Naglalaman ang mga log ng device mo ng impormasyong na-record ng system at mga app sa iyong device. Pansamantalang naka-store ang mga log na ito at tuloy-tuloy na dine-delete ang mga ito.
Bilang default, may access ang lahat ng app sa mga log ng app na ginagawa ng mga ito. Puwede ring ma-access ng Google at manufacturer ng iyong device ang impormasyong kinakailangan para sa mga layunin katulad ng performance ng system, mga update, maintenance, at seguridad.
Puwede ring ma-access ng ilang app at serbisyo ang “lahat ng log ng device,“ na isang mas malawak na hanay ng mga log na makakatulong sa mga manufacturer ng device at developer ng app na pahusayin ang kalidad at pagiging maaasahan ng kanilang mga device at app. Halimawa, puwedeng humingi ng tuloy-tuloy na access sa lahat ng log ng device ang manufacturer ng iyong device para makapagbigay sila ng mga pagpapahusay sa kalidad at pagiging maaasahan.
Ang puwedeng nilalaman ng mga log ng device
Mahalaga: Payagan lang ang mga app na pinagkakatiwalaan mong mag-access sa lahat ng log ng device.
Pangkalahatang naglalaman ang mga log ng device ng limitadong teknikal na impormasyon. Posibleng maglaman ang mga log na ito ng impormasyon katulad ng mga app na na-install mo sa iyong device, kailan mo ginagamit ang mga app na iyon, identifier ng user o device, o iba pang impormasyon sa aktibidad ng app.
Sa Android 13, kung susubukan ng isang app na i-access ang lahat ng log ng device para sa mga inaprubahang sitwasyon ng paggamit tulad ng feedback sa app o pag-uulat ng bug, itatanong sa iyo ng system kung gusto mong bigyan ang app ng pang-isang beses na access sa mas malawak na set ng mga log na ito.
Kahit na hindi ka magbigay ng access sa lahat ng log ng device kapag na-prompt ka ng system, posibleng may access pa rin ang Google, manufacturer ng iyong device, o mga developer ng app sa ilang log o katulad na impormasyon. Halimbawa, kung naka-on ang setting na paggamit at mga diagnostic ng iyong device, magpapadala ang device mo ng impormasyon sa Google tungkol sa kung paano mo ito ginagamit at paano ito gumagana. Alamin kung paano magbahagi ng paggamit at mga diagnostic sa Google.
Mga teknikal na detalye
Tumutukoy ang pariralang “lahat ng log ng device'' sa lahat ng content ng mga buffer ng log na pinapamahalaan ng proseso ng system na logd. Kahit na hindi ka magbigay ng access sa lahat ng log ng device, posibleng mag-access pa rin ang mga app ng isang subset ng mga log, gaya ng log ng event.
Pamahalaan ang mga log ng device sa iyong Android device
Para i-access ang lahat ng log ng device mo, puwede mong payagan on tanggihan ang request ng isang app.
Android 12 at mas bago
Kung humingi ang isang app ng access sa lahat ng log ng device, puwede mong aprubahan o tanggihan ang request sa pag-access.
- Para magbigay ng access sa lahat ng log ng device, i-tap ang Payagan ang pang-isang beses na pag-access.
- Para tanggihan ang access sa lahat ng log ng device, i-tap ang Huwag payagan.