Gamitin ang artikulong ito para mabilisang makahanap ng mga sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa Health Connect.
Mahalaga: Hindi sinusuportahan ng Health Connect ang mga multi-user na profile, tulad ng Profile sa Trabaho ng Android.
Bakit hindi nag-sync ang data
May ilang dahilan kung bakit posibleng hindi mag-sync ang iyong data:
- Posibleng walang pahintulot na mag-read o mag-write ng data mula sa Health Connect ang nakakonektang app. Tingnan kung nabigyan ng pahintulot ang app.
- Posibleng hindi pa sinusuportahan ng app ang partikular na uri ng data na iyon. Tingnan kung may mga hiniling na pahintulot ang app.
- Posibleng hindi nasimulan nang maayos ang pag-sync. Tiyaking sisimulan mo ang pag-sync sa pamamagitan ng mga setting ng nakakonektang app. Subukang i-off ang mga pahintulot at i-on ulit ang pag-sync sa pamamagitan ng nakakonektang app. Kung hindi pa rin ito gagana, makipag-ugnayan sa suporta ng nakakonektang app.
Kapag maraming app na nagra-write ng parehong uri ng data, mine-merge ang data na iyon. Kung magkakaroon ng mga pagsasalungat, gagamitin ng Health Connect ang priyoridad ng app na itinakda mo para piliin kung aling data ng app ang isasapriyoridad.
Halimbawa, kung parehong nira-write ng fitness app A at fitness app B ang bilang ng mga hakbang mula 8:00 AM hanggang 9:00 AM, kukunin ng Health Connect ang bilang ng mga hakbang mula sa app na may mas mataas na priyoridad.
Bagama't posibleng gamitin ng ilang app ang data na na-merge ng Health Connect, puwedeng piliin ng iba pa na i-read ang lahat ng data at i-merge ito sa sari-sariling paraan ng mga ito. Kung gusto mong isang app lang ang mag-write ng isang partikular na uri ng data, puwede mong alisin ang mga pahintulot sa lahat ng iba pang app na nagra-write ng data.
Binibigyang-daan ng Health Connect ang maraming app na mag-write ng data sa iisang on-device na storage. Bilang resulta, may ilang dahilan kung bakit posibleng magkaroon ng mga hindi pagkakatumpak.
Puwede mong i-delete ang anumang hindi tumpak na data para hindi ito gamitin ng Health Connect. Kung gusto mong isang app lang ang mag-write ng isang partikular na uri ng data, puwede mong alisin ang mga pahintulot sa lahat ng iba pang app na nagra-write ng data.
Para magpadala ng feedback:
- Sa iyong device, buksan ang Health Connect
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang overflow menu
Magpadala ng feedback.
May ilang dahilan kung bakit posibleng hindi mo makita ang iyong data sa isang nakakonektang app:
- Posibleng walang pahintulot ang app na i-read ang iyong data mula sa Health Connect: Tingnan kung binigyan mo ang app ng pahintulot na mag-read ng data o kung hindi pa sinusuportahan ng app ang Health Connect. Alamin kung paano pamahalaan ang mga nakakonektang app sa Health Connect.
- Posibleng hindi nagsi-sync nang maayos ang iyong data: Alamin pa kung bakit posibleng hindi mag-sync nang maayos ang data mo.
Humanap ng listahan ng mga compatible na app
Kung may iba pang app na gusto mong ikonekta sa Health Connect, magpadala ng feedback para ipaalam ito sa amin.
Para magpadala ng feedback:
- Sa iyong Android device, buksan ang Health Connect.
- Pumunta sa Mga pahintulot sa app
Hindi makita ang lahat ng iyong app?
Magpadala ng feedback.
Magpadala ng feedback
Kung gusto mong ibahagi ang iyong feedback o kung hindi nasagot ang mga tanong mo, ipaalam sa amin. Para magpadala sa amin ng feedback:
- Sa iyong device, buksan ang Health Connect
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Magpadala ng feedback.