Pag-advertise at attribution

[GA4] Magpadala ng mga postback ng SKAdNetwork sa Google Analytics

Tatalakayin sa iyo ng sumusunod na artikulo ang mga hakbang para magpadala ng mga postback ng SKAdNetwork sa Google Analytics gamit ang Protocol ng Pagsukat.

Hakbang 1: Irehistro ang mga postback ng SKAdNetwork para sa mga nauugnay na bersyon ng iOS

Bisitahin ang dokumentasyon ng Apple para sa higit pang impormasyon. Para sa mga customer na gumagamit ng SDK ng Google Analytics para sa Firebase, awtomatiko itong nirerehistro ng SDK sa ngalan ng app at puwede mong laktawan ang hakbang na ito.

Hakbang 2: Tiyaking natatanggap at nade-decode mo ang mga postback ng SKAdNetwork

Bisitahin ang dokumentasyon ng Apple para sa higit pang impormasyon. Kung hindi ka pa nag-set up ng endpoint ng SKAdNetwork, kailangan mong mag-set up nito sa pamamagitan ng pagsunod sa dokumentasyon ng Apple. 

Tandaan: Sa kasalukuyan, hindi puwedeng i-configure ang Google Analytics 4 bilang endpoint.

Kung nakapag-set up ka na ng endpoint gamit ang App Attribution Partner (AAP) na inaprubahan ng Google o isang in-house na solusyon, puwede kang lumaktaw sa hakbang 3 na gagabay sa iyo sa proseso ng pagdidirekta ng mga resulta sa Google Analytics gamit ang Protocol ng Pagsukat.

Hakbang 3: Idirekta ang mga resulta ng postback sa Google Analytics gamit ang Protocol ng Pagsukat

Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng custom na event na campaign_details sa Google Analytics sa pamamagitan ng Protocol ng Pagsukat gamit ang sumusunod na schema (halimbawa codelab). 

Pagpapatupad ng Protocol ng Pagsukat ng SKAdNetwork ng Google Analytics 4

Kinakailangan ang lahat ng parameter maliban na lang kung tinukoy na opsyonal.

Mga parameter sa level ng kahilingan

Parameter Higit pang impormasyon
firebase_app_id: {gmp_app_id}
  • Sa Google Analytics 4, mag-navigate papunta sa Admin > Mga Stream ng Data > piliin ang iyong stream > Firebase App ID.

  • Itakda sa labas ng payload.

api_secret: {api_secret}
  • Para gumawa ng bagong secret, mag-navigate papunta sa Admin > Mga Stream ng Data > piliin ang iyong stream > Protocol ng Pagsukat > Gumawa sa Google Analytics 4.

  • Itakda sa labas ng payload.

timestamp_micros: {timestamp of received SKAN postback} 
  • Opsyonal pero kung ibinigay, dapat nasa loob ng nakalipas na 72 oras. Kung hindi ibinigay, gagamit ng timestamp ng koleksyon.

  • 30 araw ang palugit ng mga pangunahing event sa Google Analytics 4 para sa mga event ng pagkuha. Mahalagang ipadala ang iyong mga postback sa lalong madaling panahon para sa mas tumpak na pag-uulat.

app_instance_id: {...}

Kinakailangan. Bumuo ng natatanging string ng mga random number. Idi-discard ang partikular na string ng ID na ito para sa mga aktwal na app instance ID kapag ginamit na ang data na ito sa pagmomodelo ng conversion.



 

Event sa GA

Event Higit pang impormasyon 
campaign_details Custom na event.

Mga parameter ng GA (kasalukuyan)

Parameter Higit pang impormasyon
source: {source}

Ito ang mga parameter na ginagamit sa manual na pag-tag. Binuo ang pag-uulat ng Google Analytics gamit ang Mga Default na Paggrupo ng Channel ng Google Analytics 4. Iminumungkahi naming gamitin ang mga ito bilang gabay para ikategorya ang bawat parameter. Ipadala ang mga parameter na ito para sa lahat ng postback na hindi Google.

Halimbawa:

Postback ng Facebook:

  • source: facebook
  • medium: cpc|cpm
  • content: ad_version_name
  • campaign: Facebook Spring 22 Campaign 
  • campaign id: pareho mula sa SKAN postback

Para sa mga postback ng Google, ide-decode namin ang mga campaign batay sa pag-integrate ng iyong property sa Google Ads. Samakatuwid, opsyonal ang mga parameter sa itaas para sa mga postback ng Google. Dapat mong tiyaking naka-link ang iyong property sa Google Analytics 4 sa mga account sa pag-advertise ng Google Ads mo. 

Tandaan: Mahalagang ipadala sa Google Analytics 4 ang lahat ng iyong postback ng SKAdNetwork, hindi lang ang mga hindi Google.
medium: {medium}
term: {term}  Opsyonal
content: {content}  Opsyonal
campaign_id: {campaign_id} Value mula sa postback ng SKAdNetwork.
campaign: {campaign}  opsyonal pero kung wala ito, ipapakita bilang (not set)

Para sa mga Google Ads campaign, ide-decode namin ang ID at ibibigay ang pangalan ng campaign batay sa iyong pag-link ng Google Analytics at Google Ads at ia-update ang mga parameter ng source at medium. Kung hindi naka-link ang iyong mga account, hindi namin ide-decode ang mga Google campaign ID at gagamitin namin ang mga tinukoy na parameter ng source at medium.

Para sa mga hindi Google Ads campaign, puwede mong i-decode at ibigay ang mga pangalan ng campaign. Kung hindi mo ito alam, puwede mong kopyahin ang iyong campaign_id ng SKAdNetwork.

Tandaan: Kung hindi ibinigay, ipapakita ito bilang (not set).

source_platform: “apple_skan” Mahalaga: Dapat mong eksaktong tukuyin ang string na ito, na sinusunod ang capitalization at _.
app_id: {app_id}

Value mula sa postback ng SKAdNetwork. Ito ang iyong app bundle id.

transaction_id: {transaction_id} Value mula sa postback ng SKAdNetwork.

Mga kinakailangang bagong parameter

Tandaan: Puwedeng i-set up ang mga bagong parameter na ito sa user interface ng Google Analytics 4, gayunpaman, hindi ito kinakailangan. Kung gusto mong makakita ng partikular na pag-uulat ng custom na dimensyon batay sa mga parameter na ito, kailangang irehistro ang mga ito sa Google Analytics 4.

Parameter Higit pang impormasyon
version: {version} Value mula sa postback ng SKAdNetwork
conversion_value: {conversion_value} Value mula sa postback ng SKAdNetwork
fidelity_type: {fidelity_type} Value mula sa postback ng SKAdNetwork.
attribution_signature: {attribution_signature}

Value mula sa postback ng SKAdNetwork.

Tandaan: Isa itong panseguridad na feature. Nilagdaan sa cryptographic na paraan ang mga postback ng SKAdNetwork.

redownload: {redownload} Value mula sa postback ng SKAdNetwork.
source_app_id: {source_app_id}

Value mula sa postback ng SKAdNetwork.

Tandaan: Ito ang ID ng app kung saan na-click ang ad na humantong sa pag-install.

did_win: {did_win}

Value mula sa postback ng SKAdNetwork.

Tandaan: Mga nanalong postback lang ang natatanggap ng mga advertiser. Kung saan matatanggap ng Mga AdTech ang kanilang nanalong postback at runner-up/tumulong na postback. 

 

ad_network_id: {ad_network_id}

Kung saan kinakatawan ng {ad_network_id} ang value sa postback.

Value mula sa postback ng SKAdNetwork.

Ipinapakita nito ang ad network na nagpakita sa iyong ad. Kapaki-pakinabang ring impormasyon ito para sa dimensyon ng trapiko na “source.”

 

Hakbang 4: I-verify na natatanggap ang mga hit ng Marketing Platform

Hindi direktang ipinapakita sa Google Analytics ang mga event na campaign_details. Sa halip, ang mga postback ng SKAdNetwork ay ginagawang mga event at ini-integrate sa mga pangunahing event na first_open at pag-uulat ng event. Puwedeng i-segment ang mga ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng platform ng source ng dimensyon (platform ng source = SKAN).

Kung gusto mong kumpirmahing ipinapadala ang mga hit, inirerekomenda naming i-log mo ang mga pansubok na event sa pamamagitan ng pag-duplicate sa mga event na campaign_details gamit ang ibang pangalan ng event (ibig sabihin, campaign_details_skan_test). Pagkatapos ay puwede mo nang i-verify na lumalabas ang mga pansubok na event sa Realtime na ulat ng Google Analytics 4. Kung irerehistro mo ang pansubok na event at mga parameter, lalabas ang mga iyon sa ad hoc na pag-uulat bukod pa sa realtime.

Mga Paalala:
  • Kung gusto mong lumabas sa pag-uulat ang lahat ng iyong postback ng SKAdNetwork, bukod pa sa pagpapadala sa bawat isa bilang event na campaign.details, dapat mong irehistro ang duplicate na event at mga parameter tulad ng binanggit sa itaas. Kung gagawin mo ito, dapat pa ring ipadala ang mga postback ng SKAdNetwork gamit ang event na campaign.details. Kung hindi, hindi makikila ng Google Analytics ang mga iyon at hindi ito makakapagsagawa ng pagmomodelo ng conversion para mapahusay ang iyong pag-uulat na first_open ng iOS. 
  • Kailangang ipadala ang mga postback ng SKAdNetwork sa loob ng 4 na araw pagkatanggap sa mga iyon para magamit ng Google Analytics ang mga iyon sa pagmomodelo at pag-uulat ng conversion.

Matuto pa tungkol sa mga pangkalahatang hakbang sa pag-verify.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5971925378507844453
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false