Ang mga property ng user ay mga attribute na naglalarawan ng mga grupo ng iyong user base, gaya ng mga kagustuhan nila sa wika o mga heograpikong lokasyon. Puwede kang gumamit ng mga property ng user para tumukoy ng mga audience.
Halimbawa, puwede kang magtakda ng property ng user na tinatawag na favorite_food, na magagamit mo para itala ang paboritong pagkain ng bawat user. Puwede mong gamitin ang data para i-segment ang mga user ayon sa paborito nilang pagkain.
Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.
Para iulat ang data na kinokolekta mo sa pamamagitan ng mga property ng user, gawin ang mga user-scoped na custom na dimensyon. Tinutukoy ng Google Analytics ang ilang user-scoped na dimensyon (hal., Edad at Wika) para sa mga property ng user na madalas na tinutukoy.