Hanapin kaagad ang kailangan mo gamit ang Sa isang Sulyap. Sa home o lock screen ng iyong device, makakakita ka ng impormasyon at mga update tulad ng mga event, gawain, at lagay ng panahon sa hinaharap.
Magdagdag at mag-alis ng widget na Sa isang Sulyap
Sa karamihan ng mga Android device, puwede mong idagdag ang Sa isang Sulyap sa iyong home screen.
Mahalaga: Para alamin kung paano pamahalaan ang mga widget sa iyong device, magtanong sa manufacturer ng device mo.
Para idagdag ang Sa isang Sulyap:
- Sa iyong home screen, pumindot nang matagal sa bakanteng espasyo.
- I-tap ang Mga Widget
.
- Mag-scroll papunta sa “Google.”
- Pindutin nang matagal ang Sa isang Sulyap.
- I-drag ang widget kung saan mo ito gustong ilagay.
Para alisin ang Sa isang Sulyap:
- Pindutin nang matagal ang Sa isang Sulyap.
- I-drag ang widget pataas papunta sa Alisin
.
Mga Tip:
- Sa ilang Android device, makikita mo ang "Sa isang Sulyap" sa lock screen.
- Alamin kung paano i-customize ang iyong mga Home screen.
I-on o i-off ang mga feature ng Sa isang Sulyap
Mahalaga: Available ang kumpletong experience Sa isang Sulyap sa mga Pixel device na may bersyon ng Android na 12 at mas bago. Hindi available ang ilang feature sa lahat ng wika, bansa o rehiyon.
Para i-on o i-off ang mga feature at content:
- Sa itaas ng iyong home screen, pindutin nang matagal ang Sa isang Sulyap.
- I-tap ang I-customize
Mga Setting ng Sa isang Sulyap
.
- Sa ilalim ng "Mga Feature," piliin ang kategorya o paksang gusto mong i-on o i-off.
- I-on o i-off ang kategorya o paksa.
- Para sa higit pang paksa o kategorya, sa ibaba, i-tap ang Tumingin ng higit pang feature.
Pamahalaan ang Sa Isang Sulyap na impormasyon
Bilang default, awtomatikong nagpapakita ng content sa iyong lock screen ang Sa isang Sulyap. Puwedeng mula sa mahahalagang notification ng app ang content na ito tulad ng mga event sa kalendaryo o update.
Puwede mong i-off ang sensitibong content at pamahalaan ang iba pang update na makukuha mo sa iyong lock screen. Alamin kung paano kontrolin ang iyong mga notification.
Para i-update ang setting ng sensitibong content:
- Sa itaas ng iyong home screen, pindutin nang matagal ang Sa isang Sulyap.
- I-tap ang I-customize
Mga Setting ng Sa isang Sulyap
.
- Sa “Pamahalaan ang Pag-personalize,” i-tap ang Sensitibong content sa lock screen.
- Sa "Privacy," i-on o i-off ang Mga sensitibong notification.
Tip: Puwede mong i-off ang mga sensitibong notification sa profile sa trabaho para sa content ng Sa isang Sulyap mula sa iyong profile sa trabaho.
Tungkol sa iyong Sa isang Sulyap na impormasyon
Para magbigay ng impormasyong nauugnay sa iyo, gumagamit ang Google ng data mula sa iyong device at aktibidad.
Para kontrolin kung anong data ang ginagamit ng Sa isang Sulyap para magbigay ng naka-personalize na impormasyon:
- Sa itaas ng iyong home screen, pindutin nang matagal ang Sa isang Sulyap.
- I-tap ang I-customize
Mga Setting ng Sa isang Sulyap
.
- Sa “Pamahalaan ang Pag-personalize,” i-on o i-off ang Mga Settings.
May maraming paraan para pamahalaan ang iyong Sa isang Sulyap na impormasyon.
Para sa impormasyon tulad ng mga update sa Mga event sa kalendaryo, gumagamit ang Sa isang Sulyap ng data mula sa mga app sa iyong device.
Para sa karamihan ng mga feature ng Sa isang Sulyap tiyaking may access ang iyong device sa iyong aktibidad sa Google.
Nakakatulong ang iyong setting ng Aktibidad sa Web at App para makapagbigay ang Sa isang Sulyap ng impormasyon tungkol sa mga gawain, tulad ng oras na para umalis sa isang appointment. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong Aktibidad sa Web at App.
Kapag na-on mo ang "I-personalize gamit ang data ng app," nakakakuha ang Sa isang Sulyap ng impormasyon ng app mula sa iyong mga device para bigyan ka ng mga gawain at notification. Alamin kung paano pamahalaan ang impormasyon ng app ng iyong device.
Gamit ang mga kontrol ng smart na feature, makakapagbigay ang Sa isang Sulyap ng impormasyon sa iyo mula sa iyong email tulad ng mga boarding pass at reservation sa event. Alamin kung paano gumamit ng mga smart na feature at kontrol.
Nagbibigay-daan ang iyong mga setting ng impormasyon sa lokasyon na matulungan ka ng Sa isang Sulyap na makakuha ng kapaki-pakinabang na impormasyon batay sa iyong lokasyon. Halimbawa, puwede ka nitong alertuhan kapag may lindol o napakasamang lagay ng panahon sa malapit.
Para sa ilang feature, nangangailangan ang Sa isang Sulyap ng access sa iyong eksaktong lokasyon. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong mga setting ng lokasyon.
Kung io-on mo ang History ng Lokasyon, makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa mga lokasyong binisita mo. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong History ng Lokasyon.
Kung itatakda mo ang iyong mga address sa bahay at trabaho, puwede kang makakuha ng real-time na impormasyon ng trapiko tungkol sa lokal na trapiko. Alamin kung paano itakda ang lokasyon ng bahay, trabaho, at iba pang lokasyon mo.
Makakakita ka ng naka-personalize na content gamit ang Sa isang Sulyap. Alamin kung paano i-on o i-off ang mga personal na resulta.
Makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa mga event sa kalendaryo sa hinaharap gamit ang Sa Isang Sulyap.
Kung ayaw mong magpakita ang Sa isang Sulyap ng mga event mula sa iyong kalendaryo, alisin ang mga pahintulot sa kalendaryo mula sa Google app:
- Sa iyong Android device, pumunta sa Mga Setting.
- I-tap ang Mga App
Google
Mga Pahintulot.
- I-tap ang Kalendaryo
Huwag payagan.
Tip: Pumupunta sa Sa isang Sulyap ang ilang event sa kalendaryo sa pamamagitan ng mga notification ng app.
Makakakuha ka ng access sa mga pass ng event sa hinaharap na naka-store sa Google Wallet gamit ang Sa isang Sulyap. Alamin kung paano pamahalaan ang mga pass sa Google Wallet.
Kung hindi mo gustong magpakita ang Sa isang Sulyap ng mga pass mula sa Google Wallet, i-update ang mga pahintulot sa Google Wallet:
- Sa iyong Android device, pumunta sa Google Wallet
.
- I-tap ang Larawan sa profile o inisyal
Iyong data sa Wallet
Pamahalaan ang data ng mga pass.
- I-off ang Gamitin ang mga pass sa buong Google.
Puwede mong gamitin ang mga notification ng app para sa ilang feature, tulad ng mga event sa kalendaryo. Kung ayaw mong gamitin ng Sa isang Sulyap ang mga notification ng app, baguhin ang mga setting ng iyong device.
Para baguhin ang iyong mga notification ng app:
- Sa iyong Android device, pumunta sa Mga Setting.
- I-tap ang Mga Notification
Mga notification ng app
Android System Intelligence.
Mga kalapit na device
Makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa mga kalapit na device gamit ang Sa isang Sulyap. Halimbawa, kapag ikinonekta mo ang iyong device sa Bluetooth headphones, puwedeng magbigay sa iyo ang Sa isang Sulyap ng impormasyon ng baterya.
Para payagan ang Sa isang Sulyap na hanapin ang at kumonekta sa iyong mga kalapit na device:
- Sa iyong Android device, pumunta sa Mga Setting.
- I-tap ang Privacy
Manager ng Pahintulot
Mga Kalapit na Device.
I-off ang mga personal na resulta
Kung ayaw mong makatanggap ng naka-personalize na content, puwede mong i-off ang mga personal na resulta sa Mga Setting ng Google Assistant.
Kahit na i-off mo ang mga personal na resulta, posibleng ipakita sa Sa Isang Sulyap ang ilang potensyal na sensitibong content. Puwede mong pamahalaan ang iyong content na nasa Sa isang Sulyap sa pamamagitan ng mga setting ng device mo.
- Sa itaas ng iyong home screen, pindutin nang matagal ang Sa isang Sulyap.
- I-tap ang I-customize
Sa isang Sulyap
.