Puwede mong gamitin ang mga page na History ng access sa data ng account at History ng access sa data ng property sa seksyong Admin para i-audit kapag nag-query ng data ang mga user sa iyong mga property sa Google Analytics. Kasama rito ng mga property sa iyong Google Analytics account at data sa Google Ads account mo na na-access mula sa Google Analytics.
Nasa mga page na ito ang mga sumusunod na tab:
- History ng access sa data: Ipinapakita ang bawat instance ng access sa data sa iyong property o mga property. Kasama rito ang oras ng pag-access, mekanismo ng pag-access, lokasyon ng bansa ng user, at email address ng user.
- Oras ng huling pag-access: Ipinapakita kung kailan huling na-access ng bawat user na may access sa iyong property o mga property ang mga iyon, kasama ang paggamit ng API.
Puwede mong gamitin ang picker ng petsa para pumili ng na-predefine o custom na hanay ng petsa sa loob ng nakalipas na 2 taon. Itinatakda ang hanay ng petsa batay sa time zone ng iyong operating system.
Bilang default, nagpapakita ang ulat ng data para sa lahat ng user. Puwede kang maglapat ng mga filter para limitahan ang iyong paghahanap.
Mga Prerequisite
Nire-require ang tungkuling Administrator para tingnan ang history ng access sa data para sa account o property sa Analytics.
Available lang ang feature na ito para sa mga property sa Google Analytics 360 at para sa mga account na may kahit isang property sa 360 lang.
Tingnan ang history ng access sa data
- Sa Admin, sa ilalim ng Account o Property, i-click ang History ng access sa data ng account o History ng access sa data ng property.
- Nagbibigay ang tab na History ng access sa data ng detalyadong impormasyon tungkol sa bawat instance ng access sa data. Narito ang breakdown ng nakalistang impormasyon:
- Oras ng pag-access: Ang timestamp na na-access ng user ng GA ang data ng pag-uulat ng GA.
- Pangalan ng na-access na property: Ang ipinapakitang pangalan ng property kung saan na-access ang data ng pag-uulat ng Google Analytics. Naglalaman lang ng isang property ang karamihan ng Mga Ulat sa Access sa Data, pero kung may sub-property ang nire-request na property, maglalaman ang Mga Ulat sa Access sa Data ng mga access sa source property at sub-property. Para matuto pa, tingnan ang tungkol sa mga sub-property.
- Pangalan ng app ng nag-access: Ang pangalan ng application na nag-access sa data ng pag-uulat sa Google Analytics. Magbibigay ka ng access sa mga third-party app at serbisyo para makita ang iyong data ng pag-uulat sa Google Analytics. Para matuto pa, tingnan ang pamahalaan ang mga koneksyon sa pagitan ng iyong Google Account at mga third-party.
- Mekanismo ng pag-access: Ang mekanismo kung saan na-access ng user ng Google Analytics ang data ng pag-uulat ng Google Analytics. Kasama sa mga posibleng value ang 'Google Analytics User Interface,' 'Google Analytics API,' 'Firebase,' 'Google Ads,' at iba pa.
- Bansa ng user: Ang bansa ng user ng Google Analytics na nag-access sa data ng pag-uulat ng Google Analytics.
- Email ng user: Ang email ng user ng Google Analytics na nag-access sa data ng pag-uulat ng Google Analytics. Pinapayagan ng ibang pag-integrate ang mga user na i-access ang data ng pag-uulat ng Google Analytics sa pamamagitan ng pag-integrate nang walang direktang access ang user sa property; sa sitwasyong iyon, magbabalik ang 'userEmail' ng, halimbawa, 'Naka-link na User ng Google Ads' depende sa pag-integrate.
- Kategorya ng quota ng API ng data: Ang kategorya ng quota para sa request sa API ng Data. Kasama sa mga posibleng value ang: 'Core,' 'Realtime,' at 'Funnel.'
- Nagamit na mga token ng quota ng property para sa API ng data: Ang kabuuang nagamit na mga token ng quota ng property para sa mga request sa API ng data. Matuto pa tungkol sa mga token ng quota
- Puwede kang tumingin ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng pag-click sa icon ng impormasyon. Kasama rito ang:
- IP ng user: Ang IP ng user ng Google Analytics na nag-access sa data ng pag-uulat ng Google Analytics.
- Uri ng ulat: Ang uri ng data ng pag-uulat na na-access ng user ng Google Analytics. Kasama sa mga posibleng value ang 'Reporting,' 'Realtime,' 'Free form exploration,' 'Funnel exploration,' at iba pa.
- Ibinalik na data ng gastos: Nagbabalik ng true kung ibinalik ang data ng gastos sa ulat na ito. Kung hindi, magbabalik ito ng false. Hindi makakita ng mga sukatan ng gastos ang mga user ng Google Analytics na may paghihigpit na 'Walang Sukatan ng Gastos.' Palaging magiging false ang dimensyong ito habang aktibo ang paghihigpit na iyon. Para matuto pa, tingnan ang Pamamahala sa access at paghihigpit sa data.
- Ibinalik na data ng kita: Nagbabalik ng true kung ibinalik ang data ng kita sa ulat na ito. Kung hindi, magbabalik ng false ang dimensyong ito. Hindi makakakita ng mga sukatan ng kita ang mga user ng Google Analytics na may paghihigpit na 'Walang Sukatan ng Kita.' Palaging magiging false ang dimensyong ito habang aktibo ang paghihigpit na iyon. Para matuto pa, tingnan ang Pamamahala sa access at paghihigpit sa data.
- Ipinapakita ng tab na Huling oras ng pag-access kung kailan huling na-access ng bawat user ang data. Kasama rito ang:
- Email ng user: Ang email ng user ng Google Analytics na nag-access sa data ng pag-uulat ng Google Analytics. Pinapayagan ng ibang pag-integrate ang mga user na i-access ang data ng pag-uulat ng Google Analytics sa pamamagitan ng pag-integrate nang walang direktang access ang user sa property; sa sitwasyong iyon, magbabalik ang 'userEmail' ng, halimbawa, 'Naka-link na User ng Google Ads' depende sa pag-integrate.
- Pinakakamakailang oras ng pag-access: Ang pinakakamakailang timestamp ng pag-access.