Tungkol sa mga ulat sa paglalarawan ng daloy

Tingnan ang mga hakbang na ginagawa ng iyong mga user upang maabot ang mga page, Kaganapan at Layunin ng iyong mga site at app.

Ang paglalarawan ng daloy ay isang graphic na nagpapakita ng isang ruta o path, tulad ng isang daan sa isang gubat. Hindi tulad ng isang mapa, na nagpapakita ng mga posible at kilalang ruta, ipinapakita ng isang paglalarawan ng daloy ang bawat hakbang na ginawa sa aktwal na path, kasama ang anumang mga paghinto o pagbalik na naganap.

Inilalarawan ng mga ulat sa daloy sa Analytics ang mga path na ginagamit ng mga user sa iyong content, kasama na ang mga espesyal na element na sinusubaybayan mo gamit ang Mga Layunin at Mga Kaganapan. Sa iisang graphic, makikita mo kung paano pumapasok, nakikipag-ugnayan at umaalis sa iyong content ang mga user. Magagamit mo rin ang mga ulat na ito upang i-troubleshoot ang iyong content sa pamamagitan ng paghahanap ng anumang hindi inaasahang lugar ng paglabas o pagbalik ng mga user.

Sa artikulong ito:

Mga uri ng mga ulat sa daloy

Nagbibigay ang Analytics ng ilang espesyal na ulat sa daloy. Inilalarawan ang mga ito nang maiksi sa talahanayan sa ibaba.

Ulat Mga Feature
Daloy ng Gawi

Ipinapakita ng ulat sa Daloy ng Gawi ang path na nilakbay ng mga user mula sa isang Page o Kaganapan patungo sa susunod. Makakatulong sa iyo ang ulat na ito na tuklasin kung anong content ang patuloy na nanghihimok sa mga user sa iyong site. Makakatulong din ang ulat sa Daloy ng Gawi na matukoy ang mga potensyal na isyu ng content.

Maaaring magpakita ang ulat sa Daloy ng Gawi ng Mga Page, Pagpapangkat ng Content, Kaganapan, o parehong Page at Kaganapan.

Daloy ng Layunin

Ipinapakita ng ulat sa Daloy ng Layunin ang path na nilakbay ng iyong trapiko sa pamamagitan ng isang funnel patungo sa isang conversion ng layunin. Makakatulong ang ulat na ito na makita kung nagna-navigate ang mga user sa iyong content tulad ng inaasahan, o kung may mga problema, tulad ng mga mataas na rate ng drop-off o hindi inaasahang loop.

Dapat ay mayroon kang mga tukoy na Layunin sa iyong account upang magamit ang ulat sa Daloy ng Layunin. Mas magagamit ang ulat na ito kung ikaw ay tumutukoy ng Mga Funnel para sa iyong Mga Layunin.

Daloy ng Mga User

Naghahambing ng dami ng trapiko mula sa iba't ibang pinagmulan ang ulat sa Daloy ng Mga User, na nagbibigay-daan sa iyong sumuri ng mga pattern ng trapiko sa pamamagitan ng iyong site, Maipapakita sa iyo ng ulat na ito kung paaano nagpapadala sa iyo ng trapiko ang iyong iba't ibang channel sa marketing. Makikita mo kung paano nakikipag-ugnayan ang trapikong iyon sa iyong content at hanapin ang mga partikular na page o path na maganda o hindi maganda ang pagganap.

Daloy ng Mga Kaganapan

Nagbibigay-daan sa iyo ang ulat sa Daloy ng Mga Kaganapan na ma-visualize ang pagkakasunud-sunod kung saan nagti-trigger ang mga user ng Mga Kaganapan, tulad ng mga pag-play ng video, pag-download ng file at pakikipag-ugnayan sa mga naka-embed na gadget.

Kung gusto mo ring makita ang mga page kung saan na-trigger ang Mga Kaganapan, gamitin sa halip ang ulat sa Daloy ng Gawi.

Funnel Visualization

Nagbibigay sa iyo ng pangkalahatang-ideya ng mga piniling funnel ng conversion ng Layunin ang ulat sa Funnel Visualization. Hindi tulad ng ulat sa Daloy ng Layunin, hindi ipinapakita ng ulat sa Funnel Visualization ang aktwal na path na tinahak ng iyong mga user sa pamamagitan ng iyong site o app; sa halip, ipinapakita lang nito ang pagganap ng bawat funnel step patungkol sa bilang ng mga pagpasok at paglabas.

Ang ulat sa Funnel Visualization ay isang mainam na unang hakbang sa pagsukat ng pangkalahatang pagganap ng iyong Mga Layunin. Kung makakita ka ng labis na mga drop-off sa isang hakbang ng Layunin, gamitin ang ulat sa Daloy ng Layunin para sa mas malalim na pagsusuri ng problema.

Daloy ng Referral sa Google Play Tumutulong sa iyo ang ulat sa Daloy ng Referral sa Google Play na sukatin ang interes sa iyong app sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo ng dami ng trapiko sa bawat yugto ng proseso ng pagkuha.

Anatomy ng isang ulat sa daloy

Ginagamit ng lahat ng ulat sa daloy (maliban sa ulat sa Funnel Visualization) ang mga parehong karaniwang bahagi:

Mga Node

Ang mga node ay mga punto kung saan dumadaloy ang trapiko. Maaaring kumatawan sa ilang bagay ang isang node, kasama ang isang page o screen, direktoryo, Pagpapangkat ng Content, Kaganapan o dimensyon. Lumalabas ang bilang ng user sa bawat node, na nagbibigay kaagad sa iyo ng pangkalahatang-ideya tungkol sa dami ng trapiko na dumadaloy sa node na iyon.

Ang mga node ng dimensyon ay kulay puti. Tinutukoy ng node ng dimensyon ang karaniwang punto ng pagpasok sa isang daloy, upang maihambing mo kung paano nakakaapekto ang iba't ibang channel sa marketing, social media, mga dimensyon ng teknolohiya o iba pang punto ng pagpasok.

Pangunahing Dimensyon ng Paglalarawan ng Daloy
Node ng dimensyon

Ang mga node ng Page, Pagpapangkat ng Content at Layunin at screen ng page ay kulay berde:

Page node ng Paglalarawan ng Daloy
Node ng Pagpapangkat ng Page o Content
Node ng Layunin ng Paglalarawan ng Daloy
Node ng layunin

Ang mga node ng kaganapan ay kulay asul:

Node ng Kaganapan ng Paglalarawan ng Daloy
Node ng kaganapan

Mga koneksyon, drop-off at pagpapabalik-balik

Ipinapakita ang mga koneksyon bilang mga gray na band na dumadaloy sa pagitan ng mga node. Kinakatawan ng mga koneksyon ang path na tinatahak ng isang segment ng trapiko mula sa isang node patungo sa isa pa. Isinasaad ng kapal ng koneksyon ang kaugnay na dami ng trapiko sa segment na iyon: kapag mas makapal ang band, mas maraming trapiko ang dumadaloy sa koneksyon na iyon.

Kung minsan ay naglu-loop back ang mga path sa mga node sa mga hindi inaasahang paraan. Lumalabas ang mga loop-back bilang isang koneksyon na may isang arrow na nakaturo patungo sa nakaraang node.

Isinasaad ng mga drop-off (tinatawag ding mga paglabas) kung saan iniwan ng mga user ang daloy.

Mga Koneksyon ng Paglalarawan ng Daloy
Mga koneksyon, drop-off at loop-back

Mga mainam na mapaggagamitan ng mga ulat sa daloy

Ipinapakita sa iyo ng bawat ulat sa daloy ang partikular na data para sa bahaging iyon ng Analytics, ngunit maipapakita sa iyo ng lahat ng ulat:

  • Ang kaugnay na dami ng trapiko patungo sa iyong site ayon sa dimensyong pipiliin mo (hal., pinagmulan ng trapiko, campaign, browser)
  • Ang kaugnay na dami ng mga user sa bawat hakbang (node) sa path
  • Ang kaugnay na dami ng trapiko at ang rate ng pag-alis sa pagitan ng mga hakbang (mga paglabas)
  • Kung saan bumalik ang mga user sa path
  • Mga partikular na sukatan para sa mga koneksyon, node at paglabas sa node kapag nag-hover ka sa mga ito

Mga limitasyon ng mga ulat sa daloy

Mga limitasyon ng session

Ang mga ulat sa daloy ay hindi makakapagpakita ng data para sa mahigit sa 100,000 session. Kung mayroon kang mahigit sa 100,000 session sa data set, lalabas ang na-sample na data sa mga ulat sa daloy. Isaayos ang hanay ng petsa upang mabawasan ang bilang ng mga session sa ulat.

Mga limitasyon ng segment

Sinsusuportahan lang ng mga ulat sa daloy ang mga segment batay sa session. Naka-disable ang mga segment na batay sa user para sa mga ulat sa daloy. Maaari ka lang maglapat ng isang segment sa isang ulat sa daloy.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Pumili ng sarili mong learning path

Tingnan ang google.com/analytics/learn, isang bagong resource para tulungan kang sulitin ang Google Analytics 4. Makakakita sa bagong website ng mga video, artikulo, at may gabay na flow, at may mga link ito sa Discord ng Google Analytics, Blog, channel sa YouTube, at repository sa GitHub.

Magsimulang matuto ngayon!

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5383673805584145277
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false