Pag-advertise at attribution

[GA4] Nawawalang data ng Google Ads sa property sa Google Analytics 4

Mga hakbang sa pag-troubleshoot kapag na-link mo ang Google Ads at Google Analytics 4 pero wala kang nakikitang data ng Ads sa Analytics

Pagkatapos mong i-link ang iyong Google Ads account sa property mo sa Google Analytics 4, dapat maging available ang data ng Google Ads sa Analytics sa loob ng 48 oras. Makikita ang data ng Google Ads sa mga sumusunod na ulat:

Kung wala kang nakikitang data ng Ads sa iyong mga ulat sa Analytics, tingnan ang mga karaniwang dahilang ito.

Mga Dahilan:

Hindi naka-link ang Google Ads account at property sa Analytics

Naka-link dapat sa iyong Google Ads account ang property mo sa Google Analytics 4 para makakita ka ng data ng Google Ads sa Analytics. Puwede mong tingnan at ayusin ang pag-link mula sa Analytics o Google Ads. Kung sa Analytics mo gagawin ang pag-link, dapat din itong makita sa Ads, at vice versa.

Tingnan sa Analytics kung naka-link ang iyong Google Ads account

  1. Sa Admin, sa ilalim ng Mga pag-link ng produkto, i-click ang Mga Pag-link sa Google Ads.
  2. Tingnan kung nakalista ang iyong Google Ads account. Kung hindi nakalista ang iyong Google Ads account, sundin ang mga tagubilin para i-link ang Google Ads at Analytics.

Tingnan sa Google Ads kung naka-link ang iyong property sa Analytics

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. I-click ang tools icon Google Ads | tools [Icon] sa kanang sulok sa itaas ng iyong account.
  3. Sa ilalim ng Setup, i-click ang Mga naka-link na account.
  4. Sa Iyong mga naka-link na account at produkto, hanapin ang Google Analytics (GA4) at Firebase, pagkatapos ay i-click ang Pamahalaan at i-link.
  5. Sa column na Property, hanapin ang iyong property sa Analytics at tingnan ang column na Status.
  6. Kung Hindi naka-link ang status, sundin ang mga tagubilin para i-link ang Google Ads at Analytics.

Wala pang 48 oras mula nang na-link mo ang Google Ads

Puwedeng abutin nang 48 oras bago lumabas ang data ng Google Ads sa Analytics. Para malaman kung kailan ginawa ang pag-link sa Google Ads:

  1. Sa Admin, sa ilalim ng Mga pag-link ng produkto, i-click ang Mga Pag-link sa Google Ads.
  2. Sa listahan ng mga naka-link na account, i-click ang arrow sa dulo ng row para sa account na gusto mong tingnan.
  3. Sa Mga detalye ng nakumpletong pag-link, hanapin ang column na Petsa ng pag-link at tingnan kung may 48 oras na ba ang nakalipas.

Hindi naka-enable ang auto-tagging

Awtomatikong ini-import ng auto-tagging sa Analytics ang data ng Google Ads. Kapag pinagsama mo ang data ng Google Ads at ang impormasyong ibinibigay ng Analytics, makikita mo kung ano ang nangyari sa iyong site pagkatapos mag-click ng mga tao sa mga ad mo.

Tingnan kung naka-enable ang auto-tagging at alamin kung paano ito i-enable.

Nawala ang parameter na GCLID ng Google Ads sa mga pag-redirect

Para subukan kung naka-attach pa rin ang parameter na GCLID sa iyong mga final URL sa Google Ads:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang Mga landing page.
  3. Kopyahin ang URL mula sa talahanayan at i-paste ito sa iyong browser, ngunit huwag i-load ang page.
  4. I-attach ang pansubok na parameter na ?gclid=TesTER-123 sa URL at pindutin ang Enter.
  5. Tingnan kung matagumpay na maglo-load ang page at kung nasa URL pa rin ang pansubok na parameter na ?gclid=TesTER-123 na nasa orihinal na anyo nito nang hindi nabago ang lahat ng simbolo at capitalization.

Kung hindi naglo-load ang page o nabago o naalis ang pansubok na parameter, baka kailangan mong baguhin ang setting ng iyong website o gumamit ng manual na pag-tag. Para matuto pa tungkol sa iyong mga opsyon, pumunta sa I-tag ang iyong mga final URL sa Google Ads at tingnan ang heading na "Espesyal na kaso."

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
12231434476159952392
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
69256
false
false
false
false