Events and key events

Tungkol sa mga pangunahing event

Magkaroon ng mga insight sa mga pagkilos na pinakamahalaga sa iyong negosyo at gamitin ang data na iyon para pahusayin ang mga pagsusumikap mo sa marketing

Ano ang pangunahing event?

Ang pangunahing event ay isang event na nagsusukat ng aksyong partikular na mahalaga sa tagumpay ng iyong negosyo. Kapag may nag-trigger sa event sa pamamagitan ng pagsasagawa sa aksyon, ire-record ang pangunahing event sa Google Analytics at ipapakita ito sa iyong mga ulat sa Google Analytics.

Puwedeng maging pangunahing event ang anumang event na kokolektahin mo. Para sukatin ang isang mahalagang event, gumawa o magtukoy ng event na sumusukat ng aksyon at pagkatapos ay markahan ang event bilang pangunahing event. Pagkatapos mong markahan ang event bilang pangunahing event, makikita mo kung ilang user ang magsasagawa ng aksyon at masusuri mo ang performance ng marketing sa lahat ng channel na naghihikayat sa mga user na isagawa ang aksyon.

Ipinapakita ng sumusunod na flow kung paano markahan ang isang event bilang pangunahing event. Sa madaling salita, kung mahalaga ang isang event para sa tagumpay ng iyong negosyo, puwede mong markahan ang event bilang pangunahing event sa Analytics.

Event → Pangunahing Event

Iulat ang mga pangunahing event

Puwede kang gumamit ng mga ulat at pag-explore sa Google Analytics para bilangin ang dami ng beses na nag-trigger ang mga user ng mga pangunahing event at nag-attribute ng credit sa iba't ibang touchpoint sa path ng user para sa pag-trigger ng mga pangunahing event.

Tingnan ang mga bilang ng pangunahing event

Maraming ulat sa Google Analytics, tulad ng mga ulat sa Landing page at User acquisition, ang may kasamang column na Mga pangunahing event. Ipinapakita ng column na Mga pangunahing event ang dami ng beses na nag-trigger ang mga user ng mga pangunahing event sa iyong website o app, na pinaghihiwalay ng mga value ng dimensyon sa kaliwa.

Para limitahan ang mga bilang sa isang partikular na pangunahing event, puwede mong piliin ang menu na Lahat ng event at pumili ng partikular na pangunahing event para matingnan mo ang dami ng beses na na-trigger ng mga user ang pangunahing event.

Para siyasatin pa ang mga bilang ng pangunahing event na pinaghihiwalay ng anumang compatible na dimensyon, puwede kang bumuo ng sarili mong mga pag-explore gamit ang mga sukatan ng pangunahing event tulad ng Mga pangunahing event at Rate ng pangunahing event ng session.

I-attribute ang credit sa mga touchpoint

Sa seksyong Pag-advertise, puwede mong gamitin ang mga ulat sa Pathing at Attribution para mag-attribute ng credit sa iba't ibang touchpoint sa path ng user para sa pag-trigger ng mga pangunahing event at makita kung paano ipinapamahagi ng iba't ibang modelo ng attribution ang credit sa magkakaibang paraan sa mga touchpoint na iyon. Matuto pa tungkol sa mga ulat sa pag-advertise

Gumawa ng mga conversion sa Google Ads

Puwede kang gumawa ng conversion sa Google Ads mula sa pangunahing event sa Google Analytics at pamahalaan ang mga setting nito sa pamamagitan ng interface ng Google Ads at Google Analytics. Nagbibigay ito ng consistent na paraan ng pagsukat ng mahahalagang aksyon at binabawasan nito ang mga pagkakaiba sa data sa pagitan ng Google Ads at Google Analytics.

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga conversion sa Google Ads na batay sa mga pangunahing event, magagawa mo ang mga sumusunod:

  • Mag-ulat sa parehong mga bilang ng conversion sa pagitan ng Google Ads at Analytics
  • Mag-ulat sa mga hindi Google at organic na channel, kasama ang mga channel na bahagi ng parehong campaign na cross-channel
  • Mag-bid sa mga conversion sa iyong mga campaign ng ad
  • Bumuo ng mga audience para sa mga layunin ng re-marketing

Puwede moong suriin ang performance ng mga conversion sa Google Ads mo sa Google Ads o sa seksyong "Pag-advertise" ng Google Analytics. Ang mga conversion sa Google Ads ay hindi lalabas sa mga karaniwang ulat sa Google Analytics.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
3870982574317084991
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
69256
false
false
false
false