Ang ulat sa performance sa Google Ads ay isang nagawa nang ulat ng detalye na nagpapakita kung gaano kaepektibo ang mga Google Ads campaign mo sa pag-drive ng mga conversion sa iyong website o app.
Bago ka magsimula
- Dapat na nangongolekta ng data ang iyong property sa Google Analytics 4.
- Kailangan mong magmarka ng kahit man lang isang event bilang event ng conversion.
- Kailangan mong i-link ang iyong Google Ads account sa property mo.
Tingnan ang ulat
- Mag-sign in sa Google Analytics.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Pag-advertise.
- Sa kaliwa, pumunta sa Performance > Google Ads.
Mga dimensyon sa ulat
Kasama sa ulat ang mga sumusunod na dimensyon. Kung isa kang Editor o Administrator, puwede kang magdagdag o mag-alis ng mga dimensyon sa ulat.
| Dimensyon | Ano ito | Paano ito pino-populate |
|---|---|---|
| Pangalan ng Google Ads account | Nagpapakita ng pangalan ng account na nauugnay sa Google Ads campaign. | Para malaman kung paano i-populate ang dimensyong ito, tingnan ang Mga dimensyon ng source ng trapiko, manual na pag-tag, at auto-tagging. |
| Google Ads ad group ID | Ipinapakita ang ad group ID na nauugnay sa Google Ads campaign. | Pino-populate ang dimensyong ito kapag matagumpay mong na-link ang iyong Google Ads account sa property mo. |
| Pangalan ng ad group sa Google Ads | Nagpapakita ng pangalan ng ad group na nauugnay sa Google Ads campaign. | Para malaman kung paano i-populate ang dimensyong ito, tingnan ang Mga dimensyon ng source ng trapiko, manual na pag-tag, at auto-tagging. |
| Uri ng ad network sa Google Ads | Ang lokasyon kung saan ipinakita ang iyong ad (google.com, mga partner sa paghahanap, display network). | Para malaman kung paano i-populate ang dimensyong ito, tingnan ang Mga dimensyon ng source ng trapiko, manual na pag-tag, at auto-tagging. |
| Google Ads campaign | Nagpapakita ng campaign na nauugnay sa Google Ads campaign. | Para malaman kung paano i-populate ang dimensyong ito, tingnan ang Mga dimensyon ng source ng trapiko, manual na pag-tag, at auto-tagging. |
| Google Ads campaign ID | Nagpapakita ng natatanging identifier na nakatalaga sa campaign sa Google Ads. | Pino-populate ang dimensyong ito kapag matagumpay mong na-link ang iyong Google Ads account sa property mo. |
| Customer ID sa Google Ads | Ipinapakita ang customer ID na nauugnay sa Google Ads campaign. | Pino-populate ang dimensyong ito kapag matagumpay mong na-link ang iyong Google Ads account sa property mo. |
| Text ng keyword sa Google Ads | Nagpapakita ng keyword na nauugnay sa Google Ads campaign. | Para malaman kung paano i-populate ang dimensyong ito, tingnan ang Mga dimensyon ng source ng trapiko, manual na pag-tag, at auto-tagging. |
| Query sa Google Ads | Nagpapakita ng query sa paghahanap na nauugnay sa Google Ads campaign. | Para malaman kung paano i-populate ang dimensyong ito, tingnan ang Mga dimensyon ng source ng trapiko, manual na pag-tag, at auto-tagging. |
Mga sukatan sa ulat
Kasama sa ulat ang mga sumusunod na sukatan. Kung isa kang Editor o Administrator, puwede kang magdagdag o mag-alis ng mga sukatan sa ulat.
| Sukatan | Ano ito | Paano ito pino-populate |
|---|---|---|
| Mga pag-click sa mga ad | Ang kabuuang dami ng beses na nag-click ang mga user sa iyong campaign ng pag-advertise sa pamamagitan ng platform ng Google Ads. | Awtomatikong mapo-populate ang sukatang ito kapag ni-link mo ang Google Ads at Analytics. |
| Gastusin sa mga ad | Ang kabuuang halagang binayaran mo para sa iyong campaign ng pag-advertise sa pamamagitan ng platform ng Google Ads. | Awtomatikong mapo-populate ang sukatang ito kapag ni-link mo ang Google Ads at Analytics. |
| Cost per click sa mga ad | Ang average na gastos na binayaran mo sa bawat pag-click para sa iyong campaign ng pag-advertise. | Awtomatikong mapo-populate ang sukatang ito kapag ni-link mo ang Google Ads at Analytics. |
| Mga Conversion | Ang dami ng beses na nag-trigger ng event ng conversion ang mga user. | I-populate ang sukatang ito sa pamamagitan ng pagmamarka sa isang event bilang conversion. |
| Cost per conversion | Ang cost per conversion, na kinakalkula bilang kabuuang gastos na hinati sa bilang ng (mga) napiling conversion. | Awtomatikong mapo-populate ang sukatang ito kapag ni-link mo ang Google Ads at Analytics. |
| Return on ad spend | Ang kabuuang halaga ng kita sa bawat pisong ginastos sa pag-advertise. | Awtomatikong mapo-populate ang sukatang ito kapag ni-link mo ang Google Ads at Analytics. |
| Kabuuang kita | Ang kabuuang kita mula sa mga pagbili, in-app na pagbili, subscription, at kita sa ad. |
Ang sukatang ito ay ang kabuuan ng mga event na purchase, in_app_purchase, app_store_subscription_renew, at app_store_subscription_convert, pati na rin ng kita sa ad, na pino-populate sa pamamagitan ng pag-integrate ng Google AdMob, pag-integrate ng Google Ad Manager, o pagpapadala ng event na ad_impression mula sa pag-integrate ng third-party. Mahalaga: Kapag sine-set up ang event ng pagbili, tiyaking nagbibigay ka ng mga value para sa mga parameter ng value at currency. Kung hindi, hindi ka makakakita ng data ng pagbili para sa sukatang Kabuuang kita.
|