Isang setting ng configuration na nagbibigay-daan sa iyong magdagdag, mag-alis o magbago ng iyong data habang pinoproseso bago ito ipakita sa iyong mga ulat.
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga filter sa view na limitahan at baguhin ang data ng trapiko na kasama sa isang view. Halimbawa, maaari mong gamitin ang mga filter upang ibukod ang trapiko mula sa mga partikular na IP address, magtuon sa isang partikular na subdomain o directory o mag-convert ng mga URL ng dynamic page sa mga nababasang text string.