Mag-ayos ng mga isyu sa Hanapin ang Aking Device

Puwede kang mag-ayos ng mga problema sa Hanapin ang Aking Device kung hindi nito mahanap ang iyong device o accessory o hindi ito gumagana nang maayos sa Android device mo.

Hindi available ang lokasyon ng device

Posibleng hindi mahanap ng Hanapin ang Aking Device ang iyong device kung:

  • Wala itong power o na-off ito.
  • Wala itong koneksyon sa cellular data o Wi-Fi.
    • Posibleng dahil ito sa mahinang signal o lokasyon ng device.
    • Posibleng inalis ang SIM card ng device.
  • Napinsala ito.
  • Inilagay ito sa Airplane mode o na-off ang Wi-Fi.

Magpatulong sa kaibigan

  1. Sa ibang device, tulad ng telepono ng isang kaibigan, mag-sign in sa Hanapin ang Aking Device.
    • Puwede mo itong gawin sa Guest Mode sa device ng kaibigan mo o sa web.
  2. Piliin ang device.
  3. I-tap ang Markahang nawawala.
    • Kung mag-o-online ang device: Puwede mong piliin ang I-secure ang Device o Burahin ang device.
    • Kung sa tingin mo ay hindi mahahanap ang iyong device: Makipag-ugnayan sa mobile provider mo, kung puwede, para ipa-deactivate ang device.

Hindi ma-access ang lokasyon

Sinasabi ng Hanapin ang Aking Device na “I-sync ang pinakahuling lokasyon”

Posibleng hindi ma-access ng Hanapin ang Aking Device ang pinakahuling lokasyon ng isang device o accessory dahil hindi naka-sync ang pag-encrypt ng lokasyon.

  1. I-tap ang Hanapin ang Aking Device .
  2. Piliin ang device na gusto mong hanapin.
  3. I-tap ang I-sync ang pinakahuling lokasyon.
    • Para sa iyong seguridad, para maipakita ang pinakahuling lokasyon ng device mo, posibleng hilingin sa iyong ilagay ang lock ng screen ng isa sa mga Android device mo, o mag-sign in sa iyong Google Account.
    • Karaniwang mawawala ang mensaheng “I-sync ang pinakahuling lokasyon” at matatanggap mo ang pinakahuling lokasyon ng device o accessory kung mayroon nito.
    • Kung matatanggap mo ang mensaheng “Hindi ma-sync ang lokasyon,” sundin ang mga tagubilin sa ibaba para sa “Kung hindi nag-sync ang iyong pinakahuling lokasyon.”
Kung hindi nag-sync ang iyong pinakahuling lokasyon para sa isang Android device
  1. Sa Android device kung saan mo natanggap ang mensaheng “Hindi ma-sync ang lokasyon,” maghanap ng notification na “Nangangailangan ng Pagkilos sa account.”
  2. Sa ilalim ng notification na ”Nangangailangan ng Pagkilos sa account,” i-tap ang Nangangailangan ng Pagkilos sa account.
  3. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
  4. Bumalik sa Hanapin ang Aking Device .
  5. I-refresh ang iyong listahan ng device.
    • Kung nakikita mo pa rin ang “I-sync ang pinakahuling lokasyon”:
      1. I-tap ang I-sync ang pinakahuling lokasyon
      2. Mag-sign in o ilagay ang iyong lock ng screen kapag hiniling.

Kung “Hindi ma-access ang lokasyon” pa rin ang status ng Android device:

  1. I-access ang Android device kung saan mo natanggap ang mensaheng “Hindi ma-sync ang lokasyon.” 
  2. Pumunta sa Mga Setting.
  3. I-tap ang Google at pagkatapos ay Lahat ng Serbisyo (kung may mga tab) at pagkatapos ay Hanapin ang Aking Device.
  4. I-tap ang Hanapin ang iyong mga offline na device
  5. Tandaan ang kasalukuyang setting na napili para ma-activate mo ito ulit.
  6. Para pansamantalang i-off ang paghahanap offline, i-tap ang I-off.
  7. Para simulan ulit ang pag-set up ng iyong device, mag-tap sa orihinal na napiling setting na tinandaan mula sa hakbang 5, tulad ng Gamit ang network sa matataong lugar.
    • Posibleng hilingin sa iyong mag-sign in o ilagay ang lock ng screen ng isa sa mga Android device mo. 
  8. Bumalik sa Hanapin ang Aking Device
  9. I-refresh ang iyong listahan ng device.
    • Kung nakikita mo pa rin ang “I-sync ang pinakahuling lokasyon”: 
      1. I-tap ang I-sync ang pinakahuling lokasyon.
      2. Mag-sign in o ilagay ang iyong lock ng screen kapag hiniling.

Mga tagubilin para sa Android 8.0 at mas luma

Para sa Android 8.0 at mas luma, 

  1. Sa iyong device, buksan ang Mga Setting.
  2. I-tap ang Google at pagkatapos ay Lahat ng Serbisyo (kung may mga tab) at pagkatapos ay Hanapin ang Aking Device.
  3. I-off ang I-store ang pinakahuling lokasyon.
  4. I-on ang I-store ang pinakahuling lokasyon
    • Kapag naka-on ang "I-store ang pinakahuling lokasyon," sino-store ng account mo ang iyong mga naka-encrypt na pinakahuling lokasyon para mahanap mo ang mga offline na device at accessory.
Kung hindi nag-sync ang iyong pinakahuling lokasyon para sa isang accessory
  1. I-factory reset ang iyong accessory ayon sa mga tagubilin ng manufacturer.
  2. Ikonekta ulit sa iyong Android device ang accessory.
  3. Bumalik sa Hanapin ang Aking Device
  4. I-reload ang iyong listahan ng device.

Hindi naka-sync ang accessory o device

Kung makatanggap ka ng email na nagsasabing hindi naka-sync ang isa sa iyong mga accessory o device at hindi ito mahanap gamit ang app na Hanapin ang Aking Device:

  1. Sa Android device na naka-sign in sa iyong Google Account, buksan ang Hanapin ang Aking Device .
  2. Mula sa listahan ng device, piliin ang device o accessory na binanggit sa email.
  3. I-tap ang I-sync ang pinakahuling lokasyon.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen. 

Tip: Kung wala kang device na nakakonekta sa nakabahaging Google Account, dapat na awtomatikong malutas ang problema kapag nagkonekta ka ng Android device sa account ng nawawala mong device.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11822458338719270744
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false