Ang mga serbisyo ng Google Play ay pangunahing software ng system na nagbibigay-daan sa pangunahing functionality sa bawat certified na Android device. May tatlong uri ng mga pangunahing feature ng device na ibinibigay ng mga serbisyo ng Google Play:
Seguridad at pagiging maaasahan
Nakakatulong ang mga serbisyo ng Google Play na tiyakin ang seguridad at pagiging maaasahan ng Android device, at pinapanatili nitong na-update ang mga device sa mga pinakabagong feature sa seguridad. Kabilang dito ang:
- Google Play Protect, na puwedeng magbabala sa mga user kung naglalaman ng kilalang malware ang isang app.
- Pagtukoy at pag-validate ng mga secure na koneksyon, gaya ng pagpapahintulot sa device na ligtas at awtomatikong kumilala at kumonekta sa iba pang device, o magbahagi ng mga file o app sa mga Android device sa malapit.
- Proteksyon ng mga app mula sa panloloko at mga banta sa seguridad sa pamamagitan ng SafetyNet.
- End to end na naka-encrypt na backup ng iyong data kapag may passcode ng lock screen ang mga user.
- Pamamahala at proteksyon ng iyong mga password.
Mga API ng Developer
Nagbibigay ang mga serbisyo ng Google Play sa mga developer ng libo-libong API na patuloy na ina-update na nagbibigay-daan sa kanila na maghatid ng mga karanasang may mataas na kalidad sa kanilang mga app, gaya ng:
- Pag-stream ng media gamit ang Google Cast.
- Pagsasama ng Google Maps para pahusayin ang functionality ng app.
- Pagbibigay ng tumpak na impormasyon ng lokasyon sa pamamagitan ng provider ng naka-fuse na lokasyon kapag may pahintulot ang mga app na i-access ang lokasyon.
- Pag-enable sa mga serbisyo na nagpapahintulot sa mga developer na bumuo ng mga construct sa pag-advertise ayon sa mga setting ng user at app.
- Pagpapadala kaagad ng mga notification sa pamamagitan ng transport layer sa pagmemensahe.
Mga pangunahing serbisyo sa device
Nagbibigay-daan ang mga serbisyo ng Google Play sa mga pangunahing serbisyo sa mga Android device. Halimbawa:
- Kapag gumagawa ng emergency na tawag sa sinusuportahang pang-emergency na numero ang mga user, tumutulong ang Google sa mga lokal na serbisyong pang-emergency na direktang matanggap ang lokasyon ng device.
- Tumutulong sa mga user ang mga serbisyo sa autofill ng Google na makatipid ng oras at bawasan ang mga error sa pagta-type.
- Nagbibigay-daan ang Nearby Share sa mga user na magpadala at makatanggap ng mga file sa kanilang mga contact o nang anonymous.
- Pinapadali ng Hanapin ang Aking Device na hanapin, i-lock, o i-wipe ang nawalang device.
- Pinapadali ng Mabilis na Pagpares na ikonekta ang mga accessory ng Bluetooth gamit ang iyong Google account.
Dagdag dito, kapag nag-sign in ang user sa kanyang Google account sa device niya, maa-update niya ang kanyang mga setting ng Google, mapapamahalaan niya ang seguridad ng kanyang account, at masi-sync niya ang mahalagang data, gaya ng kanyang Google Contacts, sa mga device.
Bakit nangongolekta ng data ang mga serbisyo ng Google Play
Nangongolekta ng data ang mga serbisyo ng Google Play sa mga certified na Android device para suportahan ang mga pangunahing feature ng device. Kailangan ang pangongolekta ng limitadong pagunahing impormasyon, gaya ng IP address, para ihatid ang content sa device, app, o browser. Nagbibigay din ang mga manufacturer ng device sa mga serbisyo ng Google Play ng pahintulot na i-access ang partikular na data sa device, gaya ng lokasyon at mga contact, para suportahan ang mga feature na ito.
Nag-iiba ang aktwal na pangongolekta ng data depende sa mga setting ng device na na-configure ng user, mga app at serbisyong na-install o ginamit sa device, manufacturer ng device, at mga setting ng Google account ng user. Sa maraming pagkakataon, lokal na ia-access ng mga serbisyo ng Google Play ang data sa device nang hindi nangongolekta ng data mula sa device.
Para suportahan ang mga function na inilalarawan sa itaas, puwedeng mangolekta ng impormasyon ang mga serbisyo ng Google Play para sa mga sumusunod na dahilan:
Seguridad at pag-iwas sa panloloko
Nangongolekta ng data an Google sa pamamagitan ng mga serbisyo ng Google Play para tulungang protektahan ang mga user, serbisyo ng Google, at app at serbisyo ng mga third party na develper mula sa panloloko, spam, at pang-aabuso. Kabilang dito ang:
- Impormasyon para i-validate na nagmumula sa totoong user ang kahilingan at impormasyon tungkol sa mga naka-install na app, kabilang ang mga resulta ng pag-scan ng malware.
- Google Account at impormasyon sa pag-log in kung naka-sign in sa device ang user o inilipat niya ang kanyang data sa bagong device.
- Posibleng kolektahin ng Google ang numero ng telepono ng device para magbigay ng mga serbisyo sa pag-recover ng account at para i-log ang mga user sa mga serbisyong batay sa numero ng telepono (gaya ng Google Meet).
- Mga pagkakakilanlan ng hardware gaya ng IMEI, mga MAC address, at mga serial number, para i-update ang mga device ng mga pinakabagong patch sa seguridad at para subaybayan ang mga trend sa ecosystem ng Android, gaya ng kung gaano katagal mananatili sa serbisyo ang iba't ibang uri ng device. Ang Serbisyo sa Configuration ng Device ng Google, na nangongolekta ng data para tiyaking up-to-date at gumagana rin ang mga device hangga't posible, ay bahagi ng mga serbisyo ng Google Play.
Suportahan at pahusayin ang ecosystem ng Android
Gaya ng inilalarawan sa itaas, nagbibigay ang mga serbisyo ng Google Play ng ilang API at pangunahing serbisyo sa device na nagbibigay-daan sa Android para maging platform na puno ng feature at konektado. Puwedeng mangolekta ng data ang Google tungkol sa mga serbisyo at API na ito para tumulong na ibigay, panatilihin, at pahusayin ang mga ito. Depende sa mga setting ng device, puwedeng mangolekta ang Google ng impormasyon tungkol sa device. Kasama sa mga halimbawa ang:
- Nangongolekta ang Google ng data para maunawaan kung paano ginagamit ang mga API na ito at para tiyaking gumagana nang tama ang mga ito.
- Kung naka-enable ang Katumpakan ng Lokasyon ng Google, bukod pa sa pagbibigay ng mas tumpak na lokasyon sa device, puwedeng gamitin ang impormasyon ng lokasyon sa anonymous na paraan para pahusayin ang mga serbisyong batay sa lokasyon.
- Kung naka-enable ang kontrol sa paggamit at diagnostics ng device, nangongolekta ang Google ng impormasyon tungkol sa paggamit ng device at kung gaano kahusay gumagana ang device para pahusayin ang mga produkto at serbisyo, gaya ng mga Google app at Android device.
Magbigay ng mga serbisyo ng Google
Kung gumagamit ang user ng mga app at serbisyo ng Google sa Android, nangongolekta ng data ang Google sa pamamagitan ng mga serbisyo ng Google Play services para ibigay at pahusayin ang mga app at serbisyong ito. Halimbawa:
- Depende sa mga setting ng user, nangongolekta ang Google ng data gaya ng mga contact at bookmark para i-sync ang mga ito sa mga device at sa cloud.
- Sini-sync ng mga serbisyo ng Google Play ang mga setting ng Google account ng user sa mga device, at nangongolekta ito ng impormasyon para tumulong na protektahan ang kanyang account.
- Puwedeng mangolekta ng data ang mga serbisyo ng Google Play para ma-enable ang functionality ng naka-embed na app gaya ng Google Maps.
- Tumutulong ang mga serbisyo ng Google Play sa mga user na makipag-ugnayan at magpadala ng mga mensahe nang direkta sa mga negosyo.
- Kapag gumagamit ng Google Pay, tinutulungan ng mga serbisyo ng Google Play ang mga user na pamahalaan ang kanilang impormasyon sa pagbabayad, gumawa ng mga contactless na pagbabayad, o gumamit ng digital na susi ng kotse sa secure na paraan.
- Nangongolekta ng data ang Google kapag gumamit ka ng profile o mga serbisyo ng Play Games.
- Para sa mga user na naka-enable ang setting na “Sine-save ang iyong aktibidad mula sa mga app sa device na ito” sa ilalim ng Aktibidad sa Web at App Activity sa kanilang device, puwedeng i-save ng Google sa kanilang Google Account ang data ng aktibidad mula sa mga app sa device para i-personalize ang mga app at serbisyo ng Google.