Ang tracking ID ay isang string tulad ng UA-000000-2. Kasama dapat ito sa iyong tracking code para ipaalam sa Analytics kung aling account at property ang papadalhan ng data.
Awtomatikong isinasama ang tracking ID sa snippet ng JavaScript para sa mga website, pero kailangan din itong maisama sa iba pang teknolohiya sa pagsubaybay tulad ng mga SDK at Protocol ng Pagsukat para gumana ang Analytics.
Ang unang hanay ng mga numero (-000000, sa halimbawa sa itaas) ay tumutukoy sa numero ng iyong account, at ang pangalawang hanay ng mga numero (-2) ay tumutukoy sa partikular na numero ng property na nauugnay sa account.
Tag ID
Kung property sa Google Analytics 4 ang ginagamit mo, mayroon kang tag ID sa halip na Tracking ID. Tinutukoy ng iyong tag ID ang stream ng data ng web kung saan mo gustong ipadala ang iyong data ng Google Analytics.