Kapag may app na gumagamit sa iyong camera o mikropono, makakatanggap ka ng notification sa Android phone mo. Makokontrol mo kung aling mga app ang may access sa iyong telepono.
Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 12 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
Alamin kung kailan naka-on ang iyong camera at mikropono:
- Kapag may mga app na gumagamit sa iyong camera o mikropono, may makikitang berdeng indicator sa kanang sulok sa itaas ng screen mo.
- Mag-swipe pababa at mag-tap sa indicator.
- Mag-tap nang isang beses para tingnan kung aling app o serbisyo ang gumagamit ng iyong camera o mikropono.
- Mag-tap ulit para pamahalaan ang mga pahintulot.
I-on o i-off ang iyong camera o mikropono
Para i-on o i-off ang camera at mikropono, mag-swipe pababa at i-tap ang kontrol ng camera o mikropono.
Mga Tip:
- Posibleng hindi sa lahat ng device gumana ang pag-swipe pababa.
- Kung nagkakaproblema ka sa pag-access ng camera o mikropono, tiyaking hindi mo na-block ang mga ito.
Pamahalaan ang iyong camera at mikropono sa Mga Mabilisang Setting
Maa-access mo rin ang mga kontrol ng camera at mikropono mula sa mga tile ng Mga Mabilisang Setting.
- Mula sa itaas ng iyong screen, mag-swipe pababa nang dalawang beses.
- Para i-off ang access sa camera at mikropono, i-tap ang tile ng camera o mikropono.
- Kung wala roon ang mga tile ng iyong Mga Mabilisang Setting, mula sa ibaba ng Mga Mabilisang Setting, i-tap ang I-edit o Magdagdag .
- Pindutin at i-drag ang tile para idagdag ito sa iyong Mga Mabilisang Setting.