FAQ sa Analytics IQ

Libre ang pagsusulit sa Google Analytics IQ at available ito sa Skillshop.

Ano ang Analytics Individual Qualification (IQ)?

Ang Analytics Individual Qualification ay isang pagpapakita ng kahusayan sa Analytics na available sa kahit na sinong indibidwal na nakapasa sa pagsusulit sa Analytics IQ. Matutunan kung paano maghanda para sa Analytics IQ.

Bakit nag-aalok ang Google ng Analytics IQ?

Bagama't madaling gamitin ang Analytics para sa mga bagito, napakahusay rin nitong tool para sa mga may kasanayang user. Magiging epektibo ang mga kwalipikadong user sa paggamit ng Google Analytics sa kani-kanilang mga organisasyon at sa pagtulong sa iba na magawa rin iyon.

Ano ang kailangan kong gawin upang magkaroon ng indibidwal na kwalipikasyon sa Analytics?

Kailangan mo lang pumasa sa pagsusulit sa Analytics IQ. Gayunpaman, bago kunin ang pagsusulit, iminumungkahi naming pag-aralan mo ang lahat ng materyal na tinalakay sa mga kursong Google Analytics for Beginners at Advanced Google Analytics sa Analytics Academy.

Magkano ito?

Libre ang mga kurso sa Analytics Academy at ang pagsusulit sa Analytics IQ.

Kapag kwalipikado na ako, gaano katagal ang aking Analytics Individual Qualification?

Mananatiling may bisa ang iyong kwalipikasyon sa loob ng 12 buwan mula sa petsa kung kailan ka nakapasa sa pagsusulit.

Bakit ko kailangang maging kwalipikado?

Sa pagpasa sa pagsusulit sa Analytics IQ, nagkakaroon ka ng aktwal na pagpapatunay na nauunawaan mo ang mga batayang kaalaman sa digital na analytics at Analytics.

Mayroon bang badge ng Analytics IQ?

Walang iniaalok ang Google na badge ng Analytics IQ. Pakitandaang ang paggawa o pagpapakita ng badge ng Analytics IQ ay isang paglabag sa mga patakaran ng Google sa pag-brand at maaari itong lumabag sa mga karapatan ng Google sa trademark. Puwedeng ipawalang-bisa ang iyong kwalipikasyon kung gagawa o magpapakita ka ng badge.

Ano ang kaibahan ng pagkakaroon ng Analytics individual qualification at pagiging Google Marketing Platform Partner?

Ang Partner ay isang organisasyon ng mga propesyonal na nakapasa sa serye ng mahihigpit na kinakailangan. Nakalista ang mga kumpanyang ito sa aming page na Gallery ng Partner. Ang Analytics Individual Qualification ay para sa kahit na sinong indibidwal na gustong magpakita ng kahusayan sa Analytics. Ang pagiging kwalipikado sa Google Analytics ay hindi nangangahulugang kwalipikado ka nang maging Platform Partner.

Gaano katagal ang aabutin bago maging kwalipikado?

Nasa sa iyo iyon. Depende sa iyo kung gaano ka kabilis maghahanda para sa pagsusulit. Kapag handa ka na, pumunta sa site ng pagsusulit at bibigyan ka ng limitadong haba ng oras para kumpletuhin ang pagsusulit.

Sa aling mga wika iniaalok ang pagsusulit?

Iniaalok ang pagsusulit sa English (U.S.), Chinese (Simplified), Czech, Dutch, French, German, Hebrew, Italian, Japanese, Korean, Polish, Portuguese (Brazil), Russian, Spanish, at Turkish.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Pumili ng sarili mong learning path

Tingnan ang google.com/analytics/learn, isang bagong resource para tulungan kang sulitin ang Google Analytics 4. Makakakita sa bagong website ng mga video, artikulo, at may gabay na flow, at may mga link ito sa Discord ng Google Analytics, Blog, channel sa YouTube, at repository sa GitHub.

Magsimulang matuto ngayon!

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
745962061779997200
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false