Gumawa ng mga custom na sukatan para magsuri ng mga numerong value mula sa mga parameter ng event. Kung sinusukat ng isang parameter ng event ang dami o dalas ng isang pagkilos, ginagawang mga praktikal na insight ng mga custom na sukatang ito ang mga bilang na iyon. Gayunpaman, para sa categorical data gaya ng kung anong text ang na-click o kung aling page ang tiningnan, mas naaangkop ang pagpili ng event-scoped na custom na dimensyon.
Laging event-scoped ang mga custom na sukatan.
Bago ka magsimula
- Huwag gumawa ng custom na parameter ng event kung mayroon nang naka-predefine na sukatan.
- Idagdag ang custom na parameter ng event sa iyong website o mobile app.
- Siguraduhing kinokolekta ang custom na parameter ng event. Halimbawa, puwede kang pumili ng event sa card na Bilang ng event ayon sa Pangalan ng event sa Realtime na ulat.
- Siguraduhin na editor o administrator ka.
Mga Tagubilin
- Sa Admin, sa ilalim ng Display ng data, i-click ang Mga custom na pagtukoy.
Tandaan: Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Naka-sign in ka dapat sa isang Google Account para mabuksan mo ang property. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Editor o mas mataas sa level ng property para gumawa ng mga custom na sukatan.
- Piliin ang tab na Mga custom na sukatan
- I-click ang Gumawa ng custom na sukatan.
- Kumpletuhin ang mga sumusunod na field:
Field Paglalarawan Pangalan ng sukatan Maglagay ng natatanging pangalan para sa bagong dimensyon. Lalabas ang pipiliin mong pangalan sa iyong mga ulat at platform ng ad.
Hindi ka puwedeng gumamit ng mga gitling sa pangalan, pero puwede kang gumamit na lang ng mga underscore at space.
Paglalarawan Opsyonal na text na ginagamit para tukuyin ang custom na sukatan. Parameter ng event Ilagay ang pangalan ng custom na parameter ng event sa code ng iyong website o app.
Hindi mo mababago ang field na ito pagkatapos mong i-save ang bagong dimensyon.
Unit ng pagsukat Currency
Kapag pinili mo ang Currency, dapat mo ring tukuyin kung ang custom na sukatan ay isang sukatan ng gastos at/o kita sa ilalim ng Uri ng data. Kapag tinukoy mo ang custom na sukatan bilang sukatan ng gastos at/o kita, puwede mong paghigpitan ang access dito kapag nag-configure ka ng mga tungkulin ng user na naghihigpit sa access sa mga sukatan ng gastos at/o kita.
Layo (Talampakan, Milya, Metro, Kilometro)
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga opsyong ito na paghambingin ang mga layo gamit ang iba't ibang unit ng pagsukat. Halimbawa, puwede kang maghambing ng sukatang nasa metro sa isang sukatang nasa kilometro.
Oras (Millisecond, Segundo, Minuto, Oras)
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga opsyong ito na paghambingin ang mga oras gamit ang iba't ibang unit ng pagsukat. Halimbawa, puwede kang maghambing ng sukatang nasa segundo sa isang sukatang nasa minuto.
- I-click ang I-save.
Halimbawa
Bukod pa sa mga inirerekomendang parameter ng event para sa event na level_end, magdaragdag ka ng parameter ng event na value na nagbibilang sa dami ng puntos na nakuha ng isang tao noong nakumpleto niya ang isang level. Para masuri ang parameter ng event na value, gagawin mo ang sumusunod na custom na sukatan:
- Pangalan ng sukatan: Mga puntos pagkatapos ng level
- Paglalarawan: Ang bilang ng mga puntos sa katapusan ng isang level
- Parameter ng event: value
- Unit ng pagsukat: Standard
Mga susunod na hakbang
Suriin ang sukatan sa isang ulat
Suriin ang sukatan sa isang pag-explore
- Sa Google Analytics, i-click ang I-explore sa kaliwa.
- Gumawa o magbukas ng free-form na pag-explore.
- Sa column na Mga Variable sa kaliwa, i-click ang + sa tabi ng Mga Sukatan.
- I-click ang tab na Custom sa itaas.
- Piliin ang custom na sukatan.
- I-click ang I-import.
- I-drag ang sukatan mula sa column na Mga Variable.
- I-drop ang sukatan sa Mga Value sa column na Mga Setting.