Dalhin sa next level ang mga resulta mo
Tumulong na maghimok ng mga benta, lead, o trapiko ng website gamit ang mga insight mula sa Google Analytics, at sa pamamagitan ng pagdadala ng iyong negosyo sa mga tamang customer sa buong Search, YouTube, at higit pa gamit ang Google Ads.
Puwede mong i-link ang iyong Google Ads account sa property mo sa Google Analytics 4 (kabilang ang mga subproperty at roll-up property) para makita ang buong cycle ng customer, mula sa kung paano nakipag-interact ang mga user sa iyong marketing (hal., pag-click sa mga ad) hanggang sa kung paano tuluyang natapos ng mga user ang mga pangunahing event sa iyong site o app (hal., pagbili, pagkonsumo ng content).
Mga Benepisyo
Kapag na-link mo ang iyong property sa Google Analytics sa isang Google Ads account, binibigyang-daan mo ang pagdaloy data sa pagitan ng mga produkto para magawa mo ang mga sumusunod:
- Gumawa ng mga consistent na conversion sa GA4 at Google Ads batay sa iyong mga pangunahing event
- Tingnan ang performance ng iyong mga conversion sa Google Ads
- Makipag-ugnayan ulit sa mga user batay sa kanilang gawi sa iyong app o sa site mo
Ang mga customer na nag-link ng kanilang mga Google Ads o Google Marketing Platform account sa isang property sa Google Analytics ay nauugnay sa 23% pagdami ng mga conversion at 10% pagbaba ng cost per conversion.
Mga Limitasyon
Puwede kang mag-link ng mga property sa Google Analytics 4 sa mga indibidwal na Google Ads account at sa mga manager account sa Google Ads.
Puwede kang gumawa ng hanggang 400 pag-link sa bawat property. Kung lampas sa limitasyong ito ang kasalukuyan mong setup ng Google Ads, pag-isipang gumawa ng manager account sa Google Ads at i-link iyon sa iyong property sa Analytics.
Bago ka magsimula
Para mag-link ng property sa Google Analytics sa Google Ads account, gumamit ng Google account na may mga sumusunod na pahintulot:
- Sa Google Analytics, dapat isa kang administrator o editor sa property na gusto mong i-link.
- Sa Google Ads, kailangan ng Google Account ng pang-administrator na access.
- Kung magli-link ka sa isang manager account sa Google Ads, magiging available sa lahat ng iyong account ng kliyente ang anumang data na ii-import mo mula sa Analytics.
I-link sa Google Ads
Sundin ang mga hakbang na ito para gumawa ng mga pag-link ng property sa Google Analytics 4 sa Google Ads:
- Sa Admin, sa Mga pag-link ng produkto, i-click ang mga link sa Google Ads.
Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Editor o mas mataas sa level ng property para i-link sa Google Ads.
- I-click ang I-link.
- I-click ang Pumili ng mga Google Ads account, pagkatapos ay piliin ang mga Google Ads account na gusto mong i-link. Kung hindi mo nakikita ang Google Ads account na gusto mong i-link, posibleng wala ka ng mga kinakailangang pahintulot.
- I-click ang Kumpirmahin.
- I-click ang Susunod.
- Naka-on ang opsyong I-enable ang Naka-personalize na Pag-advertise bilang default.
- I-expand ang opsyong I-enable ang Auto-Tagging para i-enable ang auto-tagging o huwag baguhin ang iyong mga setting ng auto-tagging. Kung ie-enable mo ang auto-tagging kapag nag-link ka sa isang manager account, mae-enable ang auto-tagging sa lahat ng Google Ads account na direktang naka-link sa manager account.
- I-click ang Susunod, pagkatapos ay suriin ang iyong mga setting.
- I-click ang Isumite para i-link ang iyong mga account gamit ang mga kasalukuyang setting.
add_to_cartadd_to_wishlistbegin_checkoutsession_startview_itemview_item_listview_search_results
Mag-tour
Para maglunsad ng guided tour sa mga hakbang sa itaas sa sarili mong property, i-click ang button sa ibaba. Bubukas ito sa pinakakamakailang property na tiningnan mo, kaya tiyakin munang nasa tamang property ka.
I-link ang iyong property sa Analytics sa Google Ads account mo
Mga susunod na hakbang
Kapag pinag-link mo ang iyong Google Ads account at ang property mo sa Google Analytics 4, magkakaroon ng data ng Google Ads sa iyong mga ulat sa Google Analytics 4 sa loob ng 48 oras. Dahil sa pag-link na ito, magiging available ding gamitin sa Google Ads ang data mula sa iyong property sa Google Analytics 4. Gayunpaman, para maaksyunan mo ang data na ito, kailangan mong mag-sign in sa Google Ads at gawin ang kahit man lang isa sa mga sumusunod:
- Gumawa ng mga conversion sa Google Ads batay sa mga pangunahing event sa Google Analytics (para sa pag-bid)
- Magdagdag ng mga audience sa isang campaign o ad group (para sa remarketing)
Para sa remarketing, dapat mag-activate ng kahit man lang isa sa mga sumusunod para sa property:
Mag-edit o mag-verify ng mga pag-link
Para i-edit o i-verify kung may mga property sa Google Analytics 4 na naka-link sa Google Ads:
- Sa Admin, sa Mga pag-link ng produkto, i-click ang mga link sa Google Ads.
Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Editor o mas mataas sa level ng property para i-link sa Google Ads.
- Sa listahan ng mga naka-link na account, i-click ang arrow sa dulo ng row para sa account na gusto mong i-edit.
- I-on o i-off ang I-enable ang Naka-personalize na Pag-advertise.
- I-click ang
para i-delete ang pag-link.
Pag-unlink ng mga Google Ads account sa Analytics
Puwedeng i-unlink ng isang Admin ng Google Ads o user ng Analytics na may tungkuling Editor ang (mga) naka-link na Google Ads account.
Kung magde-delete ka ng pag-link, hihinto sa pagdaloy ang data sa pagitan ng naka-link na Google Ads account at property sa Analytics.
- Hindi lubos na makikita sa mga ulat sa Analytics ang data ng Google Ads (hal., mga pag-click, impression, CPC, atbp.) mula sa mga hindi naka-link na Google Ads account. Kung naka-enable ang auto-tagging at nagdaragdag ito ng Google Click ID (gclid) sa dulo ng iyong URL, lalabas pa rin ang naka-unlink na trapiko ng Google Ads sa mga ulat bilang default na may source/medium na google/cpc o gamit ang mga available na value ng UTM at hindi gagamitin ang mga nauugnay na pag-click sa ad para sa Attribution sa mga binabayarang channel sa Google.
- Ang mga dating dimensyon sa Google Ads (hal., Pangalan ng campaign, Ad group ID) na nakolekta bago na-delete ang link ay patuloy na magiging available sa Analytics. Anumang bagong data para sa mga dimensyong ito na magreresulta mula sa mga pag-click sa isang hindi naka-link na Google Ads account ay lalabas bilang (not set), kasama ng mga sukatan ng Google Ads (hal., Gastos, Mga Pag-click) para sa lahat ng hanay ng petsa.
- Hindi na makakakuha ng mga bagong user ang mga audience ng remarketing sa Analytics sa mga hindi naka-link na Google Ads account.
- Hindi na mag-i-import ng mga pangunahing event mula sa Analytics ang mga hindi naka-link na Google Ads account.
Access ng user mula sa Google Ads (mga tungkulin sa Analytics)
Ang mga user ng Google Ads ay awtomatikong nabibigyan ng mga tungkulin sa Analytics kapag nag-link ka ng Google Ads account sa isang property sa Analytics.
- Itinatalaga ang mga user na nasa Google Ads account, batay sa level ng access nila sa Google Ads account, sa isa sa limang naka-link na user ng Google Ads:
- Administrator ng Google Ads account na <account number>
- Karaniwang Google Ads account na <account number>
- Read-only na Google Ads account na <account number>
- Pagsingil ng Google Ads account na <account number>
- Email lang na Google Ads account na <account number>
- Itinatalaga naman ang mga naka-link na user ng Google Ads sa mga tungkulin sa naka-link na property sa Analytics ng Administrator ng Analytics.
- Administrator, Editor, o Taga-market dapat sa naka-link na property ang mga naka-link na user ng Google Ads para makagawa ng mga audience ng Analytics mula sa Google Ads.
| Kung ganito ang iyong level ng access sa Google Ads account | Itatalaga ka sa naka-link na user na ito ng Google Ads | Na may ganitong inirerekomendang pagtatalaga ng tungkulin sa Analytics |
|---|---|---|
|
Administrator |
Administrator ng Google Ads account na <account number> |
Editor |
|
Karaniwan |
Karaniwang Google Ads account na <account number> |
Taga-market |
|
Read only |
Read-only na Google Ads account na <account number> |
Tumitingin |
|
Pagsingil |
Pagsingil ng Google Ads account na <account number> |
Tumitingin |
|
Email lang |
Email lang na Google Ads account na <account number> |
Tumitingin |
Sa pamamahala ng access sa Analytics, ang bawat naka-link na user ng Google Ads ay kumakatawan sa isang grupo ng mga user sa naka-link na Google Ads account.
Bilang Administrator ng Analytics, puwede mong baguhin ang tungkulin sa Analytics at mga paghihigpit sa data na nakatalaga sa mga naka-link na user ng Google Ads ng isang property. Kung babaguhin mo ang tungkulin sa Analytics at mga paghihigpit sa data na nakatalaga sa isang naka-link na user ng Google Ads, maaapektuhan mo ang lahat ng nasa Google Ads account na nakatalaga sa naka-link na user na iyon.
Ang mga tungkulin sa Analytics na nakatalaga sa mga naka-link na user sa Google Ads ang namamahala sa access sa mga feature ng Analytics mula sa Google Ads, tulad ng paggawa ng mga audience sa Analytics mula sa Google Ads. Hindi makakaapekto ang pagbabago ng mga pagtatalaga ng tungkulin sa Analytics sa mga conversion sa Google Ads batay sa mga pangunahing event sa GA4 para sa pag-uulat o pag-bid o sa pag-enable sa remarketing ng Google Ads batay sa mga audience sa Analytics.
Mananatili ang mga pagtatalaga ng tungkulin at paghihigpit sa data hanggang sa ma-delete ang link sa pagitan ng Google Ads account at property sa Analytics.
Bilang Administrator ng Analytics, puwede mong tingnan at i-edit ang access para sa mga naka-link na user ng Google Ads sa Admin > Mga pag-link ng produkto > Mga Pag-link sa Google Ads. Puwede mo ring i-configure ang access nila tulad ng gagawin mo para sa sinumang user.
Sundin ang mga hakbang na ito para italaga ang mga inirerekomendang tungkulin sa Analytics para sa isang naka-link na Google Ads account:
- Sa Admin, sa Mga pag-link ng produkto, i-click ang mga link sa Google Ads.
Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Editor o mas mataas sa level ng property para i-link sa Google Ads.
- Sa listahan ng mga naka-link na account, i-click ang arrow sa dulo ng row para sa account na gusto mong i-edit.
- I-click ang Tingnan ang mga default na tungkulin sa Access ng user.
- I-click ang Ilapat.