Hanapin nang mabilis ang iyong mga chat at mensahe

Puwede mong kontrolin kung kailan at paano ka makakatanggap ng mga notification para sa mga text at mensahe mula sa mga app. Puwede ka ring gumawa ng mga bubble para sa isang pag-uusap, na nakakapagpadali sa paghahanap ng at pagsagot sa mga mensahe.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Baguhin ang mga notification para sa mga pag-uusap

Mahalaga: Hindi nag-aalok ang lahat ng app sa pagmemensahe ng ganitong mga setting ng notification.

  1. Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. Sa ilalim ng “Mga Pag-uusap,” pindutin nang matagal ang notification na gusto mong baguhin.
  3. Pumili ng setting ng notification:
    • Mahalaga: Makakatanggap ka palagi ng mga notification para sa pag-uusap na ito, kahit kapag naka-on ang Huwag Istorbohin. Makakakita ka rin ng bubble para sa pag-uusap.
    • Default: Tutunog o magva-vibrate ang iyong telepono kapag nakatanggap ka ng mga bagong mensahe sa pag-uusap na ito.
    • Silent: Hindi ka makakatanggap ng mga notification para sa pag-uusap na ito.

Mabilis na maghanap ng mga pag-uusap na may mga bubble

Magdagdag o mag-alis ng bubble para sa pag-uusap

Para gumawa ng bubble para sa isang pag-uusap:

  1. Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. Sa ilalim ng “Mga Pag-uusap,” pindutin nang matagal ang notification sa chat.
  3. I-tap ang Ipakita sa bubble ang pag-uusap .

Para huwag nang ipakita sa bubble ang isang pag-uusap:

  1. Para buksan ang pag-uusap, i-tap ang bubble.
  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Pamahalaan.
  3. I-tap ang Huwag ipakita sa bubble ang pag-uusap.

Tip: Para pansamantalang itago ang isang bubble, piliin ang I-dismiss ang bubble. Lalabas ulit ang bubble kapag nakatanggap ka ng bagong mensahe. 

I-on o i-off ang mga bubble

  1. Kapag may napansin kang bubble, i-tap ito para mabuksan ito.
  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Pamahalaan at pagkatapos ay Mga setting ng mga bubble.
  3. I-off ang Payagan ang mga app na magpakita ng mga bubble.

I-on o i-off ang mga bubble para sa isang partikular na app o pag-uusap

  1. Kapag may napansin kang bubble, i-tap ito para mabuksan ito.
  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Pamahalaan at pagkatapos ay Mga setting ng mga bubble.
  3. I-tap ang app na gusto mong baguhin.
  4. Piliin ang iyong mga setting ng notification:
    • Puwedeng lumabas bilang bubble ang lahat ng pag-uusap.
    • Puwedeng lumabas bilang bubble ang mga piniling pag-uusap: Mag-tap ng tao, pagkatapos ay i-on ang Ipakita sa bubble.
    • Walang puwedeng lumabas bilang bubble.

Mga kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12757981915062460921
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false