Gumamit ng pisikal na keyboard sa iyong tablet

Puwede kang bumili ng Android-compatible na pisikal na keyboard at ikonekta ito sa iyong tablet. Sa pamamagitan nito, madali kang makakagawa ng mga dokumento, makakapagsulat ng mga email, at makakapag-navigate sa interface ng iyong tablet.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 14 at mas bago. Alamin kung paano i-update ang bersyon ng iyong Android.

Magkonekta ng pisikal na keyboard sa iyong tablet

Para magkonekta ng Bluetooth keyboard sa iyong tablet:

  1. Ilagay sa pairing mode ang keyboard. Para sa tulong, sumangguni sa mga tagubilin ng manufacturer ng keyboard.
  2. Buksan ang Mga Setting ng iyong device Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos Mga nakakonektang devicve at pagkatapos Magpares ng bagong device.
  4. Sa tabi ng “Mga available na device” i-tap ang keyboard kung saan mo gustong kumonekta.

Baguhin ang mga setting ng iyong pisikal na keyboard

  1. Buksan ang Mga Setting ng iyong device Mga Setting.
  2. I-tap ang System at pagkatapos Keyboard at pagkatapos Pisikal na keyboard.
  3. Sa ilalim ng “Pisikal na keyboard:"
    • Baguhin ang layout ng pisikal na keyboard: Piliin ang kasalukuyan mong pisikal na keyboard at pagkatapos piliin ang gusto mong wika para sa layout at pagkatapos pumili ng layout.
  4. Sa “Mga Opsyon,” magbago ng setting:
    • Gumamit ng on-screen na keyboard: I-on ito kung gusto mong mapanatili ang iyong virtual keyboard sa screen ng tablet habang aktibo ang pisikal na keyboard.
    • Mga keyboard shortcut: I-tap para magpakita ng listahan ng mga kapaki-pakinabang na keyboard shortcut.
    • Mga modifier key: I-tap ang setting na ito para baguhin ang pagkilos ng mga key ng pisikal na keyboard gaya ng Caps lock, Ctrl, at Alt.

Tip: Awtomatikong inilalapat ang mga setting ng wika para sa iyong on-screen na keyboard sa pisikal mong keyboard pagkatapos mo itong ikonekta sa iyong tablet.

Baguhin ang mga setting ng touchpad

Kung may touchpad ang iyong pisikal na keyboard, puwede mong i-adjust ang mga setting ng touchpad pagkatapos mo itong ikonekta sa iyong tablet:

  1. Buksan ang Mga Setting ng iyong device Mga Setting.
  2. I-tap ang System at pagkatapos Touchpad.
  3. Magbago ng setting:
    • I-tap para i-click: Kapag naka-on ang setting na ito, puwede mong i-tap ang iyong touchpad para pumili, katulad ng pag-left click kapag gamit ang mouse.
    • Reverse na pag-scroll: I-on para pagalawin pataas ang content kapag nag-scroll down ka.
    • Pag-tap sa kanang bahagi sa ibaba: I-on para maka-access ng higit pang opsyon kapag nag-tap ka sa kanang sulok sa ibaba ng iyong touchpad.
    • Bilis ng pointer: I-drag pakaliwa at pakanan para baguhin ang bilis.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
285399444221536688
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false