Sa Mga Koleksyon, mae-enjoy mo ang pagsasaayos ng app, makakatuklas ka ng bagong content na inirerekomenda ng iyong mga app, at maipagpapatuloy mo ang content na nasimulan mo na nang direkta mula sa iyong home screen. Bilang default, magpapakita ng content sa iyong mga koleksyon ang anumang app na na-install at/o na-update ng Google Play at sumusuporta sa pag-integrate sa Mga Koleksyon. Puwede mong kontrolin kung aling mga app ang magpapakita ng content sa iyong mga koleksyon gamit ang mga setting ng Mga Koleksyon:
- Kung may check mark sa kanang bahagi ng tile, makikita ang content ng app sa iyong mga koleksyon.
- Kung walang check mark sa kanang bahagi ng tile, hindi makikita ang content ng app sa iyong mga koleksyon.
- Kung may icon ng pag-download
ang app sa kanang bahagi ng tile, hindi kasalukuyang naka-install sa iyong device ang app, at hindi ito magiging available para makita sa mga koleksyon mo.
- Tip: Puwede kang mag-install ng app gamit ang Mga Koleksyon.
- Kung walang tile ang isang app, hindi ito naka-partner sa Mga Koleksyon, at hindi makikita sa iyong mga koleksyon ang content ng app.
Para baguhin kung ipapakita sa iyong mga koleksyon ang content ng isang app:
- Buksan ang full screen na experience sa Mga Koleksyon.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Icon ng profile
Mga setting ng Mga Koleksyon.
- Mag-tap ng row.
- Piliin ang mga app na may content na gusto mong makita sa iyong mga koleksyon.
- Tip: Magpapakita ng content sa iyong mga koleksyon ang mga app na may check mark sa kanang bahagi ng tile.