanakaw:
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Google
Lahat ng serbisyo
Proteksyon sa pagnanakaw.
- I-on ang Pag-lock kapag Naka-detect ng Pagnanakaw.
- Kung naka-gray out ang setting para sa “Pag-lock kapag Naka-detect ng Pagnanakaw,” hindi sinusuportahan ng iyong device ang feature na ito.
Pagkatapos mag-offline ng iyong device, awtomatikong ila-lock ng Pag-lock ng Offline na Device ang screen ng device mo. Halimbawa, kung may magnanakaw ng telepono mo at io-off niya ang internet, mapipigilan kang mahanap ito gamit ang Find Hub. Pagkalipas ng ilang sandali na magamit ito nang offline, magla-lock ang iyong device.
Mahalaga:
- Dapat na naka-unlock ang iyong telepono kapag nawalan ito ng koneksyon sa internet.
- Puwedeng i-lock ang screen nang dalawang beses sa loob ng 24 na oras.
Para i-on ang Pag-lock ng Offline na Device:
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Google
Lahat ng serbisyo
Proteksyon sa pagnanakaw.
- I-on ang Pag-lock ng Offline na Device.
Kung naka-on ang Lock sa Hindi Matagumpay na Pag-authenticate, awtomatikong magla-lock ang iyong device kapag paulit-ulit na hindi matagumpay ang mga pagsubok sa pag-authenticate.
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Google
Lahat ng serbisyo
Proteksyon sa pagnanakaw.
- I-on ang Lock sa Hindi Matagumpay na Pag-authenticate.
Kung nawala o nanakaw ang iyong device, para mabilis na i-lock ang iyong screen, puwede mong gamitin ang Malayuang Pag-lock gamit ang na-verify na numero ng telepono.
Mahalaga: Para magamit ang Malayuang Pag-lock, dapat ay:
- May screen lock
- May aktibong SIM card sa iyong device
- May device na may na-verify na numero ng telepono
- Naka-on ang Find Hub
- May device na nakakonekta sa internet
Kung offline ang iyong device kapag nagpadala ka ng request sa lock screen sa pamamagitan ng Malayuang Pag-lock, awtomatikong magla-lock ang screen nito kapag online na ito. Pagkatapos malayuang ma-lock ang screen ng device mo, maa-unlock lang ito nang direkta sa device gamit ang iyong screen lock. Puwedeng i-lock nang malayuan ang screen ng device nang dalawang beses sa loob ng 24 na oras.
Para i-on ang Malayuang Pag-lock:
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Google
Lahat ng serbisyo.
- Sa “Personal na kaligtasan at kaligtasan ng device,” i-tap ang Proteksyon sa pagnanakaw.
- I-tap ang Malayuang Pag-lock.
- I-on ang Malayuang Pag-lock.
- Para makumpleto ang pag-activate, kailangan mo ng na-verify na numero ng telepono.
- Kung hindi na-verify ang iyong numero ng telepono:
- I-tap ang I-verify ang numero.
- I-on ang Awtomatikong i-verify ang mga numero ng telepono.
Kung nawala mo ang iyong telepono o pinaghihinalaan mong ninakaw ito:
- Pumunta sa android.com/lock.
- Ilagay ang iyong numero ng telepono.
- Tapusin ang challenge ng reCAPTCHA.
- Ipa-lock ang device.
- Sa ilang sandali, magla-lock ang screen ng telepono.
Tip: Para i-wipe, i-secure, o burahin ang data ng device mo nang malayuan pagkatapos mong i-lock ang device mo, dapat kang mag-sign in sa Find Hub. Alamin kung paano hanapin ang iyong Android device.
Magdagdag ng opsyonal na pangseguridad na tanong para sa Malayuang Pag-lock
Para masiguradong ikaw lang ang makakapag-lock ng iyong device nang malayuan, maaari kang magdagdag ng pangseguridad na tanong sa mga setting mo ng Malayuang Pag-lock. Para i-set up ang iyong pangseguridad na tanong:
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Google
Lahat ng serbisyo.
- Sa “Personal na kaligtasan at kaligtasan ng device,” i-tap ang Proteksyon sa pagnanakaw
Malayuang Pag-lock
Pangseguridad na tanong (opsyonal).
- I-verify na ikaw ito gamit ang alinman sa iyong:
- PIN
- Pag-authenticate gamit ang biometric
- Piliin ang iyong pangseguridad na tanong.
- Ilagay ang iyong pangseguridad na sagot.
- Para kumpletuhin ang iyong pag-set up, i-tap ang I-set.
- Maaaring kailanganin mong maghintay nang ilang minuto para ma-update ng iyong pangseguridad na tanong ang android.com/lock.
I-lock ang iyong device sa pamamagitan ng android.com/lock
Kapag pumunta ka sa android.com/lock para i-lock ang iyong device, hihilingin sa iyo na ilagay ang numero ng telepono mo. Kung nag-set up ka ng pangseguridad na tanong, hihilingin sa iyo ang iyong pangseguridad na sagot.
- Kung mailalagay mo ang tamang sagot sa pangseguridad na tanong, makakatanggap ka ng notification na naka-lock ang iyong device.
- Kung naglagay ka ng maling sagot sa pangseguridad na tanong, hindi gagana ang malayuang pag-lock.
- Para maiwasan ang pang-aabuso, maaaring kailanganin mo ring kumpletuhin ang isang CAPTCHA para i-lock ang iyong device.
I-on ang Pag-check sa Identity
Para i-verify ang iyong pagkakakilanlan, kailangan ng Pag-check sa Identity ang biometrics at iba pang pag-iingat. Puwede mong i-verify ang pagkakakilanlan mo kapag gumagawa ka ng mga sensitibong aksyon sa device mo o kapag gumagawa ka ng mga pagbabago sa iyong Google Account sa mga hindi pinagkakatiwalaang lugar.
Mahalaga:
- Available ang Pag-check sa Identity sa ilang partikular na device. Kung hindi nakalista sa page ng mga setting ng "proteksyon sa pagnanakaw" ang Pag-check sa Identity, hindi ito sinusuportahan ng iyong device. Alamin kung paano makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.
- Kapag wala ka sa iyong mga itinalagang pinagkakatiwalaang lugar, mahigpit na ipapatupad ng anumang app na hinihiling na "I-verify na ikaw ito" ang pag-authenticate gamit ang biometric tulad ng fingerprint o mukha at hindi ka puwedeng gumamit ng PIN, pattern, o password. Alamin kung paano mag-set up ng Mga pinagkakatiwalaang lugar sa iyong Android device.
Nire-require ang pag-authenticate gamit ang biometric para:
- I-access ang mga naka-save na password at passkey sa Google Password Manager.
- Mag-autofill ng mga password sa mga app mula sa Google Password Manager, maliban sa Chrome.
- Palitan ang screen lock, tulad ng PIN, pattern, at password.
- Palitan ang biometrics, tulad ng Fingerprint o Pag-unlock Gamit ang Mukha.
- Mag-factory reset.
- I-off ang Find Hub.
- I-off ang anumang feature para sa proteksyon sa pagnanakaw.
- Maghanap ng mga pinagkakatiwalaang lugar.
- I-off ang Pag-check sa Identity.
- Mag-set up ng bagong device gamit ang iyong kasalukuyang device.
- Magdagdag o mag-alis ng Google Account.
- I-access ang Mga opsyon ng developer.
- I-access ang anumang iba pang Google app o third-party app na gumagamit ng biometric na prompt para sa pag-authenticate.
Tip: Puwede mong patuloy na gamitin ang PIN, pattern, o mga password para sa:
- Pribadong space
- Multi-users mode
- Pag-autofill ng mga pagbabayad sa mga app
- Pag-autofill ng password at mga pagbabayad sa Chrome
Para magdagdag ng extra na seguridad sa mga Google Account, puwede mong gamitin ang Pag-check sa Identity. Ginagawa nitong mas mahirap na i-take over ng walang pahintulot na tao ang anumang Google Account na naka-sign in sa device na ito.
Kapag naka-on ang "Pag-check sa Identity," kakailanganin mo ang biometrics para:
- Palitan ang password mo mula sa mga setting ng account o sa pamamagitan ng "Nakalimutan ang password."
- Magdagdag o magbago ng mga recovery factor sa iyong device para mabawi ang iyong account.
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Google
Lahat ng serbisyo
Proteksyon sa pagnanakaw.
- I-tap ang Pag-check sa Identity.
- Para i-activate:
- Mag-sign in sa Google Account.
- Magdagdag ng lock ng screen.
- Magdagdag ng biometrics, tulad ng Fingerprint o Pag-unlock Gamit ang Mukha.
- Magdagdag ng iyong mga pinagkakatiwalaang lugar, tulad ng Home o Trabaho.
- Para madaling ma-recover ang iyong Google Accout, i-verify ang numero ng telepono mo.
- Pagkatapos nito, i-tap ang Tapos na.
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Google
Lahat ng serbisyo
Proteksyon sa pagnanakaw.
- I-tap ang Pag-check sa Identity.
- I-off ang Pag-check sa Identity.
- I-verify ang iyong pagkakakilanlan.
- Kung wala ka sa mga pinagkakatiwalaang lugar, kakailanganin mong i-verify na ikaw ito sa pamamagitan ng biometrics o Google Account.
- Kung gagamit ka ng Google Account:
- Para i-off ang "Pag-check sa Identity," pumili ng Google Account sa device mo.
- Kumpirmahin ang password ng Google Accoount.
- Para makita ang opsyong gumamit ng password ng Google Account, i-tap ang Sumubok ng ibang paraan.
- Kung io-on mo ang 2-Step na Pag-verify para sa iyong Google Account, ire-require kang magpakita ng pangalawang factor pagkatapos mong ilagay ang password ng Google Account mo.
Tip: Para i-off ang "Pag-check sa Identity" gamit ang iyong Google Account, kailangang may koneksyon ka sa internet.
Higit pang paraan para protektahan ang iyong data
Mga karagdagang feature ng proteksyon sa pagnanakawPara protektahan ang iyong data laban sa mga magnanakaw at hindi awtorisadong pag-access, may mga karagdagang built-in na feature ang proteksyon sa pagnanakaw ng Android na idinisenyo para protektahan ang iyong data. Kabilang sa mga ito ang:
- Protektahan ang mga sensitibong setting: Pinaghihigpitan ang hindi awtorisadong access sa mga sensitibong pang-admin na proseso kapag humihingi ka ng PIN, password, o pag-authenticate gamit ang biometric para sa mga aksyon, tulad ng kapag io-off mo ang Find Hub o ie-extend ang timeout ng screen.
- Pribadong space: I-hide at ayusin ang mga app sa isang hiwalay na space. Alamin kung paano i-hide ang mga sensitibong app gamit ang pribadong space.
Mahalaga:
- Gumagana lang ang ilan sa mga feature na ito sa Android 15 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
- May mga built-in na feature, tulad ng Lock sa Hindi Matagumpay na Pag-authenticate at protektahan ang mga sensitibong setting, na hihingi ng lock screen para sa karagdagang seguridad at naka-on ang mga ito bilang default.
Para mapanatiling ligtas ang iyong impormasyon mula sa mga hindi awtorisadong indibidwal:
- Gumamit ng malakas na PIN na may anim na digit pataas.
- Gumawa ng pattern na may kumplikadong sequence.
- Gumawa ng natatanging password para protektahan ang iyong data.
Kahit na gumagamit ka ng biometrics, mainam pa ring gumamit ka ng malakas na password kung sakaling may hindi pinapahintulutang indibidwal na susubok na mag-override sa iyong mga biometric na proteksyon. Alamin kung paano magtakda ng screen lock sa Android device.
Gamit ang pagkilala sa fingerprint o mukha, nagbibigay ng parehong seguridad at kaginhawahan ang Pag-authenticate gamit ang biometric. Mas pinapahirap ng mga device na may pagkilala sa biometrics na ma-access ng mga hindi pinapahintulutang indibidwal ang iyong telepono nang hindi naaantala ang experience ng user.
Lubos na hinihikayat ang mga user na mag-set up ng biometrics para sa pag-authenticate. Para sa mga partikular na hakbang sa pag-set up, sumangguni sa manufacturer ng iyong device para sa karagdagang impormasyon at tulong.
Puwede kang mag-pin ng screen para i-lock ang iyong device sa isang app lang, ito ang makikita hanggang sa mag-unpin ka gamit ang PIN, pattern, o password mo. Kapag nag-pin ka ng screen, magagamit mo ang device pero para sa piling app lang. Alamin kung paano mag-pin at mag-unpin ng mga screen.
Maraming app ang nagbibigay ng karagdagang seguridad kapag:
- Nagdagdag ka ng PIN o password.
- Gumamit ng biometrics, tulad ng fingerprint o pagkilala sa mukha.
- Gumamit ng two-step na pag-verify para i-unlock ang iyong device.
Para sa mga app na may sensitibo o mahalagang impormasyon, tulad ng mga app sa pananalapi, sa pagbabayad, o social, maghanap ng mga karagdagang opsyon sa seguridad na idaragdag sa ilalim ng mga setting ng seguridad o privacy.
Para sa mga website na may suporta rito, secure na paraan ang mga passkey para makapag-sign in nang walang password. Alamin kung paano mag-sign in sa iyong mga application at website gamit ang mga passkey.
Mahalaga: Bago mawala o manakaw ang iyong device, siguraduhing naka-sign in ka sa iyong Google Account at naka-on ang mga setting mo ng Lokasyon at Find Hub. Alamin kung paano gamitin ang Find Hub.
Kung manakaw ang iyong Android device o hindi ka sigurado kung may kumuha nito, magagawa mong hanapin, i-secure, o burahin ang data nito mula sa malayo. Kung nagdagdag ka ng Google Account sa iyong device, awtomatikong mao-on ang Find Hub.
- Puwede mong i-lock ang screen at i-log out ang sarili mo sa iyong mga Google Account sa device.
- Matitingnan mo ang lokasyon ng iyong device gamit ang app o website ng Find Hub. Kung hindi mo ito mababawi, puwede mo itong markahan bilang nawala.
- Puwede mong burahin ang data ng device mo at i-factory reset ang iyong device.
Kung nanakaw ang iyong device, posibleng mawalan ka ng mahalagang data na hindi mo mapapalitan. Para masiguradong mapapanatili ang iyong data at magagawa mong i-factory reset ang iyong device nang hindi nawawalan ng data, i-on ang pag-back up ng device. Alamin kung paano mag-back up at mag-restore ng data sa iyong Android device.
May natatanging serial number ang iyong telepono, at nagtatalaga rito ng natatanging IMEI number ang operator ng mobile network. Makakatulong ito sa operator ng mobile network mo na hanapin ang iyong telepono o ihinto ang mga serbisyo kung sakaling mawala ito.
Kung mag-uulat ka ng ninakaw na telepono, posibleng hingin din ng tagapagpatupad ng batas ang iyong serial number at IMEI number. Alamin kung paano hanapin ang IMEI number ng iyong telepono.
Para hanapin ang iyong IMEI number:
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- Piliin ang Tungkol sa Telepono.
Kung mawala o manakaw ang iyong device, magagamit ng hindi pinapahintulutang indibidwal ang SIM card na nasa device mo para kontrolin ang iyong numero ng telepono. Para pigilang magamit ang iyong SIM nang walang pahintulot mo, protektahan ang SIM ng iyong device gamit ang PIN.
Hihingan ka ng PIN ng SIM sa tuwing io-on mo ang iyong device o ilalagay ang SIM sa ibang device.
Para mag-set up ng PIN ng SIM:
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Seguridad at Privacy
Higit Pang Setting ng Seguridad.
- I-tap ang Pag-lock ng SIM
I-lock ang SIM.
Tip: May default na PIN na available sa publiko ang ilang carrier. Para sa mas malakas na proteksyon, inirerekomendang baguhin ito.
Posibleng makakuha ang mga hindi pinapahintulutang indibidwal ng impormasyon mula sa mga notification sa lock screen na magagamit nila para i-access ang iyong data. Para mapigilan ito, puwede mong kontrolin kung anong content ng notification ang ipapakita sa lock screen. Alamin kung paano kontrolin ang mga notification sa Android.
Para itago ang mga notification sa lock screen:
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Seguridad at Privacy
Higit Pang Setting ng Seguridad
Mga notification sa lock screen.
Mga kaugnay na resource
- Magtakda ng screen lock sa Android device
- Mag-pin at mag-unpin ng mga screen
- Mag-sign in sa iyong mga application at website gamit ang mga passkey
- Hanapin ang iyong Android device
- Mag-back up o mag-restore ng data sa iyong Android device
- Magkaroon ng pinakamaigting na seguridad ng account ng Google gamit ang Programang Advanced na Proteksyon