Events and key events

[GA4] Tungkol sa mga event

Tumuklas pa tungkol sa mga event ng Google Analytics kasama ang iba't ibang uri ng mga event, paano ginugrupo ang mga ito, at mga hakbang sa pagpapatupad.

Nagbibigay-daan sa iyo ang isang event na magsukat ng partikular na interaction o pangyayari sa website o app mo. Halimbawa, puwede kang gumamit ng event para sukatin kapag may nag-load ng page, nag-click ng link, o kumumpleto ng pagbili, o para sukatin ang gawi ng system, tulad ng kapag nag-crash ang isang app o kapag may naihatid na impression.

Halimbawa: Puwedeng isama ng isang website ng balita ang mga event na tulad ng "article_read" kapag may bisitang nakatapos ng artikulo, "video_play" kapag nagsimula siya ng video, o "newsletter_signup" kapag nag-sign up siya para sa mga update sa email. Kapag sinukat ang mga event na ito, mauunawaan ng may-ari ng website kung aling content ang pinakasikat at kung paano nakikipag-ugnayan sa site ang mga user.

Mga uri ng mga event

Awtomatikong kinokolekta ang mga sumusunod na uri ng mga event:

Dapat mong ipatupad ang mga sumusunod na uri ng mga event para makita ang mga ito sa Analytics:

  • Ang mga inirerekomendang event ay mga event na ipinapatupad mo, pero may mga na-predefine na pangalan at parameter. Ang mga event na ito ay nagbubukas ng mga kakayahan sa pag-uulat sa kasalukuyan at sa hinaharap.
  • Ang mga custom na event ay mga event na tinutukoy mo. Tiyaking gumagawa ka lang ng mga custom na event kapag wala nang iba pang event na gumagana para sa sitwasyon ng paggamit mo. Hindi lumalabas ang mga custom na event sa karamihan ng mga karaniwang ulat, kaya kailangan mong mag-set up ng mga custom na ulat o pag-explore para sa makabuluhang pagsusuri.

Paano ito gumagana

Sabihin nating may nag-click sa isang link sa na-tag mong website na magdadala sa kanya sa isang external na website. Ipinapakita ng sumusunod kung anong mangyayari kapag na-click ng user ang link:

1

2

3

4

Bibisitahin ng user ang iyong website at magki-click sa isang link papunta sa isang external na website Matatanggap ng Analytics ang event na pag-click at ipapakita ang event at mga parameter sa Realtime na ulat Ganap na ipoproseso ng Analytics ang event Ipapakita ng Analytics ang data sa mga dimensyon at sukatang ginagamit sa mga ulat, audience, atbp.

Tingnan ang mga event nang realtime

Kapag nagpadala ng event mula sa iyong website o app, puwede mong gamitin ang sumusunod para i-verify na nakolekta na ng Analytics ang event:

Realtime na ulat

Ipinapakita sa iyo ng card na Bilang ng event ayon sa Pangalan ng event sa Realtime na ulat ang bawat na-trigger na event at ang dami ng beses na na-trigger ang bawat evet sa nakalipas na 30 minuto ng mga user sa iyong website o app. Puwede kang mag-click sa isang event para makita ang mga parameter ng event na naipadala kasama ng event.

DebugView na ulat

Ipinapakita ng DebugView na ulat ang lahat ng event na na-trigger ng isang user. Kapaki-pakinabang ito kapag gusto mong i-verify na na-set up mo nang tama ang isang event at mga parameter ng event. Bago mo magamit ang ulat, dapat mong i-enable ang debug mode.

Maunawaan ang mga pangunahing event

Ang pangunahing event ay isang event na nagsusukat ng aksyong partikular na mahalaga sa tagumpay ng iyong negosyo. Kapag may nag-trigger sa event sa pamamagitan ng pagsasagawa sa aksyon, ire-record ang pangunahing event sa Google Analytics at ipapakita ito sa iyong mga ulat sa Google Analytics.

Puwedeng maging pangunahing event ang anumang event na kokolektahin mo. Para sukatin ang isang mahalagang event, gumawa o magtukoy ng event na sumusukat ng aksyon at pagkatapos ay markahan ang event bilang pangunahing event. Pagkatapos mong markahan ang event bilang pangunahing event, makikita mo kung ilang user ang magsasagawa ng aksyon at masusuri mo ang performance ng marketing sa lahat ng channel na naghihikayat sa mga user na isagawa ang aksyon.

Ipinapakita ng sumusunod na flow kung paano markahan ang isang event bilang pangunahing event. Sa madaling salita, kung mahalaga ang isang event para sa tagumpay ng iyong negosyo, puwede mong markahan ang event bilang pangunahing event sa Analytics.

Event → Pangunahing Event

Matuto pa Tungkol sa mga pangunahing event.

Maunawaan ang paggrupo ng event

Karamihan ng mga event na nati-trigger ng mga user mo sa iyong website o app ay hindi ipinapadala nang paisa-isa. Sa halip, karamihan ng mga event ay iginugrupo nang magkakasama (o ipinapangkat), kung saan may hanggang 20 event ang bawat batch.

Tandaan: Nalalapat ang pagpapangkat ng event sa mga event na awtomatikong kinokolekta tulad ng “session_start” at “page_view.” Kung mapansin mong nawawala ang mga event na ito, tingnan kung may mga potensyal na isyu sa pagpapatupad sa account mo.

Gayunpaman, hindi pinagpapangkat-pangkat sa batch ang mga event sa ilang sitwasyon:

  • Ipinapasa agad ang mga pangunahing event, kahit na posibleng bahagi ang mga ito ng isang batch
    • Tandaan: Kapag minarkahan ang mga event tulad ng “page_view” bilang mga pangunahing event, hindi nito ginagarantiya na hindi magiging bahagi ng batch ang mga ito. Sinisigurado lang ng diskarteng ito na maipapasa kaagad ang mga event.
  • Hinding-hindi pinagpapangkat-pangkat sa batch ng mga container na na-load sa debug mode ang mga event para isagawa ang realtime na experience
  • Ang mga event na nasa iyong device ay ipinapadala kapag umalis sa page ang isang user
  • Sa mga environment ng browser na hindi sumusuporta sa fetch API, ipinapadala kaagad ang lahat ng event

Kapag nag-offline ang device ng isang user (halimbawa, kapag nawalan ng access sa internet ang isang user habang nagba-browse siya sa iyong app), sino-store ng Analytics ang data ng event sa device niya at pagkatapos ay ipinapadala nito ang data kapag online na ulit ang device niya. Binabalewala ng Analytics ang mga event na dumarating na mahigit 72 oras pagkalipas ng pagka-trigger ng mga event.

May limitasyon sa laki na 16 KB sa data ng event ang Google Analytics 4 sa tuwing may ipinapadalang data. Nalalapat ang limitasyon sa laki sa mga indibidwal at nakagrupong event. Kapag lumampas sa limitasyon para sa mga nakagrupong event, ipapadala pa rin ang batch sa server, gayunpaman, hindi ipoproseso ang buong batch.

Tip: Puwede mong gamitin ang tool ng developer ng Chrome para kumpirmahin ang laki ng payload ng mga nakagrupong event bago ipadala ang mga ito sa server.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
11999442224619868238
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
69256
false
false
false
false