Mag-set up o mamahala ng digital na susi ng kotse

Puwede mong i-lock, i-unlock, at paandarin ang iyong kotse mula sa Android phone mo gamit ang digital na susi ng kotse.

Ipares ang iyong telepono sa kotse mo

Mahalaga: Available lang ang mga digital na susi ng kotse para sa mga piling sasakyan sa mga piling market.

  • Gumagana ang mga ito sa:
    • Pixel 6 at mas bago, kasama ang Pixel Fold at Pixel 8 Pro.
    • Samsung Galaxy S21+.
    • Mga piling Android device na gumagamit ng Android 12 at mas bago.

Para mag-set up ng digital na susi ng kotse, dapat nakakonekta ka sa internet. Kung Samsung phone ang ginagamit mo, puwede kang mag-set up ng Digital na Susi sa Samsung Wallet.

Gamitin ang app ng manufacturer ng kotse
  1. Para i-set up ang iyong account, buksan ang app ng manufacturer ng kotse.
  2. Para ipares ang iyong kotse sa account, hanapin ang “digital na susi ng kotse” at sundin ang mga tagubilin.
  3. Sa welcome screen, mag-sign in gamit ang iyong Google Account.
  4. Suriin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo.
  5. I-tap ang Sumang-ayon at magpatuloy.
    Tip: Puwede mong i-edit ang pangalan ng susi ng kotse ngayon, pero hindi na mababago ang pangalang ito sa ibang pagkakataon. Bilang default, ito ay [iyong pangalan] + [modelo ng telepono]. Halimbawa, “Erik’s Pixel 6 Pro.”
  6. I-tap ang Simulan ang pagpapares at hintaying magpares ang iyong telepono at kotse.
  7. Kapag natapos na ang pagpapares, idaragdag ang iyong digital na susi sa Google Wallet.
    • Kung wala kang Google Wallet app, sundin ang mga tagubilin sa screen para ma-download ito.
Gumamit ng link sa email mula sa manufacturer ng iyong kotse
  1. Sa iyong telepono, buksan ang email tungkol sa digital na susi ng kotse mula sa manufacturer ng kotse mo.
  2. Sa email, i-tap ang Idagdag sa Android. Kung ito ang unang pagkakataong magdaragdag ka ng susi sa iyong device, ipo-prompt kang i-update ang device mo bago ka magsimulang magpares.
  3. Tip: Kung ia-unpair mo ang iyong telepono o aalisin ang digital na susi, kakailanganin mong ipares ulit ang iyong kotse gamit ang link sa email, at kakailanganin mo ng bagong email at link. Kung walang link na “Idagdag sa Android” ang natanggap mong email, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong kotse para humingi ng tulong.
  4. Sa welcome screen, mag-sign in gamit ang iyong Google Account.
  5. Suriin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo.
  6. I-tap ang Sumang-ayon at magpatuloy.
  7. Tip: Puwede mong i-edit ang pangalan ng susi ng kotse ngayon, pero hindi na mababago ang pangalang ito sa ibang pagkakataon. Bilang default, ito ay [iyong pangalan] + [modelo ng telepono]. Halimbawa, “Erik’s Pixel 6 Pro.”
  8. Ilagay ang iyong telepono sa reader ng susi ng kotse mo at hintaying magpares ang iyong telepono at kotse.
  9. Kapag natapos na ang pagpapares, idaragdag ang iyong digital na susi sa Google Wallet.
  10. Kung wala kang Google Wallet app, ipo-prompt kang i-download ito. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Gamitin ang head unit ng kotse
Mahalaga:Available lang ang opsyong ito sa ilang sasakyan. Magtanong sa manufacturer ng iyong kotse para sa higit pang impormasyon.
  1. Sa head unit ng kotse, piliin ang pag-set up ng digital na susi ng kotse. Sumangguni sa iyong manual ng may-ari o humingi ng tulong sa manufacturer mo kung hindi mo makita ang opsyong ito.
    • Kung naka-lock ang screen ng iyong telepono, ilagay ang password mo.
  2. Ilagay ang iyong telepono sa reader ng susi ng kotse.
  3. Sa head unit ng kotse, sundin ang mga tagubilin sa screen. Kung ito ang unang pagkakataong magdaragdag ka ng susi sa iyong device, ipo-prompt kang i-update ang device mo bago ka magsimulang magpares.
  4. Kapag natapos na ang pag-update, i-tap ang I-set up ang iyong susi ng kotse.
  5. Sa welcome screen, mag-sign in sa iyong Google Account.
  6. Suriin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo.
  7. I-tap ang Sumang-ayon at magpatuloy.
  8. Ilagay ang iyong code sa pag-activate.
  9. Puwede mong i-edit ang pangalan ng susi ng kotse ngayon, pero hindi na mababago ang pangalang ito sa ibang pagkakataon. Bilang default, ito ay [pangalan ng user] + [modelo ng telepono]. Halimbawa, “Erik’s Pixel 6 Pro.”
  10. Ilagay ang iyong telepono sa reader ng susi ng kotse mo at hintaying magpares ang iyong telepono at kotse.
  11. Kapag natapos na ang pagpapares, idaragdag ang iyong digital na susi sa Google Wallet.
    • Kung wala kang Google Wallet app, ipo-prompt kang i-download ito. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Tip: Sa home screen ng iyong telepono, puwede kang mag-set up ng shortcut para sa mabilis na pag-access sa digital na susi mo.

I-lock, i-unlock, at paandarin ang iyong kotse gamit ang digital na susi ng kotse mo

Mahalaga: Kung magse-set up ka ng lock ng screen para sa iyong digital na susi ng kotse, ilagay ang password mo.

I-lock o i-unlock ang iyong kotse

Itapat ang likod ng iyong telepono malapit sa hawakan ng pinto ng kotse mo.

Paandarin ang iyong kotse

  1. Sa loob ng kotse, ilagay ang iyong telepono sa reader ng susi ng kotse.
  2. Pindutin ang start button ng kotse.

Gumamit ng passive entry

Naka-on ang passive entry bilang default kapag na-set up mo ang iyong digital na susi ng kotse. Sa pamamagitan ng passive entry, hindi mo kailangang ilapit sa hawakan ng pinto ang iyong telepono para magamit ang susi ng kotse. Awtomatikong ia-unlock ng telepono mo ang mga pinto ng iyong kotse kapag nasa malapit ka, isa-start ang kotse mo kapag nasa loob ka, at ila-lock ang mga pinto ng kotse mo pagkaalis mo.

Mahalaga:

  • Hindi lahat ng sasakyan ay sumusuporta sa passive entry. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong sasakyan tungkol sa compatibility.
  • Hindi lahat ng telepono ay sumusuporta sa passive entry. Magtanong sa manufacturer ng iyong telepono tungkol sa compatibility.
  • Sa ilang device, sa isang kotse ka lang makakagamit ng passive entry.
  • Tiyaking mayroon ang iyong sasakyan ng pinakabagong software.
  • Kung hindi gagana ang passive entry, puwede mong i-tap ang iyong telepono sa hawakan ng pinto ng kotse para mag-unlock.

I-off ang passive entry

  1. ​ Buksan ang Google Wallet app .​
  2. Piliin ang iyong digital na susi ng kotse.
  3. I-tap ang Mga Detalye.
  4. I-off ang Passive entry.

Idagdag o baguhin ang mga setting ng lock ng screen para sa iyong digital na susi ng kotse

Kung pipiliin mong mangailangan ng pag-unlock ng telepono para magamit ang iyong digital na susi ng kotse, dapat mo munang i-off ang passive entry.

Mahalaga: Bilang default, hindi kinakailangan ng iyong susi ng kotse na naka-unlock ang screen mo para magamit ito.

  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. I-tap ang iyong susi ng kotse. Posibleng kailangan mong mag-scroll para makita ito.
  3. I-tap ang Mga Detalye at pagkatapos ay Kailanganin ang pag-unlock ng telepono.
  4. Piliin ang pagkilos na gusto mong gamitan ng lock ng screen:
    • I-unlock ang kotse.
    • I-start ang kotse.
    • I-unlock, i-lock, at i-start ang kotse.
    • Kung ayaw mong mangailangan ng lock ng screen para magamit ang iyong susi ng kotse, i-tap ang I-off.
  5. I-tap ang I-save.

Gumamit ng mga malayuang command para sa pag-lock, alarm, at pagbubukas ng trunk

Sa mga sinusuportahang sasakyan, puwede mong i-lock at i-unlock ang iyong kotse, i-on ang alarm mo, at gamitin ang iyong power trunk mula sa Google Wallet o mga mabilisang setting mo.

Mahalaga:

  • Hindi available sa lahat ng sasakyan ang lahat ng command.
  • Makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong sasakyan tungkol sa compatibility.
  • Para magamit ang mga command, dapat ay makakakonekta ka sa Bluetooth ng sasakyan
I-lock, i-unlock, o i-on ang iyong alarm
Mula sa iyong Google Wallet app o mga mabilisang setting, i-tap ang I-lock, I-unlock, o Alarm.
Buksan ang iyong trunk
Mula sa iyong Google Wallet app o mga mabilisang setting, i-tap ang Trunk para buksan ito.
Magdagdag ng mga command sa mga mabilisang setting
  1. Sa iyong Google Wallet app, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa.
  2. I-tap ang Magdagdag sa Mga Mabilisang Setting at pagkatapos ay Magdagdag ng tile.
Gamitin ang iyong teleponong naubusan na ng baterya
Mahalaga: Posible mo pa ring ma-unlock at ma-start ang iyong kotse nang ilang oras matapos maubos ang baterya ng telepono mo. Gayunpaman, puwede ka lang gumamit ng teleponong naubusan na ng baterya bilang susi ng kotse kung hindi mo kinakailangang naka-unlock ang iyong telepono para magamit ang susi.
  • Itapat ang likod ng iyong telepono malapit sa hawakan ng pinto ng kotse mo.
  • Ilagay ang iyong telepono sa reader ng susi para i-start ang makina.
Mag-troubleshoot ng mga remote na command at passive entry
Kung hindi gumagana ang passive entry o mga remote na command sa iyong sinusuportahang device, posibleng kailanganin mong i-update ang software ng sasakyan, i-delete ang susi, at ipares ito ulit.

Pamahalaan ang iyong digital na susi ng kotse

Dagdagan o baguhin ang mga setting ng lock ng screen para sa iyong digital na susi ng kotse

Mahalaga: Bilang default, hindi kinakailangan ng iyong digital na susi ng kotseng naka-unlock ang screen mo para magamit ito. Puwedeng gamitin ang susi nang ilang oras pagkatapos maubos ang baterya ng iyong telepono. Kung pipiliin mong kailanganin ang lock ng screen, hindi gagana ang iyong susi kung walang baterya ang telepono mo.

  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. I-tap ang iyong digital na susi ng kotse. Posibleng kailanganin mong mag-swipe para makita ito.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Mga Detalye at pagkatapos ay Hilinging i-unlock ang telepono.
  4. Piliin ang pagkilos na gusto mong gamitan ng lock ng screen:
    • I-unlock ang kotse
    • Paandarin ang kotse
    • I-unlock, i-lock, at paandarin ang kotse
    • Para mawala ang lock ng screen, i-tap ang I-off.
  5. I-tap ang I-save.
Mag-set up ng shortcut sa iyong digital na susi ng kotse

Para ma-access ang iyong digital na susi ng kotse mula sa home screen ng telepono mo:

  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. I-tap ang iyong digital na susi ng kotse. Posibleng kailanganin mong mag-swipe para makita ito.
  3. I-tap ang Higit pa More at pagkatapos ay Idagdag sa Home screen.
Mag-delete ng digital na susi ng kotse
  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. I-tap ang iyong digital na susi ng kotse. Posibleng kailanganin mong mag-swipe para makita ito.
  3. I-tap ang Higit pa More at pagkatapos ay I-delete ang Susi at pagkatapos ay I-delete.
  4. Para i-verify na ikaw ito, i-tap ang Kumpirmahin. Makakatanggap ka ng notification na na-delete ang susi.
Tip: Para sa ilang modelo ng kotse, magagawa mong i-delete ang susi sa screen ng kotse.
Alisin ang access sa susi kung nawala o nanakaw ang iyong telepono

Mahalaga: Para ma-delete o masuspinde nang malayuan ang susi, dapat naka-on at nakakonekta sa network ang iyong telepono.

Kung nawala o nanakaw ang iyong telepono, puwede mong alisin ang access sa susi sa pamamagitan ng Hanapin ang Aking Device.

  • Para burahin ang iyong telepono at anumang ipinares na susi nang malayuan, i-tap ang Burahin ang device.
  • Para suspindihin ang iyong susi at i-lock ang device mo nang malayuan, i-tap ang I-secure ang device.
Tip: Para sa ilang modelo ng kotse, magagawa mong:
  • Mag-delete ng susi kahit offline ang iyong telepono. Posibleng hindi palaging agaran ang prosesong ito.
  • I-delete ang susi sa screen ng kotse.
Maglipat ng digital na susi ng kotse sa bagong telepono
  1. Sa iyong dating telepono, i-delete ang digital na susi mo.
  2. Ipares ang iyong bagong telepono sa kotse mo.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9358038277474103204
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false