Ang pangunahing value na nagbibigay ng karagdagang antas ng pagbubukod-bukod at/o pagsasama-sama sa iyong ulat.
Maraming talahanayan ng ulat ang nagpapakita ng row para sa bawat posibleng kumbinasyon ng mga value ng pangunahin at pangalawang dimensyon. Halimbawa, kung pipiliin mo ang "Lungsod" bilang pangunahing dimensyon at ang "Uri ng user" bilang pangalawang dimensyon, at may data para sa New York, Lima, at Berlin, magkakaroon ng anim na row ang talahanayan: New York, mga bagong user; New York, mga bumalik na user; Lima, mga bagong user; Lima, mga bumalik na user; Berlin, mga bagong user; Berlin, mga bumalik na user.