Nalalapat ang mga limitasyong ito sa bawat property. Puwede mong taasan ang ilang partikular na limitasyon (pero hindi ang mga limitasyon sa bilang ng character ng event/parameter) sa pamamagitan ng pag-upgrade ng iyong property sa Google Analytics 360. Para sa mga limitasyon sa pag-configure, ang artikulong ito ang dapat tingnan.
Mga limitasyon sa pagkolekta
Ang Google Analytics ay hindi nagla-log ng mga event, parameter ng event, at property ng user na lumalampas sa mga sumusunod na limitasyon. Halimbawa, hindi pinoproseso ng Analytics ang ika-26 na property ng user, at hindi nito pinoproseso ang pangalan ng isang event na may mahigit 40 character.
Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga event ng error na nila-log ng Analytics kapag lumampas ka sa mga sumusunod na limitasyon sa pagkolekta, tingnan ang Mga Code ng Error ng Analytics.
| Na-log na item | Limitasyon (Para sa mga limitasyon sa 360, pumunta rito) | Puwede ba akong mag-archive ng mga item kapag malapit ko nang maabot ang limitasyon? |
|---|---|---|
|
Mga event na may natatanging pangalan Walang limitasyon sa bilang ng mga event na may natatanging pangalan para sa mga stream ng data ng web. |
500 bawat user ng app (para sa mga stream ng data ng app) Baka makakita ka ng mahigit 500 event na may natatanging pangalan kung magkakaibang event ang na-trigger ng mga user na nasa magkakaibang instance ng app. Hindi kasama sa mga limitasyon ang mga event na awtomatikong kinokolekta at mga event ng pinahusay na pagsukat. |
Hindi |
| Mga natatanging session kada user kada araw | 2000 | N/A |
| Mga conversion bawat user kada araw | 10,000 | N/A |
| Mga event bawat user bawat araw | 100,000 | N/A |
| Haba ng pangalan ng event | 40 character. Kung mamarkahan mo ang isang event bilang pangunahing event at lampas 40 character ang event, hindi iuulat ang event bilang pangunahing event dahil wala ang idinagdag na "_c". | N/A |
| Mga parameter ng event kada event | 25 parameter ng event | Oo |
| Mga item-scoped na parameter bawat event | Bukod pa sa mga itinakdang item-scoped na parameter para sa bawat inirerekomendang event ng ecommerce, puwede kang magsama ng hanggang 27 custom parameter sa level ng item sa isang event ng ecommerce. | Oo |
| Haba ng pangalan ng parameter ng event | 40 character | N/A |
| Haba ng value ng parameter ng event |
100 character Nalalapat ang mga sumusunod na pagbubukod:
|
N/A |
| Mga property ng user | 25 bawat property | Hindi |
| Haba ng mga pangalan ng property ng user | 24 na character | N/A |
| Haba ng mga value ng property ng user | 36 na character | N/A |
| Haba ng mga value ng User-ID | 256 na character | N/A |
Mga limitasyon sa bilang ng character
Pareho ang mga limitasyon sa bilang ng character para sa mga wikang may single-width na character (hal., English) at mga wikang may double-width na character (hal., Japanese). Ginagamit ang haba ng character ng naka-encode na URL kapag nagbibilang ng mga limitasyon sa bilang ng character.