↵
Puwede kang mag-import ng data ng gastos mula sa Snap ads para ma-populate ang mga sukatang “Gastos sa mga ad,” “Mga pag-click sa mga ad,” at “Mga ad impression” para sa iyong nabayarang trapiko sa Snap.
Mahalaga: Ang mga data source ng Pag-import ng Data ng Gastos sa Snap na ginawa gamit ang gabay na ito ay magtatangkang magpasok sa iyong property sa Analytics ng hindi bababa sa 24 na buwan ng dating data sa Snap Ads. Ang paggamit sa feature na ito kasama ng mga dating na-upload na dataset ng manual na pag-import ng gastos ay puwedeng humantong sa na-duplicate na data at mga hindi tumpak na ulat, dahil hindi sinusubukang i-deduplicate ng Analytics ang impormasyon sa pagitan ng 2 paraang ito. Kung mayroon kang kasalukuyang data ng gastos sa Snap na mag-o-overlap, i-delete ang mga naunang dataset na iyon bago magpatuloy sa feature na ito.
Sa page na ito
- Bago ka magsimula
- Paano mag-import ng data ng gastos mula sa Snap Ads
- Paano maghanap ng mga parameter sa Snap Ads
Bago ka magsimula
- Kailangan mong magkaroon ng kahit tungkulin lang na Analyst para sa Snap Ads at ng tungkuling Editor sa property sa Google Analytics.
- Siguraduhing kasama ang mga sumusunod na parameter ng URL sa mga destination URL para sa iyong mga ad sa Snap:
- utm_source (nire-require)
- utm_medium (nire-require)
- utm_campaign (opsyonal, pero lubos na inirerekomenda)
- utm_id (opsyonal, pero lubos na inirerekomenda)
Tandaan: Dapat i-tag ang lahat ng iyong nabayarang trapiko sa Snap gamit ang isang natatanging value para sa
utm_source at isang natatanging value para sa utm_medium. Kapag gumagawa ng configuration ng Pag-import ng Data ng Gastos sa Snap sa pamamagitan ng flow na ito, ang mga value na ilalagay para sa "Source ng Campaign" at "Medium ng Campaign" ay dapat eksaktong tumugma sa mga value na ito ng utm_source at utm_medium. Halimbawa, kung naka-tag ang lahat ng iyong nabayarang trapiko sa Snap gamit ang utm_source=Snap at utm_medium=paid, ang ilalagay mo ay "Snap" sa field na "Source ng campaign" at "paid" sa field na "Medium ng campaign."Paano mag-import ng data ng gastos mula sa Snap Ads
Hakbang 1 sa 4: Gumawa ng bagong data source
- Sa Admin, sa ilalim ng “Pangongolekta at pagbago ng data,” i-click ang Pag-import ng data.
Tandaan: Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Editor o mas mataas ka dapat sa level ng property para matagumpay mong masimulan ang proseso ng pag-import.
- I-click ang Gumawa ng data source.
- Maglagay ng pangalan para sa iyong data source.
- Piliin ang Data ng gastos bilang uri ng data.
- Sa ilalim ng “Mag-upload ng data para sa pag-import,” piliin ang Snap bilang source ng pag-import.
- I-click ang Susunod.
Hakbang 2 sa 4: I-set up ang koneksyon
- Sa screen na “I-set up ang koneksyon,” i-click ang Ikonekta para i-link ang Snap bilang iyong data source.
- Mag-sign in sa Snap Ads sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong mga kredensyal ng user ng Snap sa pop-up window.
- I-click ang Log in.
Hakbang 3 sa 4: I-configure ang data
- Piliin ang Snap “Business” at “Ad account” na namamahala sa data ng pag-advertise sa Snap na balak mong ipasok sa iyong property sa Analytics.
- Magbigay ng mga value ng “Source ng campaign” at “Medium ng campaign” na nauugnay sa mga value ng parameter na utm_source at utm_medium na kasama sa mga destination URL ng iyong mga Snap ad. Matuto pa tungkol sa paghahanap ng mga parameter sa Snap Ads.
Tandaan: Ang mga value na idaragdag para sa "Source ng campaign" at "Medium ng campaign" ay naaayon dapat sa mga value ng parameter nautm_sourceatutm_mediumna tinukoy mo sa iyong mga destination URL para sa mga Snap Ads campaign. - I-click ang Susunod. Awtomatikong imamapa ang mga field para sa iyo sa susunod na hakbang.
Hakbang 4 sa 4: Suriin ang iyong koneksyon at pag-import
- Suriin ang lahat ng field para masiguradong kasama ang lahat ng field na gusto mong i-import. Puwede mong baguhin ang pangalan ng iyong data source, iskedyul ng pag-import, at anumang filter na inilapat mo.
- I-click ang Tapusin.
- Makakakuha ka ng kumpirmasyon na nagawa na ang iyong data source.
- I-click ang Tapos na.
Puwedeng abutin nang hanggang 30 minuto bago matapos ang mga pag-import, at hanggang 24 na oras bago maging available ang data sa mga ulat.
Paano maghanap ng mga parameter sa Snap Ads
- Mag-log in sa iyong Snap Ads account.
- Para sa bawat ad, tingnan kung tinukoy ang
utm_source,utm_medium,utm_campaign, atutm_idsa destination URL.
Kakailanganin mo ang mga parameter na ito para makapag-import ng data ng gastos mula sa iyong Snap Ads account.