Data ng conversion path ng segment

Nagbibigay-daan sa iyo ang Mga Segment ng Conversion na magbukod at magsuri ng mga partikular na hanay ng mga conversion path sa iyong ulat sa Mga Multi-Channel Funnel. Halimbawa, maaari kang gumawa ng Segment ng Conversion na nagsasama lang ng mga funnel kung saan ang unang pakikipag-ugnayan ay isang conversion na mas mataas sa isang partikular na halaga. Pagkatapos ay maaari mong i-browse ang iyong mga ulat sa Mga Multi-Channel Funnel, tinitingnan lang ang data para sa Segment ng Conversion na ito. O maaari mong ihambing ang segment na ito sa data mula sa iba pang mga segment.

Sa artikulong ito:

Maglapat ng Mga Segment ng Conversion

Upang maglapat ng umiiral nang segment, i-click ang drop-down na menu na Mga Segment ng Conversion sa itaas ng anumang ulat sa Mga Multi-Channel Funnels. Pagkatapos ay piliin ang (mga) segment na nais mong ilapat sa iyong data.

Sa sandaling ilapat mo ang isang segment, mananatili itong aktibo habang ikaw ay lumilipat sa iyong mga ulat sa Mga Multi-Channel Funnel. Upang makita muli ang lahat ng funnel ng conversion, piliin ang segment na "Lahat ng Conversion."

Dapat kang maglapat ng Mga Segment ng Conversion, sa halip na mga na-filter na view, upang tingnan ang mga subset ng iyong mga funnel ng conversion. Ang paggamit ng na-filter na view ay maaaring magsanhi sa iyong mga ulat sa Mga Multi-Channel Funnel na maging hindi tumpak. Basahin ang Mga Filter at Mga Multi-Channel Funnel upang matuto nang higit pa.

Gumawa ng custom na Mga Segment ng Conversion

  1. Sa anumang ulat sa Mga Multi-Channel Funnel, i-click ang Mga Segment ng Conversion sa itaas ng ulat.
  2. I-click ang Gumawa ng Bagong Segment ng Conversion.
  3. Maglagay ng pangalan para sa iyong custom na Segment ng Conversion.
  4. Gamitin ang Builder ng Kundisyon upang matukoy ang mga conversion path na dapat ay kasama sa segment. Halimbawa, upang tumukoy ng isang segment na nagsasama lang ng mga conversion path na nagsisimula sa isang referral mula sa example.com, tutukuyin mo ang sumusunod na kundisyon:

    [Isama] [Unang Pakikipag-ugnayan] mula sa [Pinagmulan] [Naglalaman] example.com
     
  5. I-click ang button ng I-save ang Segment.
Sa sandaling na-save mo ang iyong segment, lalabas ito sa ilalim ng Mga Segment na Tinukoy ng User sa drop-down na Mga Segment ng Conversion. Upang ilapat ang segment, i-click lang ito.

Mag-edit o mag-delete ng custom na Segment ng Conversion

  1. Sa anumang ulat sa Mga Multi-Channel Funnel, i-click ang Mga Segment ng Conversion sa itaas ng ulat.
  2. Sa ilalim ng Mga Segment na Tinukoy ng User, hanapin ang segment na gusto mong i-edit, at i-click ang i-edit.
  3. I-edit at i-save ang segment ayon sa kagustuhan. O kaya, i-click ang I-delete ang Segment.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7560198882486552967
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false