Pangkalahatang-ideya sa kaligtasan at pagbabahagi ng data ng digital na susi ng kotse

Alamin kung ano ang ibinabahagi ng Google sa mga manufacturer ng iyong kotse at telepono

Para mabigyan ka ng serbisyo sa digital na susi ng kotse, posibleng magbahagi ang Google ng ilang data sa mga manufacturer ng iyong kotse at telepono. Magagamit ng mga manufacturer ng iyong sasakyan at telepono ang data na ito alinsunod sa mga patakaran sa privacy nila.

Nagbabahagi kami sa manufacturer ng iyong sasakyan ng identifier ng account at impormasyon kaugnay ng mga serbisyong ginagamit mo, tulad ng:

  • Paggawa ng iyong susi
  • Identifier para sa iyong susi
  • Pangalang ibinigay mo sa iyong susi
  • Pag-delete ng iyong susi

Depende sa modelo ng iyong telepono, posibleng magbahagi rin kami ng data sa manufacturer ng telepono mo para matiyak na compatible ang iyong telepono sa kotse mo, at mase-set up at mapapamahalaan nang tama ang susi sa iyong device, halimbawa:

  • Identifier para sa modelo ng iyong sasakyan
  • Identifier para sa iyong susi
  • Mga setting ng iyong digital na susi, halimbawa, kung gusto mong kailanganing naka-unlock ang iyong telepono bago magamit ang mga susi

Alamin kung paano gamitin nang ligtas ang digital na susi ng iyong kotse

Pangkalahatang-ideya at babala sa kaligtasan

Nagbibigay-daan sa iyo ang digital na susi ng kotse na gamitin ang mobile device mo para i-lock, i-unlock, at paandarin ang iyong sasakyan, katulad ng aktwal na susi ng kotse.

Nangangailangan ang digital na susi ng kotse ng koneksyon sa pagitan ng iyong sasakyan, mobile device, at Google Account. Dahil posibleng hindi palaging available ang koneksyon, dapat mo pa ring dalhin ang pisikal na susi ng iyong kotse kung sakaling kailanganin mo ito para patabukhin ang iyong sasakyan.

Gamitin ang iyong digital na susi sa responsableng paraan

Gamitin ang digital na susi ng kotse kapag ligtas itong gawin. Ikaw ang responsable sa pagsasagawa ng mga naaangkop na pag-iingat kapag ginagamit mo ang digital na susi ng kotse, gaya ng pagsubok dito para tiyaking gumagana ito nang maayos sa iyong mobile device o sasakyan. Sundin ang mga tagubilin mula sa manufacturer ng iyong kotse para matiyak na mayroon kang backup na plano kung sakaling hindi gumana nang maayos ang digital na susi ng kotse. Responsibilidad mo ring sumunod sa lahat ng naaangkop na batas sa trapiko, parking, at nauugnay na batas.

Protektahan ang susi ng iyong kotse

Responsibilidad mong protektahan ang digital na susi ng iyong kotse at panatilihin ang mga feature na panseguridad ng mobile device mo, kasama na ang mga password sa pag-lock sa device at pag-lock sa screen, at anupamang nauugnay na feature na panseguridad ng iyong mobile device.

Ilipat ang pagmamay-ari

Bago mo ibenta o ipasa ang iyong telepono o sasakyan, dapat mong i-delete ang lahat ng nauugnay na digital na susi ng kotse. Kung bibili ka ng sasakyan, dapat mong tiyaking walang access sa digital na susi ng kotse para sa sasakyan ang naunang may-ari nito. Para matuto pa, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong sasakyan.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17730342501384917631
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false