Puwedeng mag-trigger ang mga user ng mga pangunahing event ilang araw o linggo pagkatapos makipag-interact sa iyong mga ad.
Tinutukoy ng palugit ng conversion kung gaano kalayo sa nakaraan kwalipikado ang isang touchpoint na ma-credit sa attribution. Halimbawa, ang 30 araw na palugit ng conversion ay magreresulta sa pag-attribute ng mga conversion sa Enero 30 sa mga touchpoint lang na mula Enero 1-30.
Nalalapat ang palugit ng conversion sa lahat ng modelo ng attribution at lahat ng uri ng conversion. Ang mga pagbabago sa palugit ng conversion ay malalapat sa hinaharap at makikita sa lahat ng ulat sa iyong property sa Analytics.
Para sa mga event ng conversion na Pagkuha (first_open at first_visit), 30 araw ang default na palugit ng conversion. Puwede kang lumipat sa 7 araw kung iba ang iyong mga pangangailangan sa attribution.
Para sa lahat ng iba pang event ng conversion, 90 araw ang default na palugit ng conversion. Puwede mo ring piliin ang 30 araw o 60 araw. Hindi ito nalalapat sa mga engaged-view na pangunahing event, na may default na setting na 3 araw.