Puwedeng ibahagi ng mga app sa iyong device ang data sa index sa pag-personalize na naka-store sa device mo. Puwedeng gamitin ng mga Google app, gaya ng Google Search at Assistant, ang index na ito para bigyan ka ng mas magagandang rekomendasyon at suhestyon. Puwede mong piliin kung aling data ng app sa index ang gagamitin para i-personalize ang iyong karanasan sa mga Google app.
Kahit na hindi mo payagan ang mga Google app na i-access ang data sa index na ito, kung na-enable mo ang kontrol sa Aktibidad sa Web at App para sa iyong Google Account, posible pa ring mag-save ang Google ng ilang data ng aktibidad sa app sa account mo, at i-personalize nito ang iyong karanasan batay sa data na iyon. Alamin kung paano hanapin at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App.

Baguhin ang iyong mga setting sa pag-personalize
- Sa iyong device, buksan ang Mga Setting.
- I-tap ang Google I-personalize gamit ang nakabahaging data.
- Sa tabi ng bawat app o ibang source, piliin kung gagamitin para sa pag-personalize ang data sa index.