Kopyahin ang mga app at data sa bagong Android device mula sa iPhone

Madali mong maililipat ang iyong data sa bagong Android device mula sa iPhone mo.

Mahalaga:

  • Kailangang may Android 12 at mas bago ka para magamit mo ang app na Lumipat sa Android. Sinusuportahan ng karamihan ng iba pang bersyon ng Android ang paglilipat ng data gamit ang cable.
  • Kailangan mo ng koneksyon sa internet para makapagkopya ng data mula sa isang device papunta sa isa pa. Inirerekomenda naming ikonekta mo sa Wi-Fi ang parehong device.
  • Puwede kang gumamit ng cable para maglipat ng data sa panimulang pag‑set up ng device mo. Sa mga piling model ng telepono, may ilang araw na palugit para maglipat gamit ang cable pagkatapos ng panimulang pag‑set up. Sumangguni sa site ng suporta ng manufacturer ng telepono mo para sa higit pang impormasyon. Kung wala kang compatible na cable:
  • Kung pinapamahalaan ang iyong iPhone ng isang organisasyon, gaya ng negosyo o paaralan, posibleng hindi mo maililipat ang lahat ng data.

Bago ka magsimula

  • I‑charge ang parehong device.
  • Tiyaking maa-unlock mo ang lumang device gamit ang PIN, pattern, o password.
  • Puwede mo ring i‑off ang feature na auto-lock sa iyong iPhone.
  • Tingnan ang storage sa luma at bagong device mo. Hindi mo magagawang ilipat ang lahat ng data kung hindi sapat ang storage sa bagong device. 
  • Maglaan ng oras. Puwedeng abutin nang ilang minuto hanggang ilang oras ang paglilipat ng data.
  • May ibang paraan ng pagkopya ng data mula sa luma mong telepono ang mga Samsung device. Matuto pa tungkol sa Samsung Smart Switch
Ang maililipat sa bago mong device

Makakapagkopya ka ng iba't ibang uri ng data batay sa paraan ng paglilipat ng data na pipiliin mo.

Uri ng Data Cable Wi-Fi
Mga Contact Oo Oo
Mga larawan at video Oo Oo
Mga event sa kalendaryo Oo Oo
Mga libreng app na mada‑download sa Google Play Store Oo Hindi
Musika Oo Hindi
Mga text, iMessage, at karamihan ng content ng iMessage, gaya ng mga larawan, video, at iba pang media Oo Hindi
Mga Tala Oo Hindi
Mga wallpaper na gumagamit ng mga larawan mo sa device Oo Hindi
History ng tawag Oo Hindi
Mga chat at data ng WhatsApp Oo Hindi
Ang hindi maililipat sa bago mong device

Hakbang 1: I‑on ang bago mong Android device

I‑on ang iyong Android device at i-tap ang Magsimula.

Hakbang 2: Kumonekta sa Wi-Fi o mobile network

Mahalaga: Kung walang available na koneksyon, hindi ka makakapaglipat ng data sa pag‑set up.

Kapag walang koneksyon, hindi mo magagawang:

  • Mag-sign in sa iyong Google Account
  • Kumopya ng mga app at data
  • Makatanggap ng mga update sa software
  • Awtomatikong i‑set up ang oras at petsa

Kumonekta sa mobile network

Kung may pisikal na SIM card ka, alisin iyon sa iPhone mo at ilagay iyon sa bago mong Android phone. Alamin kung paano maglagay ng SIM card.

Kung may eSIM ka, puwede mo ring i‑download iyon mula sa carrier mo. 

Kung may anumang isyu ka sa SIM card o mga serbisyo ng carrier mo, humingi ng tulong sa iyong mobile carrier

Kumonekta sa Wi-Fi

Pumili ng Wi-Fi network sa listahan kapag hiniling sa iyo, at ilagay ang password mo kung kinakailangan.

Hakbang 3: Kopyahin ang mga app at data mo

Sundin ang paraang gumagamit ng cable para mas maraming data ang makopya. Alamin ang mga uri ng data na naililipat batay sa paraan ng paglilipat.

Kopyahin ang data mula sa luma mong telepono gamit ang cable

Mahalaga: 

  • Kailangan mong i-off ang iMessage sa iyong iPhone.
  • Kailangang magkakonekta ang dalawang device sa kabuuan ng proseso ng paglilipat.
  • Huwag lumayo sa telepono mo dahil kailangan mong ilagay ang iyong PIN sa buong proseso. 
  • Kailangan mo ng USB-C to lightning cable o adapter para mapagkonekta ang dalawang telepono.
    • Puwede ka ring gumamit ng USB-A to USB-C adapter sa lightning cable ng iPhone mo.

 

  1. Ikonekta sa luma mong device ang cable sa pag-charge ng iPhone mo.
  2. Ikonekta sa bago mong device ang kabilang dulo ng cable sa pag‑charge o adapter.
  3. Kung makatanggap ka ng notification na nanghihingi ng pahintulot na kumonekta, i-tap ang Pagkatiwalaan.
  4. Mag‑sign in sa iyong Google Account o gumawa nito kung wala ka pa nito.
    • Kung hindi ka magsa‑sign in sa iyong Google Account, hindi ka makakapaglipat ng mga app, event sa kalendaryo, note, o chat sa WhatsApp mo.   
  5. Sa bago mong device, piliin ang mga uri ng data na gusto mong kopyahin.
  6. I-tap ang Kopyahin.

Tip: Para mailipat ang data ng WhatsApp mo, i-scan ang QR code na matatanggap mo sa bago mong Android device gamit ang iyong iPhone at sundin ang mga tagubilin sa screen.

Gamitin ang app na Lumipat sa Android para makapaglipat nang walang cable

Kung wala kang compatible na cable, maililipat mo pa rin ang ilang data mo mula sa iyong iPhone. Matuto pa tungkol sa iba't ibang uri ng data na maililipat nang wireless.

Mahalaga: 

  • Kailangan mong i-off ang iMessage sa iyong iPhone.
  • Nakakonekta dapat sa internet ang parehong device.
  • Kailangang manatiling magkalapit ang mga device sa buong proseso. 
  • Magagamit ang paraang ito para sa mga device na gumagamit ng Android 12 at mas bago.

May alternatibong paraan ng pagkopya ng data ang mga Samsung device.

Sa bago mong Android device

  1. I-on ang bago mong device.
  2. I-tap ang Magsimula.
  3. Kumonekta sa Wi-Fi network kapag hiniling.
  4. Piliing kopyahin ang mga app at data mula sa luma mong device.
  5. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i‑tap ang Walang cable? o Hindi akma ang cable?
  6. I‑tap ang Naglilipat mula sa iPhone® o iPad®?
  7. Mag‑sign in sa iyong Google Account o gumawa nito kung wala ka pa nito.

Sa luma mong iPhone

  1. Kapag na‑prompt, i-scan ang QR code na nasa screen ng Android mo gamit ang camera ng iyong iPhone.
  2. I‑download ang app na Lumipat sa Android.
  3. Buksan ang app na Lumipat sa Android. 
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Mga kaugnay na resource 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10381401426934803047
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false