Magbahagi ng digital na susi ng kotse

Madali mong maibabahagi ang iyong digital na susi ng kotse sa ibang tao sa pinagkakatiwalaan mong circle.

Mahalaga:

  • Available lang ang pagbabahagi ng susi para sa:
    • Mga piling device
    • Mga piling sasakyan sa mga piling merkado
  • Kinakailangan ang Android 12+ para sa pagbabahagi ng susi. Alamin kung paano magsimula sa digital na susi ng kotse.
  • Tiyaking mapagkakatiwalaan mo ang taong pagbabahagian mo ng iyong susi.

Magbahagi ng susi

Para ma-activate at matanggap ang shared key sa unang pagkakataon, posibleng kailanganing i-activate ito ng pinagkakatiwalaan mong tao gamit ang aktwal na susi o code sa pag-activate. Sa ilang sasakyan, posibleng kailangan mong simulan ang pag-activate mula sa menu ng digital na susi sa screen ng kotse.

Para magbahagi ng susi

  1. Sa iyong Android device, buksan ang wallet app.
  2. Buksan ang iyong digital na susi ng kotse.
  3. I-tap ang Ibahagi ang susi ng kotse.
  4. Pumili ng user o app na pagbabahagian ng iyong susi.
  5. Pangalanan ang shared key.
    • Hindi na mababago ang pangalan ng iyong shared key.
  6. Bago mo ibahagi ang iyong susi ng kotse, suriin ang mga setting ng susi mo.
  7. Sa iyong napiling app, ibahagi ang link ng susi sa pinagkakatiwalaan mong contact.
    • Posibleng magtagal ang pag-set up ng susi. Aabisuhan ang iyong pinagkakatiwalaang contact kapag handa nang gamitin ang susi.
    • Tiyaking naka-sign in ang iyong pinagkakatiwalaang contact sa wallet app ng device niya.
    • Para i-activate ang susi, susundin ng iyong pinagkakatiwalaang contact ang mga tagubilin sa screen.

Tip: Sa ilang kotse, magagawa mong i-set up ang mga setting ng shared key, gaya ng pinaghihigpitang pagmamaneho.

Mag-activate ng susi

Puwede kang mag-activate at tumanggp ng shared key gamit ang code, aktwal na susi, o digital na susi. Para mag-activate ng shared key, dapat mong sundin ang mga tagubilin sa screen.

Mag-activate gamit ang code:

  1. Kung binigyan ka ng code sa pag-activate, ibahagi ang code sa pag-activate sa iyong pinagkakatiwalaang contact.
    • Para sa karagdagang seguridad, ibahagi ang code sa pag-activate sa pamamagitan ng telepono o ibang app na hindi mo gagamitin para ibahagi ang susi.
  2. Depende sa kotse, ipalagay sa iyong pinagkakatiwalaang contact ang code sa pag-activate sa screen ng kotse o sa wallet app ng device niya.

Mag-activate gamit ang aktwal na susi:

Para i-activate ang iyong digital na susi gamit ang aktwal na susi, dapat magdala ng key fob ang iyong pinagkakatiwalaang contact sa kotse.

  1. Isa-start ng iyong pinagkakatiwalaang contact ang kotse gamit ang digital na susi mo habang nasa loob ng kotse ang aktwal na susi.
  2. Para i-activate ang nakabahaging digital na susi, dapat sundin ng iyong pinagkakatiwalaang contact ang mga tagubilin sa screen ng kotse.

Mag-activate gamit ang digital na susi:

Depende sa kotse, puwede rin itong i-activate ng iyong pinagkakatiwalaang contact gamit ang digital na susi mo. Para i-activate ang susi, isa-start ng pinagkakatiwalaang contact ang kotse gamit ang digital na susi, pagkatapos ay susundin niya ang anumang tagubilin sa screen.

Mag-delete ng shared key

  1. Sa iyong device, buksan ang wallet app.
  2. Buksan ang iyong digital na susi.
  3. Alisin ang shared key.
    • Posibleng abutin nang ilang sandali bago ito matapos. Aabisuhan ka kapag nabawi na ang access.
    • Sa ilang kotse, hindi ide-delete ang shared key hangga't hindi natutugunan ang ilang partikular na kundisyon, gaya ng paggamit ng isa pang aktwal o digital na susi sa kotse.
    • Kung gusto mong mag-delete ng shared key nang agaran, puwedeng i-delete ang susi mula sa screen ng kotse para sa ilang kotse.

Tip: Puwede mo ring pamahalaan ang mga susi mula sa screen ng kotse.

I-troubleshoot ang pagbabahagi ng susi

  • Tiyaking nakabukas ang susi sa sinusuportahang device.
  • Naka-online ka dapat.
Hindi mabuksan o ma-start ng susi ang kotse
  • Tiyaking na-activate mo na ang iyong susi. Sa ilang sasakyan, puwede mong tingnan kung aktibo ang iyong susi sa mga setting sa screen ng kotse mo. Kapag ginamit mo ang susi sa unang pagkakataon, dapat kang maglagay ng code sa pag-activate sa screen ng kotse o dapat mong dalhin sa kotse ang key fob ng may-ari.
  • Tiyaking handa nang gamitin ang susi. Kung makita mo ang “Hindi pa available ang susi ng iyong kotse. Makakatanggap ka ng abiso kapag handa na ito.” kapag tiningnan mo ang iyong kotse sa wallet app, ibig sabihin, hindi pa handang gamiitin ang susi mo.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5040462377492041733
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false