Ang landing page ay ang unang page na makikita ng isang bisita kapag dumating siya sa iyong website. Ang landing page ay puwedeng kahit anong page sa website mo (gaya ng iyong homepage, mga page ng produkto, mga form para sa pag-sign up, mga post sa blog, o anupamang page) kung saan unang napupunta ang mga user.
Ipinapakita ng ulat sa Landing page ang unang page na napupuntahan ng mga bisita kapag binisita nila ang iyong website at kung ilang bisita ang napupunta sa bawat page. Binibilang ng Google Analytics ang anumang page na nabisita nang kahit isang beses sa tinukoy na hanay ng petsa at may Google tag na naka-install nang tama.