Magbahagi at mamahala ng mga device gamit ang Hanapin ang Aking Device

Puwede mong hayaang magbahagi at maghanap ang isang kaibigan o miyembro ng pamilya ng device o accessory, gaya ng susi ng iyong sasakyan, na may tracker tag. Puwede kang huminto sa pagbabahagi ng device anumang oras at mag-alis ng mga device at accessory sa Hanapin ang Aking Device kung hindi na ito sa iyo.

Magbahagi ng accessory o tracker tag

Mahalaga:
  • Gagana lang ang mga hakbang na ito sa Android 9 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
  • Para sa privacy ng shared na may-ari, aabutin ng ilang minuto para ma-detect ang lokasyon ng accessory o tracker tag pagkatapos makumpleto ng pagbabahagi.
  • Puwede mong ibahagi ang iyong accessory o tracker tag sa hanggang 10 mahal sa buhay para mahanap ninyong lahat ang inyong mahahalagang gamit sa app.
Hakbang 1: Nagpadala ang may-ari ng device ng imbitasyon sa pagbabahagi
  1. Sa iyong device, i-tap ang Hanapin ang Aking Device .
  2. Piliin ang accessory na gusto mong ibahagi.
  3. I-tap ang Ibahagi ang device.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
    • Puwede mong ipadala ang imbitasyon sa anumang app sa pagmemensahe gaya ng text, email, o Quick Share.
Tip: May 24 na oras ang iyong kaibigan o miyembro ng pamilya para tanggapin ang imbitasyon.
Hakbang 2: Tatanggapin ng tatanggap ang imbitasyon
  1. Bubuksan ng iyong kaibigan o miyembro ng pamilya ang link na ipinadala mo sa iyong imbitasyon sa isang Android Device.
  2. Ipa-prompt siyang i-download ang app na Hanapin ang Aking Device kung hindi pa ito naka-install.
  3. Puwede nilang piliing tanggapin o hindi ang imbitasyon.
    • Para tanggapin: I-tap ang Tanggapin.
    • Para tanggihan: I-tap ang Tanggihan.
Tip: Kapag tumanggap ka ng imbitasyon, may 4 na digit na pin sa ilalim ng nakabahaging device. Puwede mong gamitin ang PIN para sa dagdag na seguridad.
Hakbang 3: Kukumpirmahin ng may-ari ng device ang pagbabahagi
  1. Sa iyong device, i-tap ang Hanapin ang Aking Device .
  2. Piliin ang accessory o device na gusto mong ibahagi.
  3. I-tap ang Mga Setting.
  4. Piliin ang kaibigan o miyembro ng pamilya.
  5. Piliin kung kukumpirmahin o hindi ang pagbabahagi.
    • Para kumpirmahin: I-tap ang Kumpirmahin.
    • Para kanselahin: I-tap ang Kanselahin ang pagbabahagi.
Tip: Kapag tumanggap ka ng imbitasyon, may 4 na digit na pin sa ilalim ng nakabahaging device. Puwede mong gamitin ang PIN para sa dagdag na seguridad.

Ihinto ang pagbabahagi ng device o accessory

Mahalaga: Kapag huminto ka sa pagbabahagi ng device o accessory, ang may-ari lang ng device ang makakahanap sa lokasyon nito.

Kung ikaw ang pangunahing may-ari
  1. Sa iyong device, i-tap ang Hanapin ang Aking Device .
  2. Piliin ang nakabahaging device.
  3. I-tap ang Mga Setting Mga Setting.
Sa tabi ng taong gusto mong ihinto ang pagbabahagi, i-tap ang Higit paHigit pa at pagkatapos ay Ihinto ang pagbabahagi.
Kung ikaw ang ikalawang may-ari
  1. Sa iyong device, i-tap ang Hanapin ang Aking Device .
  2. Piliin ang nakabahaging device.
  3. I-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  4. I-tap ang Umalis sa pagbabahagi.
Tingnan ang antas ng baterya ng tracker tag
  1. Sa iyong device, i-tap ang Hanapin ang Aking Device .
  2. Piliin ang device na gusto mong tingnan.
  3. Sa ilalim ng pangalan ng device, tingnan ang antas ng baterya sa Baterya Baterya.

Tip: May 3 antas ng baterya: “OK,” “Mababa,” at “Napakababa.” Dapat mong palitan ang baterya o i-charge ang iyong tracker tag kapag umabot ito sa “Mababa.” Para sa higit pang impormasyon tungkol sa baterya ng tracker tag mo, sumangguni sa manufacturer ng iyong device.

Mag-alis ng device mula sa Hanapin ang Aking Device

Mag-alis ng device

Kung inalis mo kamakailan ang iyong account sa isang device o nawala ito, posible mo pa rin itong mahanap sa Hanapin ang Aking Device sa loob ng ilang oras. Paano magtago ng mga device sa Google Play

Mga Tip:

Mag-alis ng accessory o tracker tag

Mahalaga: Kapag nag-alis ka ng tracker tag na nasa malapit mula sa Hanapin ang Aking Device, made-delete din ang lahat ng kaugnay na data nito, gaya ng device na kapares nito at iyong email address.

  1. Sa iyong device, i-tap ang Hanapin ang Aking Device .
  2. Piliin ang accessory na gusto mong alisin.
  3. I-tap ang Mga Setting Mga Setting at pagkatapos ay Alisin sa Hanapin ang Aking Device.
    • Kung wala sa malapit ang accessory, o kung hindi ito makakonekta sa Bluetooth, makukuha mo ang notification na “Hindi maalis ang device.”
    • Para alisin ang accessory sa Hanapin ang Aking Device, i-tap ang Alisin ang device.
Tip: Para alisin ang iyong data sa tracker tag, i-factory reset ito gamit ang mga tagubilin ng manufacturer ng device mo. Humingi ng tulong sa manufacturer ng iyong device.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17323511155775322451
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false