Para gumawa ng mas simple at mas intuitive na experience sa paraan ng pagsukat at pag-uulat ng mga conversion sa Google Ads at Analytics, pag-iisahin namin kung paano tinutukoy ang mga conversion.
Dati, ang pagsukat sa mahahalagang event na minarkahan bilang mga conversion sa Analytics ay iba sa kung paano sinusukat ang mga conversion sa Google Ads, na humahantong sa mga pagkakaiba sa Google Ads at Analytics.
Mula ngayon, tatawagin nang 'mga pangunahing event' ang mga event na sumusukat sa mga aksyong mahalaga sa tagumpay ng iyong negosyo. Puwede mong gamitin ang data ng gawi mula sa iyong mga pangunahing event para pagandahin ang experience ng user sa iyong mga website at app.
Tumutukoy na ngayon ang 'conversion' sa isang mahalagang pagkilos na gusto mong gamitin para sukatin ang performance ng iyong mga campaign ng ad at i-optimize ang strategy mo sa pag-bid. Sa pamamagitan ng magkatugmang kahulugan ng 'conversion' sa Google Ads at Analytics, sa unang pagkakataon, makakakita ka na ngayon ng consistent na mga sukatan sa performance na batay sa conversion sa mga ulat sa Google Ads at Analytics.
Manood ng video: Inilalarawan ng video na ito ang update sa mga conversion sa Google Analytics, kasama ang ilang background na konteksto at paglalarawan ng kung ano ang magbabago. Basahin ang isinaling transcript ng video.
Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.
Mga pangunahing event
Ang pangunahing event ay isang event na nagsusukat ng aksyong partikular na mahalaga sa tagumpay ng iyong negosyo. Kapag may nag-trigger sa event sa pamamagitan ng pagsasagawa sa aksyon, ire-record ang pangunahing event sa Google Analytics at ipapakita ito sa iyong mga ulat sa Google Analytics.
Puwedeng maging pangunahing event ang anumang event na kokolektahin mo. Para sukatin ang isang mahalagang event, gumawa o magtukoy ng event na sumusukat ng aksyon at pagkatapos ay markahan ang event bilang pangunahing event. Pagkatapos mong markahan ang event bilang pangunahing event, makikita mo kung ilang user ang magsasagawa ng aksyon at masusuri mo ang performance ng marketing sa lahat ng channel na naghihikayat sa mga user na isagawa ang aksyon.
Ipinapakita ng sumusunod na flow kung paano markahan ang isang event bilang pangunahing event. Sa madaling salita, kung mahalaga ang isang event para sa tagumpay ng iyong negosyo, puwede mong markahan ang event bilang pangunahing event sa Analytics.
Event → Pangunahing Event
Halimbawa
Mahalagang malaman kapag nag-scroll ang isang user hanggang 90% ng isang page sa pagbuo ng lead sa iyong website. Kapag nag-scroll ang isang user hanggang 90% ng page, alam mo na nabasa ng user ang page at natingnan niya ang form sa pag-sign up. Sa halimbawang ito, puwede mong tukuyin ang event na 'scroll' sa page na Mga pangunahing event sa Admin at pagkatapos ay markahan ang event bilang pangunahing event, na magbibigay sa iyo ng mas pinahusay na pag-uulat ayon sa gawi.Mga Conversion
Ang conversion ay ginagawa mula sa isang pangunahing event ng Google Analytics at nagbibigay ito ng consistent na paraan ng pagsukat ng mahahalagang aksyon sa Google Analytics at Google Ads. Makakatulong sa iyo ang conversion na mapahusay ang iyong strategy sa pag-market sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga consistent na bilang ng conversion sa iba't ibang platform para ma-optimize mo ang iyong mga campaign ng ad. Hindi tulad ng mga pangunahing event, kwalipikado ang mga conversion para sa pag-bid at pag-uulat sa Google Ads. Sa pamamagitan ng conversion sa Google Analytics, magagawa mo ring sukatin ang mahahalagang aksyon na nagmumula sa mga organic channel tulad ng search, email, at social para sa mga sitwasyon ng paggamit ng pagsukat ng campaign na cross-channel.
Ipinapakita ng sumusunod na flow kung paano gumawa ng conversion mula sa isang pangunahing event ng Google Analytics. Sa madaling salita, kung mahalaga ang isang event para sa tagumpay ng iyong negosyo, puwede mong markahan ang event bilang pangunahing event sa Analytics. Pagkatapos, kung mahalaga ang pangunahing event para sa pag-optimize ng mga campaign ng ad at pagsukat ng performance ng mga ito, gumawa ng conversion sa Google Ads mula sa pangunahing event ng Analytics.
Event → Pangunahing Event → Conversion
Matuto pa tungkol sa paggawa ng mga conversion.
- Nire-require ang isang naka-link na Google Ads account para gumawa ng bagong conversion sa Google Analytics mula sa isang pangunahing event.
- Puwede kang gumawa ng conversion sa Google Analytics na ginagawang available ang conversion sa Google Ads.
Example
In addition to marking the 'scroll' event as a key event, you want to mark the 'generate_lead' event as a key event. While you could use the 'scroll' event to inform your Google Ads strategy, you may want to use the 'generate_lead' event instead because the 'generate_lead' event will inform you of when users complete the sign-up form on the lead-generation page, not just when they scroll through the form.
After you mark the 'generate_lead' event as a key event, you can create a Google Ads conversion based on the Google Analytics key event to optimize your marketing strategy. When you create the Google Ads conversion, a conversion is also created in Google Analytics and shared between the two platforms.
Ang dapat mong gawin ngayon
Wala kang kailangang gawin sa kasalukuyan mong setup. Ginagawa at inuulat ang mga pangunahing event sa paraang kapareho ng sa mga legacy na conversion sa Google Analytics, na nagbibigay-daan sa iyong patuloy na i-highlight ang mga event na mahalaga sa negosyo mo. At kapag gusto mo nang isaad na mahalaga ang isang event sa iyong negosyo, puwede mo na ngayong markahan ang event bilang pangunahing event.
Kung dati kang nag-e-export ng mga legacy na conversion mula sa Google Analytics papunta sa Google Ads para sa pag-bid, hindi kailangang baguhin ang iyong mga kasalukuyang conversion na na-export sa Google Ads, at hindi mo kailangang gumawa ng anumang update sa iyong setup ng pag-bid.
Sa ngayon, kung mayroon kang naka-link na Google Ads account, lumalabas bilang mga conversion sa seksyong Pag-advertise sa Google Analytics ang mga conversion sa Google Ads na ginawa mula sa mga pangunahing event sa Analytics. Puwede mong gamitin ang ulat na "Performance ng conversion" para makita ang mga sukatan ng conversion at suriin ang performance ng conversion mo. Puwede mo ring gamitin ang page na "Pamamahala ng conversion" para pamahalaan ang iyong mga conversion sa Google Ads. Ang mga conversion sa Google Ads ay hindi lalabas sa mga karaniwang ulat sa Google Analytics.
Puwede kang gumawa ng mga bagong conversion sa Google Ads batay sa mga pangunahing event sa Google Analytics sa pamamagitan ng interface ng Google Ads at Google Analytics. Matuto pa tungkol sa paggawa ng mga conversion sa Google Ads batay sa mga pangunahing event sa Google Analytics.
Puwede mo ring patuloy na i-access ang iyong dating data ng conversion bilang data ng pangunahing event, na nagbibigay-daan sa iyong tingnan ang mga year over year na paghahambing. Gayunpaman, walang dating data na nauugnay sa mga conversion sa Google Ads na ibinahagi sa Google Analytics.
Mga madalas itanong
Bakit nire-rename sa mga pangunahing event ang mga conversion?
Iniayon namin kung paano namin binibigyang-kahulugan ang terminong 'conversion' sa Google Ads at Analytics para gawing mas simple ang pagsukat sa performance ng iyong mga Google Ads campaign sa dalawang platform. Sa update na ito, parehong mga sukatan sa performance sa Google Ads na ang makikita mo, ikaw man ay tumitingin sa mga ulat sa Google Ads o sa Google Analytics.
Bukod pa rito, naghahatid ang pagbabagong ito ng mas maraming advanced na kakayahan sa pag-uulat sa Google Analytics 4, para masukat mo ang iyong performance sa Google Ads nang direkta sa Google Analytics.
Panghuli, sinimulan naming gamitin ang terminong 'mga pangunahing event' para patuloy mong mapahusay ang iyong produkto at mapaganda ang experience ng user batay sa mga aksyong pinakamahalaga sa iyong negosyo.
Pareho ba ang mga setting ng attribution ng mga pangunahing event at conversion?
Makikita mo ang mga setting ng attribution para sa mga pangunahing event (dating tinatawag na mga conversion) sa page na Mga setting ng attribution sa Admin. Mula roon, puwede mong baguhin ang modelo ng attribution ng pag-uulat at ang lookback window ng pangunahing event.
- Naaapektuhan ng modelo ng attribution ng pag-uulat kung paano kine-credit ang mga pangunahing event sa mga ulat sa gawi at performance.
- Tinutukoy ng lookback window ng pangunahing event kung gaano kalayo sa nakaraan kwalipikado ang isang interaction para sa credit sa attribution.
Sa update na ito, puwede mong baguhin kung paano inuulat ang mga conversion sa Google Analytics sa pamamagitan ng seksyong Mga channel na puwedeng makatanggap ng credit sa page na Mga setting ng attribution. Mula roon, puwede mong piliin kung isasama sa iyong mga ulat sa Google Analytics ang mga conversion mula sa mga bayad at organic na source, o kung gusto mo lang makita ang mga conversion mula sa Google Ads sa iyong mga ulat sa Google Analytics.
Paano ako gagawa ng mga conversion sa Google Ads mula sa mga pangunahing event ng Google Analytics?
Dati, kapag gusto mong mag-bid sa iyong legacy na data ng conversion, puwede mong i-import ang mga legacy na conversion sa Google Ads para magamit mo ang mga iyon para sa pag-uulat at pag-bid sa Google Ads.
Mula ngayon, puwede kang gumawa ng mga conversion sa Google Ads batay sa iyong mga pangunahing event sa Google Analytics sa pamamagitan ng interface ng Google Ads at Google Analytics. Para sa bawat pangunahing event, puwede kang gumawa ng isang web conversion at isang conversion sa app sa bawat naka-link na Google Ads account.
Halimbawa, kung mamarkahan mo ang event na 'generate_lead' bilang pangunahing event, at ipapasya mong gumawa ng web conversion at conversion sa app sa iyong apat na naka-link na Google Ads account, gagawa ka ng walong conversion sa iyong apat na naka-link na account batay sa pangunahing event na 'generate_lead.'
Puwede ba akong gumamit ng mga hindi pangunahing event para gumawa ng conversion?
Ilang conversion sa Google Ads ang magagawa ko?
Paano ko mae-edit ang mga setting ng mga conversion sa Google Ads?
Puwede mong ma-edit ang karamihan sa mga setting ng iyong conversion sa Google Ads sa pamamagitan ng interface ng Google Ads at Google Analytics. Makakatulong itong magpanatili ng consistency at bawasan ang panganib ng mga pagkakaiba-iba sa data.
Hindi mo mae-edit ang kategorya ng layunin at pag-optimize ng aksyon ng mga aksyon na conversion sa pamamagitan ng interface ng Google Analytics. Maa-update lang ang mga setting na ito sa Google Ads. Lalabas lang ang mga gagawing update na may kaugnayan sa conversion sa pamamagitan ng interface ng Google Analytics sa page na “History ng pagbabago” ng Google Ads.
Matuto pa tungkol sa pag-edit ng mga setting ng conversion mo sa pamamagitan ng interface ng Google Ads at Google Analytics.