Nagbibigay-daan ang pagsasama ng session na makolekta ang mga hit bago maitalaga ang User ID na maiugnay sa isang ID.
Sa artikulong ito:Ang pagsasama ng session ay isang setting ng User-ID na nagbibigay-daan na maiugnay agad sa User ID ang mga hit na nakolekta bago pa man maitalaga ang ID, hangga't nagaganap ang mga hit na iyon sa parehong session kung saan unang beses na itatalaga ang isang partikular na value ng ID. Kapag NAKA-OFF ang pagsasama ng session, ang mga hit lang na makokolekta kapag malinaw na nakatalaga ang User ID ang maaaring iugnay sa isang ID.
Paano I-ON/I-OFF ang pagsasama ng session
Kapag na-set up mo ang feature na User-ID, NAKA-ON bilang dafault ang pagsasama ng session. Maaari mong I-OFF ang setting habang nagse-set up, o maaari mong sundin ang mga tagubiling ito upang I-ON/I-OFF ito anumang oras.
Upang I-ON/I-OFF ang pagsasama ng session sa isang property ng User ID:
- Mag-sign in sa iyong Analytics account.
- I-click ang Admin at mag-navigate patungo sa property na gusto mo.
- I-click ang User ID.
- I-click ang Hakbang 2.
- I-click ang switch upang i-toggle sa NAKA-ON/NAKA-OFF.
Paano nakakaapaekto ang pagsasama ng session sa iyong data
Pinaghahambing ng mga halimbawang ito kung aling mga session at data ng session ang maaaring iugnay sa isang user ID kapag NAKA-ON o NAKA-OFF ang pagsasama ng session.
Bagama't magagamit mo ang Analytics para sa maraming iba't ibang teknolohiya at mapapatupad mo ang feature na User ID sa maraming paraan, ipinapakita ng mga halimbawang ito ang pagsasama ng session sa isang sitwasyon kung saan ginagamit ang Analytics sa isang website at itinatalaga ang User ID sa pamamagitan ng pag-sign in sa account.
Sa mga larawan, ipinapakita sa pamamagitan ng isang parihaba ang bawat session, at ipinapakita ng mga numero ang iba't ibang session. Isang initimang parihaba ang nagsasabing naitakda na ang isang user ID. Halimbawa, itinakda ang isang user ID para sa kabuuan ng mga session 3 at 6, ngunit para lang sa isang bahagi ng mga session 2 at 4. Ang mga dotted line ang nagsasabi kung aling mga session (o mga bahagi ng isang session) ang nauugnay sa isang user ID.
Kapag NAKA-OFF ang pagsasama ng session
- Session 1: Binisita ng user ang iyong website, ngunit walang pag-sign in sa account. Hindi nakatakda ang user ID at walang nauugnay na mga hit sa isang ID.
- Session 2: Binisita ng user ang iyong website, at nag-sign in sa isang account sa kalagitnaan ng session. Magtatakda ng isang partikular na ID. Hindi nauugnay sa ID ang mga hit na nakuha bago maitakda ang ID. Nauugnay sa ID ang mga hit na nakuha pagkatapos maitakda ang ID.
- Session 3: Naka-sign in ang user sa buong tagal ng session. Itatakda ang user ID at iuugnay sa ID ang lahat ng hit mula sa session.
- Session 4: Naka-sign in ang user noong nagsimula ang session, ngunit nag-sign out sa kalagitnaan. Nauugnay sa ID ang lahat ng hit na nakuha habang naka-sign in ang user. Hindi nauugnay sa ID ang lahat ng hit na nakuha pagkatapos mag-sign out.
- Session 5: Naka-sign out ang user sa buong session. Walang nakatakdang user ID at walang nauugnay na mga hit sa isang ID.
- Session 6: Naka-sign in ang user sa buong tagal ng session. Nauugnay sa ID ang lahat ng hit mula sa session.
Kapag NAKA-ON ang pagsasama ng session
- Session 1: Binisita ng user ang iyong website, ngunit walang pag-sign in sa account. Hindi nakatakda ang user ID at walang nauugnay na mga hit sa isang ID.
- Session 2: Binisita ng user ang iyong website, at nag-sign in sa isang account sa kalagitnaan ng session. Magtatakda ng isang partikular na ID. Nauugnay sa ID ang lahat ng hit mula sa session na ito.
- Session 3: Naka-sign in ang user sa buong tagal ng session. Itatakda ang user ID at iuugnay sa ID ang lahat ng hit mula sa session.
- Session 4: Naka-sign in ang user noong nagsimula ang session, ngunit nag-sign out sa kalagitnaan. Nauugnay sa ID ang lahat ng hit na nakuha habang naka-sign in ang user. Hindi nauugnay sa ID ang lahat ng hit na nakuha pagkatapos mag-sign out.
- Session 5: Naka-sign out ang user sa buong session. Walang nakatalagang User ID, at walang nauugnay na hit sa ID.
- Session 6: Naka-sign in ang user sa buong tagal ng session. Nakatalaga ang User ID, at nauugnay sa ID ang lahat ng hit mula sa session.
Ang mga hit lang bago ang unang hit na may User ID sa session ang kasama sa mga view ng User ID. Halimbawa:
- Hit 1– Walang User ID.
- Hit 2 – Walang User ID.
- Hit 3 – Naitakda ang User ID. Unang na-authenticate na hit.
- Hit 4 – Walang User ID.
- Hit 5 – Naitakda ang User ID.
Sa halimbawa sa itaas, hindi isasama ang Hit 4 (isang "hindi na-authenticate" na hit) sa isang View ng User ID dahil hindi ito nangyari bago ang unang hit na may User-ID.
- Kinukumpleto ang pagsasama ng session sa panahon ng pang-araw-araw na pagpoproseso ng data. Nagsisimula ang pagpoproseso nang 5am bawat araw, batay sa pinakakanlurang timezone na pinili sa anumang view ng pag-uulat na nauugnay sa property.
- Sa mga view ng User-ID, maaari kang makakita ng mas maraming direktang session at direktang kita sa mga petsa kung kailan hindi pa lumilipas ang isang buong araw dahil hindi pa nagaganap ang pagsasama ng session. Ito ay dahil ipinapadala ang impormasyon sa referral ng campaign tuwing unang hit ng isang session kung kailan hindi pa nakakapag-log in ang user. Nagaganap ang pagsasama ng impormasyon sa referral araw-araw tuwing 5am batay sa lokasyon ng pinakakanluran mong timezone.