Ang advertising network (o ad network) ay isang online na platform na nagkokonekta ng mga negosyong gustong magpagana ng mga ad (ibig sabihin, mga advertiser) sa mga negosyong gustong mag-host ng mga ad at mag-monetize ng kanilang app (ibig sabihin, mga publisher).
Kung isa kang publisher, puwede mong gamitin ang tab na Mga Network Setting sa Admin para idagdag sa iyong property sa Analytics ang mga ad network na ginagamit mo para sa iyong mga stream ng data ng app.
Sa pamamagitan ng pag-configure sa mga network setting para sa iyong mga app, puwede mong:
- Sukatin ang mga pangunahing event mula sa mga ad network na iyon
- I-configure ang mga postback para magbalik ng ilan o ibalik ang lahat ng data ng pangunahing event sa ad network para ma-optimize ang trapikong ipinapadala nila sa iyo
Magdagdag ng network
Puwede kang magpadala ng pangunahing event at magsukat ng performance sa mga advertising network. Para magdagdag ng network:
- Sa Admin, sa ilalim ng Display ng data, i-click ang Mga pangunahing event.
Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Editor o mas mataas sa level ng property para i-configure ang mga network setting para sa mga app.
- I-click ang Mga Network Setting > Bagong network.
- Pumili ng network mula sa menu.
- Pangalan ng Network ang awtomatikong nagiging source. Nag-aalok din ang ilang network ng metadata tungkol sa Medium ng campaign at Pangalan ng campaign, kaya wala nang kailangan pang input. Para sa iba pang network, nagbigay kami ng mga field na Medium ng campaign at Pangalan ng campaign para kumuha ng custom na impormasyon. Gamitin ang nabuong URL bilang iyong referral link (kopyahin at i-paste ang URL).
- PAG-CLICK: Kung nagpapagana ka ng campaign para himukin ang mga user na i-download ang app, gamitin ang URL na mabubuo mo rito.
- DEEP LINK: Kung nagpapagana ka ng campaign para himuking makipag-ugnayan ulit ang mga kasalukuyang user ng app, gamitin ang tab na DEEP LINK. Sa seksyong ito, ilagay ang scheme ng URL at impormasyon ng path. Idaragdag ang mga parehong parameter.
- (Opsyonal) I-on ang I-configure ang Postback para magbalik ng data ng pangunahing event sa network.
- I-click ang I-save.
Mga Postback
Ibabalik ng Postback ang iyong data ng pangunahing event sa isang ad network. Opsyonal ang Mga Postback. Puwede kang magpadala ng first_open data bukod sa iba pang in-app na pangunahing event. Kung mapagpapasyahan mong mag-set up ng Postback, pagpapasyahan mo rin kung ipapadala ba sa network ang lahat ng pangunahing event, o kung ang ipapadala lang ay ang mga pangunahing event na ina-attribute ng Analytics sa partikular na network na iyon.
Nakakatulong ang Mga Postback sa mga network na i-optimize ang trapikong ipinapadala ng mga ito sa iyo. Halimbawa, kung alam ng network na na-download ang isang app sa device, alam din nito na hindi dapat maghatid sa device na iyon ng anumang karagdagang ad para sa app na iyon.
Kung ipapadala mo sa network ang lahat ng data ng pangunahing event, magagawa ng network na iyon na i-optimize ang sarili nitong trapiko batay sa kaalaman tungkol sa mga pangunahing event mula sa lahat ng network. Kapag ipinadala mo ang lahat ng data ng pangunahing event sa isang network, io-obfuscate ang iba pang network na kasali sa paghahatid ng mga pangunahing event.
Kung hindi isinama sa pag-personalize ng mga ad ang alinman sa 1) lahat ng data sa level ng property, 2) mga indibidwal na event, o 3) mga partikular na pangalan ng event o property ng user, maglalagay ang Analytics ng karagdagang signal (na tinatawag na npa) sa Mga Postback na nagsasaad na hindi dapat gamitin ng mga network ang data para sa naka-personalize na pag-advertise. Tandaan na ang pangangasiwa ng bawat network sa signal na npa ay tinutukoy ng network na iyon.
Para mag-configure ng Postback:
- Sa Admin, sa ilalim ng Display ng data, i-click ang Mga pangunahing event.
Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Editor o mas mataas sa level ng property para i-configure ang mga network setting para sa mga app.
- I-click ang Mga Network Setting.
- Sa row para sa network, i-click ang
> I-configure ang postback.
- Piliin ang mga pangunahing event na gusto mong ipadala.
- Piliin ang Mga pangunahing event lang na naka-attribute sa network na ito o Lahat ng pangunahing event.
- Ilagay ang mga parameter ng network (hal., Tracking ID, Password ng Advertiser). Nag-iiba-iba ito ayon sa network.
- I-click ang I-save.
Kung idi-disable mo ang pag-personalize ng mga ad ayon sa mga tagubilin sa Pag-iingat sa iyong data at ie-enable ng user mo ang Mga Postback, gagalaw ang impormasyong iyon kasama ng Postback.
Mga custom na campaign para sa mga Google Play app
Kapag gumamit ka ng custom na campaign para sa isang app na ipinapamahagi mo sa pamamagitan ng Google Play, gamitin ang Tagabuo ng URL ng Google Play para bumuo ng iyong mga custom na URL.