Ang ulat sa performance sa Campaign Manager 360 ay isang nagawa nang ulat ng detalye na nagpapakita kung gaano kaepektibo ang mga Campaign Manager 360 campaign mo sa pag-drive ng mga conversion sa iyong website o app.
Bago ka magsimula
- Dapat na nangongolekta ng data ang iyong property sa Google Analytics 4.
- Kailangan mong magmarka ng kahit man lang isang event bilang event ng conversion.
- Kailangan mong i-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo.
Tingnan ang ulat
- Mag-sign in sa Google Analytics.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Pag-advertise.
- Sa kaliwa, pumunta sa Performance > Campaign Manager 360.
Mga dimensyon sa ulat
Puwede kang pumili sa mga sumusunod na dimensyong partikular sa CM360 bilang mga pangunahin at secondary na dimensyon.
| Dimensyon | Ano ito | Paano ito pino-populate |
|---|---|---|
| CM360 account ID | Ipinapakita ang account ID na nauugnay sa Campaign Manager 360 campaign. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Pangalan ng CM360 account | Ipinapakita ang pangalan ng account na nauugnay sa Campaign Manager 360 campaign. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| CM360 advertiser ID | Ipinapakita ang natatanging identifier na nakatalaga sa advertiser o brand na namamahala ng mga campaign sa CM360. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Pangalan ng advertiser sa CM360 | Nagpapakita ng pangalan ng isang organisasyong namamahala ng mga campaign sa CM360. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| CM360 campaign ID | Ipinapakita ang natatanging identifier na nakatalaga sa campaign sa CM360. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Pangalan ng CM360 campaign | Nagpapakita ng pangalan ng campaign sa CM360. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Format na creative sa CM360 | Ipinapakita ang format na creative ng campaign sa CM360. Ang format na creative ay ang partikular na layout o disenyo ng advertisement na ginagamit sa isang campaign, na nagdidikta sa kung paano lalabas ang advertisement sa isang website o app. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| CM360 creative ID | Ipinapakita ang creative ID ng campaign sa CM360. Ang creative ID ay isang natatanging identifier na nakatalaga sa bawat ad creative sa CM360. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Pangalan ng creative sa CM360 ng session | Nagpapakita ng pangalan o pamagat ng creative ng campaign sa CM360. Ang pangalan ng creative ay isang natatanging pangalan na tinukoy mo para sa bawat creative sa CM360. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Pangalan ng uri ng creative sa CM360 ng session | Nagpapakita ng pangalang nakatalaga sa isang uri o format ng creative sa CM360 campaign mo. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Bersyon ng creative sa CM360 ng session | Nagpapakita ng bersyon ng creative ng ad. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Medium sa CM360 | Ipinapakita ang kategorya ng advertising channel o platform na ginagamit para maghatid ng campaign. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| CM360 placement ID | Ipinapakita ang isang natatanging identifier para sa bawat placement ng ad sa campaign mo. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Pangalan ng placement sa CM360 | Ipinapakita ang isang pangalan para sa bawat placement ng ad sa campaign mo. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| CM360 rendering ID | Ipinapakita ang isang natatanging identifier para sa kung paano at saan nire-render ang isang ad creative. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| CM360 site ID | Ipinapakita ang isang natatanging identifier para sa website o app mo kung saan lumabas ang ad mo. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Pangalan ng site sa CM360 | Nagpapakita ng pangalan para sa iyong website o app kung saan ipinakita ang ad mo. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Source sa CM360 | Ipinapakita ang provider ng data. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Source / medium sa CM360 | Ipinapakita ang kategorya ng advertising channel o platform na ginagamit para maghatid ng campaign at ang provider ng data. | Lumalabas ang dimensyon sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
Mga sukatan sa ulat
Kasama sa ulat ang mga sumusunod na sukatan. Kung isa kang Editor o Administrator, puwede kang magdagdag o mag-alis ng mga sukatan sa ulat.
| Sukatan | Ano ito | Paano ito pino-populate |
|---|---|---|
| Mga pag-click sa mga ad | Ang kabuuang dami ng beses na nag-click ang mga user sa iyong campaign ng pag-advertise. | Lumalabas ang sukatan sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Gastusin sa mga ad | Ang kabuuang halagang binayaran mo para sa iyong campaign ng pag-advertise. Katumbas ito ng gastos ng media sa CM360. | Lumalabas ang sukatan sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Cost per click sa mga ad | Ang average na gastos na binayaran mo sa bawat pag-click para sa iyong campaign ng pag-advertise. | Lumalabas ang sukatan sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Mga Conversion | Ang dami ng beses na nag-trigger ng event ng conversion ang mga user. | I-populate ang sukatang ito sa pamamagitan ng pagmamarka sa isang event bilang conversion. |
| Cost per conversion | Ang cost per conversion, na kinakalkula bilang kabuuang gastos na hinati sa bilang ng (mga) napiling conversion. | Lumalabas ang sukatan sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Return on ad spend |
Ang kabuuang halaga ng kita sa bawat pisong ginastos sa pag-advertise. |
Lumalabas ang sukatan sa ulat kapag matagumpay mong na-link ang iyong configuration ng Floodlight sa Campaign Manager 360 sa property mo. |
| Kabuuang kita | Ang kabuuang kita mula sa mga pagbili, in-app na pagbili, subscription, at kita sa ad. |
Ang sukatang ito ay ang kabuuan ng mga event na purchase, in_app_purchase, app_store_subscription_renew, at app_store_subscription_convert, pati na rin ng kita sa ad, na pino-populate sa pamamagitan ng pag-integrate ng Google AdMob, pag-integrate ng Google Ad Manager, o pagpapadala ng event na ad_impression mula sa pag-integrate ng third-party. Mahalaga: Kapag sine-set up ang event ng pagbili, tiyaking nagbibigay ka ng mga value para sa mga parameter ng value at currency. Kung hindi, hindi ka makakakita ng data ng pagbili para sa sukatang Kabuuang kita.
|