Sa Android 14, maa-access mo ang Health Connect mula sa mga setting ng iyong Android device. Nagso-store ito ng pangkalusugan, pang-fitness, at medikal na data sa iyong device at nagbabahagi ito ng data sa pagitan ng iba't ibang app.
Gamit ang Health Connect, magagawa mong:
- Ikonekta at i-sync ang iyong mga paboritong pangkalusugan, pang-fitness, at medikal na app.
- Hanapin ang lahat ng iyong data sa iisang lugar.
- Manatiling may kontrol sa iyong privacy.
Kapag na-upgrade mo sa Android 14 ang iyong Android device, awtomatiko nitong inililipat ang pangkalusugan at pang-fitness na data mo, kasama ng mga pahintulot sa Health Connect. Inililipat ng system ang data na ito sa pinakabagong naka-integrate na bersyon sa operating system ng Android mula sa Health Connect app.
Pagkatapos ng proseso ng pag-integrate, puwede mo nang i-uninstall ang Health Connect app nang hindi nakakaapekto sa iyong serbisyo.
I-update ang iyong app sa kalusugan at fitness
Mahalaga: Sa mga setting ng device lang available ang mga health record at hindi sa Health Connect app.
Para suportahan ang pinakabagong bersyon ng Health Connect, puwedeng i-update ng mga developer ng app ang kanilang application. Tingnan kung may update para sa iyong pangkalusugan, pang-fitness, at medikal na app:
- Buksan ang Google Play Store app
.
- Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
- I-tap ang Pamahalaan ang mga app at device. May label na "May available na update" ang mga app na may available na update.
- I-tap ang I-update.
Kung hindi available ang isang update sa app na sumusuporta sa pinakabagong bersyon ng Health Connect sa Google Play Store, maghintay hanggang sa mag-publish ang developer ng update o makipag-ugnayan sa iyong developer.