Matuto tungkol sa mga pinaghihigpitang setting

Kapag nag-install ka ng app sa Android device, kinokontrol mo ang mga pahintulot sa app. Nagbibigay-daan ang mga pahintulot para makapili ka kung aling mga kakayahan o impormasyon ang magagamit ng isang app. Alamin kung paano baguhin ang mga pahintulot sa app.

Posibleng hilingin ng mga mapaminsalang app na baguhin mo ang mga setting na naglalagay ng iyong device o data sa panganib. Para protektahan ka laban sa mga mapaminsalang app, posibleng paghigpitan ang ilang setting ng device kapag nag-install ka ng app. Hindi mababago ang mga pinaghihigpitang setting na ito maliban na lang kung payagan mo ang mga pinaghihigpitang setting

Paano tumukoy ng spam

Gumagamit ang mga scammer ng maraming paraan para lokohin ang mga tao na mag-download ng mga mapaminsalang app at makuha ang kanilang personal na data. Isaalang-alang ang mga sumusunod na halimbawang sitwasyon para matukoy kung posibleng scam ang isang app.

Biglaaang may nakipag-ugnayan sa iyo

Dapat kang maghinala sa mga hindi inaasahang mensahe Kadalasang nagpapadala ng mga kapani-paniwalang text message o email ang mga manloloko. Halimbawa, posibleng sabihin nilang mayroon kang napalampas na delivery o voicemail.

Pinipilit ng app na baguhin mo ang isang setting ng device

Karaniwang ipinapaliwanag ng mga app kung bakit dapat baguhin ang isang pahintulot o setting bago nito hilinging baguhin mo ang mga ito. Kadalasang walang paliwanag o walang kabuluhan ang mga kahilingang ginagawa ng mga mapaminsalang app.

Masyado itong maganda para maging totoo

Posibleng sabihin ng mga mapaminsalang app na papabutihin nito ang pagtakbo ng iyong telepono, o posibleng mag-alok ito ng content na aasahan mong dapat na may bayad. Kung masyadong maganda ito para maging totoo, malamang ay ganoon nga.

May mga pagkakamali sa pagbabaybay at gramatika

Malamang na galing sa mga scammer ang mga mensahe at app na may mga pagkakamali sa pagbabaybay at gramatika. Bihirang gagawa ng mga ganitong pagkakamali ang mga lehitimong organisasyon kapag nakipag-ugnayan sila sa iyo.

Tip: Kung hindi ka sigurado tungkol sa app na sinabi sa iyong i-download, pumunta sa opisyal na website ng kumpanya o organisasyon. Puwede mo ring hanapin ang app sa isang app store na pinakakatiwalaan mo, tulad ng Google Play. Matuto pa tungkol sa kung paano ka pinapanatiling ligtas ng Android. Suriin ang aming mga tip para matulungan kang manatiling ligtas online.

Payagan ang mga pinaghihigpitang setting

Mahalaga:

Kapag na-enable mo ang mga pinaghihigpitang setting, pinapayagan mo ang mga app na magkaroon ng access sa sensitibong impormasyon na posibleng maglagay sa iyong personal na data sa panganib. Hindi namin inirerekomendang payagan mo ang mga pinaghihigpitang setting maliban na lang kung pinagkakatiwalaan mo ang developer ng app.

Posibleng hilingin ng ibang lehitimong app na i-enable mo ang mga pinaghihigpitang setting. Halimbawa, posibleng hilingin sa iyo ng isang app na idinisensyo para suportahan ang mga taong may mga kapansanan na i-on ang mga setting ng accessibility. Gamit ang access sa mga setting ng accessibility, mababasa ng app ang content sa iyong screen at magagawa nitong makipag-ugnayan sa mga app sa ngalan mo.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Mga App.
  3. I-tap ang app kung para saan mo gustong mag-on ng pinaghihigpitang setting.
    • Tip: Kung hindi mo ito makita, i-tap muna ang Tingnan ang lahat ng app o Impormasyon ng app.
  4. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Payagan ang mga pinaghihigpitang setting.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
5857723091618944918
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
false
false
false
false