Suriin ang iyong data ng Ecommerce

Para sa karamihan ng pagsusuring ginagawa mo sa data ng Ecommerce, bahagyang direkta ang diskarte: susubaybayan mo ang Kita, Rate ng Conversion at Average na Halaga ng Order. Sinasakop ng artikulong ito ang pagsasagawa sa pangunahing pagsusuring iyon, kasama ang paggamit sa mga ulat sa Ecommerce upang tasahin ang ibang data na kinokolekta mo.

Rate ng Conversion at Average na Halaga ng Order

Upang masubaybayan ang iyong Rate ng Conversion at Average na Halaga ng Order, gamitin ang ulat sa Pangkalahatang-ideya ng Ecommerce.

Nagbibigay ang mga scorecard sa ibaba ng graph ng buod ng iyong negosyo gamit ang limang sukatan:

Sa limang ito, partikular na mahalaga ang Rate ng Conversion na Ecommerce at Average na Halaga ng Order.

Ang Rate ng Conversion na Ecommerce ay ang porsyento ng mga pagbisitang nagresulta sa isang transaksyong ecommerce, at isang magandang proxy para sa pagiging mahusay ng iyong marketing at disenyo ng site: naghahatid ba ang iyong marketing ng audience na nakahandang bumili, at dinisensyo ba ang iyong site upang gawing madali ang pagbili para sa user na iyon?

Habang paiba-iba ang mga rate ng conversion sa pagitan ng vertical, ang pagsasagawa ng kaunting pananaliksik sa mga average na rate ng conversion para sa iyong vertical at para sa mga negosyong kasing laki ng sa iyo ay makakapagbigay ng magandang paunang batayan.

Kung nauunawaan mo na ang naaangkop na rate ng conversion para sa iyong negosyo, magagamit mo ang ulat na ito upang makita kung paano maihahambing ang kasalukuyang hanay ng petsa sa rate na iyon. Maaari kang gumamit ng mga maihahambing na hanay ng petsa upang makita kung paano ka nagte-trend sa paglipas ng panahon (humusay ba ang kalagayan natin sa nakalipas na buwan, sa nakalipas na taon?).

Nagbibigay-daan sa iyo ang Average na Halaga ng Order na makita kung gaano mo kahusay nakukuha ang bawat deal sa iyong site. Naghihikayat ba ng interes sa maraming produkto ang iyong mga listahan ng produkto? Matagumpay ka bang nakakapag-cross-sell ng magkaugnay na mga produkto (kung ibinebenta mo ang coat, naibebenta mo rin ba ang sumbrero at gwantes na kasama nito)? Nahihikayat ba ng iyong mga diskwento sa dami ang iyong mga user na bumili nang marami?

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga maihahambing na hanay ng petsa na makita kung napapalaki mo ang numerong ito, o walang pagbabago dito.

Pagganap ng campaign

Nagbibigay-daan sa iyo ang ulat sa Pangkalahatang-ideya na makita kung paano gumaganap ang iyong mga campaign sa konteksto ng iyong pangkalahatang marketing, at kung ihahambing sa iyong site sa pangkalahatan.

Tinitingnan ng Analytics ang marketing mula sa punto ng mga campaign, coupon ng order at affiliate na marketing, at sinusubaybayan ang sumusunod na tatlong sukatan para sa bawat bahagi:

  • Mga Transaksyon
  • Kita
  • Average na Halaga ng Order

Maaari mong makita ang pinagsama-samang pagganap ng bawat bahagi (hal., ang sama-samang pagganap ng iyong mga campaign), at mabilis na makita kung hinihimok ng iyong mga campaign ang bahagi ng negosyo na nilalayon mo.

Maaari mong gamitin ang mga scorecard sa itaas ng seksyong Marketing upang ihambing ang pangkalahatang pagganap ng site sa iyong indibidwal na mga bahagi ng marketing:

Maaari mong mas siyasatin ang pagganap ng campaign sa mga ulat sa Mga Campaign at Mga Campaign ng Google Ads. Halimbawa, kung ang mga halaga ng sukatan dito ay hindi ang kung ano ang inaasahan mo, maaari mong tingnan ang mga detalye ng mga indibidwal na campaign upang malaman kung saan may mga kahinaan sa pagganap. Sa kabilang banda, kung nagpapakita ang ulat sa Pangkalahatang-ideya ng malakas na pagganap ng campaign, maaari mong tingnan ang iba pang mga ulat na ito upang malaman kung ang tagumpay ay limitado sa iisang campaign, o kung mas malawak itong sinusuportahan ng lahat ng iyong campaign.

Pagganap ng purchase-funnel

Nagbibigay-daan sa iyo ang ulat sa Pagsusuri sa Gawi sa Pamimili na suriin ang mga kalakasan at kahinaan ng iyong funnel ng pagbili.

Nagbibigay-daan sa iyo ang visualization na ito na makita ang daloy ng mga user papasok at palabas sa iyong funnel. Kung may mapapansin kang hindi karaniwang malaking pag-alis sa anumang punto, suriin ang content na iyon.

Kung umaalis ang mga user pagkatapos tingnan ang mga detalye ng produkto at hindi nagdaragdag ng mga item sa kanilang mga cart, maaaring isinasaad nito na hindi sapat na nakakahimok ang mga paglalarawan ng produkto o hindi nagbibigay ng tamang balanse ng impormasyon. Halimbawa, kung ang iyong audience ay mainstream na consumer at ang iyong mga paglalarawan ng produkto ay masyadong teknikal, maaaring hindi bumuo ng kapani-paniwalang argumento ang lahat ng detalyeng iyon. O kaya, maaaring may malfunction lang na pumipigil sa mga user sa pagdaragdag ng mga item.

Kung umaalis ang mga user pagkatapos magdagdag ng mga item sa kanilang mga cart, maaaring isinasaad noon na naghahambing sila habang namimili, naglo-load up ng mga cart upang makita kung aling retailer ang magpa-follow up na may pinakamagandang insentibo upang kumpletuhin ang transaksyon. Suriin ang pagpepresyo at mga insentibong ipinapatupad mo na upang makita kung paano maihahambing ang mga ito sa ibang mga retailer. Kung nananatili sa mga inabandunang cart ang iyong mga item, maaaring hindi mahusay ang iyong pagpepresyo; o kung katulad ito ng pagpepresyo ng iba, maaaring mayroon kang pagkakataon na maging una na mag-alok ng presyo o insentibo na mag-aangat sa iyo mula sa iba.

Kung inaabanduna ng mga user ang proseso sa pag-checkout, maaaring mayroong kang hindi kinakailangang proseso na mahirap sundin, o maaaring hindi kasiya-siyang nagulat ang mga user sa mga biglaang paglabas ng sobrang taas na mga singilin sa pagpapadala.

Walang katapusan ang mga posibilidad ng pagkabigo, ngunit gamit ang funnel visualization na ito, mayroon kang detalyadong mapa kung saan makikita ang mga punto ng iyong pagkabigo, at alam mo kung saan eksaktong magsisimulang bumuo ng mga solusyon.

Pagganap ng checkout-funnel

Nagbibigay-daan sa iyo ang ulat sa Pagsusuri sa Gawi sa Pag-checkout na suriin ang mga punto kung saan inabanduna ng mga user ang iyong proseso ng pag-checkout.

Halimbawa, kung napansin mo na umaalis ang pinakamalaking bilang ng mga user sa unang hakbang kung saan inaatasan mo silang mag-log in sa isang account, maaari mong isaalang-alang ang pagdaragdag ng opsyon na mag-checkout bilang isang bisita, o payagan silang mag-sign in gamit ang isang umiiral nang Google o Twitter account, at sa gayon ay gagawa ng mas nakakahikayat na karanasan para sa mga mamimili na ayaw gumamit ng isa pang account at password.

Ang mataas na pag-abanduna sa anumang partikular na punto ay maaari ding senyales ng teknikal na problema. Halimbawa, habang maaari mong payagan ang mga user na mag-sign in gamit ang ibang account, maaari kang magkaroon ng mga problema sa pagtanggap ng pagpapatotoo sa OpenID. O kaya, maaaring isang simpleng bagay tulad ng napakatagal na pag-load ng isang page.

Kung hindi madaling makita ang mga dahilan sa pag-abanduna, maaari kang magsagawa ng pagsusuri sa pagiging nagagamit upang makita kung saan may mga karaniwang reaksyon ang mga user.

Pagganap ng produkto

Habang nagbibigay-daan sa iyo ang ulat sa Pangkalahatang-ideya na suriin ang pinagsama-samang pagganap, ang ulat sa Pagganap ng Produkto ay nagbibigay-daan sa iyong suriin ang pagganap ng mga indibidwal na produkto.

Nag-aalok ang ulat na ito ng dalawang pananaw sa pagganap ng produkto:

  • Buod: Ang kitang nakuha ng produkto, dami ng naibenta, average na presyo, mga halaga ng refund na ibinigay; kasama ang mga cart-to-detail at buy-to-detail rate.
  • Gawi sa pamimili: Gaano kadalas tiningnan ng mga user ang produkto sa listahan, gaano nila kadalas tiningnan ang mga detalye ng produkto, gaano sila kadalas nagdagdag ng mga produkto sa at inalis ang mga ito sa kanilang mga shopping cart, ang bilang ng pagkakataong isinama ang bawat produkto sa isang pag-checkout, at ang bilang ng mga natatanging pagbili; kasama ang mga cart-to-detail at buy-to-detail rate.

Malinaw na gusto mong makita kung anong uri ng kita ang nakukuha ng isang produkto, at ang mga dami ng pagbili dito, ngunit ang karagdagang impormasyon sa ulat na ito ay nagbibigay ng mas pangkalahatang pagtingin sa kung gaano kahusay hinihikayat ng disenyo ng iyong site ang mga user na bumili. Halimbawa, sa view ng Gawi sa Pamimili ng iyong data, makikita mo kung gaano kahusay gumanap ang mga produkto sa konteksto ng mga listahan ng produkto: gaano kadalas hinikayat ng paglalagay ng listahan ang mga user na tingnan ang mga indibidwal na produkto, gaano kahusay nanghikayat at nangasiwa ng mga view sa mga detalye ng produkto ang disenyo ng iyong site, at mula sa mga view ng detalye na iyon, kung idinaragdag ang mga produkto sa mga shopping cart at kumukumpleto ng mga pagbili?

Maaaring gamitin ng mga manager ng iyong kategorya at brand ang Kategorya ng Produkto at Brand ng Produkto na mga dimensyon upang tingnan ang data sa konteksto ng mga partikular na function ng mga ito, at suriin kung gaano kahusay nagtatagumpay ang kani-kanilang diskarte batay sa mga sukatan ng mga benta at pamimili.

Pagganap ng listahan ng produkto

Bilang karagdagan sa pagsubaybay sa marketing na humihimok ng mga user sa iyong site, gusto mo rin ng impormasyon tungkol sa tagumpay ng iyong intra-site marketing, mga listahan ng produktong ipinapakita mo sa mga user upang ilarawan ang mga opsyon sa produkto, mga nauugnay na produkto o listahang ginamit mo upang mag-upsell o mag-cross-sell.

Nagbibigay-daan sa iyo ang ulat sa Pagganap ng Listahan ng Produkto na makita kung gaano kahusay gumaganap ang mga listahan at indibidwal na produkto kung kasama ang isa't isa.

Upang tingnan ang data mula sa pananaw ng listahan, gamitin ang Pangalan ng Listahan ng Produkto bilang pangunahing dimensyon. Para sa bawat listahan, makikita mo ang bilang ng mga produktong tiningnan ng mga user sa listahan, ang bilang ng mga pagkakataong nag-click ang mga user sa mga produkto sa listahan at ang click-through rate para sa listahan. Nagbibigay-daan sa iyo ang kumbinasyon ng mga sukatang ito na makita kung gaano kahusay gumaganap ang isang listahan pagdating sa pagdadala ng mga produkto sa harapan ng mga user, at kung hinihikayat ng layout, text at graphics ang mga user na mag-click sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa iyong mga produkto.

Maaari mong gamitin ang Posisyon ng Listahan ng Produkto bilang pangunahing dimensyon upang makita kung aling mga posisyon ng listahan ang pinakamahusay na gumaganap.

Gamitin ang Produkto bilang pangunahing dimensyon upang makita kung paano gumaganap ang mga indibidwal na produkto sa mga listahan kung saan lumalabas ang mga ito.

Gamitin ang Produkto bilang pangunahing dimensyon at ang Posisyong ng Listahan ng Produkto bilang pangalawang dimensyon upang makita kung paano gumaganap ang mga produkto nang nauunay sa mga posisyon ng listahan ng mga ito. Kung nadadaig ng isang produkto sa mas mababang posisyon ang mga produkto sa mas matataas na posisyon, maaari mong ilipat ang produktong mas mahusay na gumaganap sa mas prominenteng posisyon sa listahan.

Coupon at affiliate na marketing

Nagbibigay-daan sa iyo ang Analytics na subaybayan ang mga conversion na may kasamang mga product- at order-coupon code, gayundin ang mga conversion na resulta ng affiliate na marketing.

Para sa mga product-coupon code, makikita mo ang nauugnay na:

  • Kita ng Produkto: ang kita mula sa lahat ng produktong binili gamit ang coupon ng produkto
  • Mga Natatanging Pagbili: ang bilang ng mga natatanging pagbili na kasama ang product-coupon code
  • Kita ng Produkto sa bawat Pagbili: ang average na kita ng produkto para sa bawat pagbili na kasama ang product-coupon code

Para sa mga order-coupon at affiliate code, makikita mo ang nauugnay na:

  • Kita: ang kabuuang kita na nauugnay sa bawat order-coupon o affiliate code
  • Mga Transaksyon: ang kabuuang bilang ng mga transaksyon na nauugnay sa bawat order-coupon o affiliate code
  • Average na Halaga ng Order: ang average na halaga ng order para sa lahat ng transaksyong nauugnay sa bawat order-coupon o affiliate code

Ibinibigay sa iyo ng data sa mga ulat sa Coupon ng Produkto at Order ang mga raw na numero para sa aktibidad na nauugnay sa mga coupon code. Upang maunawaan ang pagiging mabisa ng mga pagsusumikap na ito sa mas malawak na konteksto ng iyong negosyo, maaari mong gamitin ang ulat sa Pangkalahatang-ideya upang makita kung paano naaapektuhan ang iyong pangkalahatang bilang sa mga panahong nag-aalok ka o tinatanggap mo ang mga coupon; halimbawa:

  • Kung nag-alok ka ng mga coupon sa linggo bago ang Mother’s Day o Memorial Day, maaari kang gumamit ng mga maihahambing na hanay ng petsa upang maihambing ang linggong iyon sa linggo bago at sa linggo pagkatapos upang makita kung anong uri ng pagtaas at pagbaba ang nangyari.
  • Kung nag-alok ka ng mga coupon sa isang heograpikong rehiyon ngunit hindi sa isa pa, maaari kang mag-segment ayon sa rehiyon para sa hanay ng petsang iyon upang masuri ang pagkakaiba sa Kita at Mga Transaksyon sa pagitan ng mga rehiyon, at magpasya kung mabisa ang mga coupon.

Gamitin ang ulat sa Affiliate Code upang makita kung alin sa iyong mga affiliate ang nagbibigay ng pinakamataas na halaga ng mga conversion para sa iyo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10757141588207821278
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false