Sa Mga Koleksyon ng Google Play, puwede kang tumingin ng koleksyon para tumuklas ng bagong content ng app na nauugnay sa isang paksa o magpatuloy ng content na nasimulan mo na. Ilan sa mga available na koleksyon ang paglalaro, panonood ng video, pagbabasa ng content, at pakikinig ng musika at mga podcast. Puwede ka ring mag-browse ng mga item para mamili, maghanap ng pagkain, tingnan kung ano ang nangyayari sa social media, at higit pa. Bilang default, naka-on ang lahat ng sinusuportahang koleksyon.
Posibleng mag-iba ayon sa bansa o rehiyon ang mga available na kategorya ng content ng Mga Koleksyon ng Google Play.
- Tip: Posibleng hindi available sa ilang bansa at rehiyon ang mga feature tulad ng Shopping, Food, Social, at Travel.
Mag-off ng koleksyon
Kung ayaw mong makita ang mga app at ang iminumungkahing content ng mga iyon para sa isang paksa, puwede mong i-off ang koleksyong iyon.
- Buksan ang full screen na experience sa Mga Koleksyon.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Icon ng profile
Mga setting ng Mga Koleksyon.
- Mag-tap ng row.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-off.
Mag-on ng koleksyon
Para tingnan ang iminumungkahing content mula sa iyong mga app sa isang paksa, puwede kang mag-on ng koleksyon:
- Buksan ang full screen na experience sa Mga Koleksyon.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Icon ng profile
Mga setting ng Mga Koleksyon.
- Hanapin ang row para sa koleksyong gusto mong i-activate.
- I-tap ang Idagdag.