Nagpapatuloy ang artikulong ito mula sa Paano mag-ulat sa iyong form para sa pagbuo ng lead at ipinapakita nito kung paano gamitin ang Google Analytics para sukatin ang mga pagsusumite ng form para sa pagbuo ng lead bilang mga pangunahing event.
Maunawaan ang mga pangunahing event
Kapag may nagsasagawa ng aksyon na kapaki-pakinabang sa iyong negosyo, puwede mong sukatin ang aksyon bilang pangunahing event. Sa sitwasyong ito, ang pagsagot ng mga customer sa form para sa pagbuo ng lead ay isang mahalaga at kapaki-pakinabang na aksyon sa negosyo na puwede mong sukatin bilang pangunahing event.
Sa pamamagitan ng pagsukat sa mga pagsusumite ng form bilang pangunahing event, magagawa mong makita ang iba't ibang path ng mga user bago sagutan ang form, mag-unlock ng mga bagong sukatan (o data point) sa Google Analytics (halimbawa, ang rate ng pangunahing event), at mag-advertise sa mga taong nagsagot ng form o hindi nagsagot ng form.
Sukatin ang mga pagsusumite ng form ng lead
Puwede mong sukatin ang anumang aksyon bilang pangunahing event hangga't may event ka para sa aksyon. Halimbawa, para magsukat kapag may nagsumite ng form para sa pagbuo ng lead bilang pangunahing event, kailangan mong gumawa ng event para sa kapag may nagsagot ng form.
Sa bandang simula ng seryeng ito, natutunan mo ang tungkol sa mga event na awtomatikong kinokolekta ng Google Analytics mula sa iyong website kapag nag-set up ka ng measurement code sa website mo.
Gayunpaman, bagama't awtomatikong sinusukat ng Google Analytics ang mga pagsusumite ng form sa pangkalahatan, kailangan mo ng event para sa kapag may nagsumite ng partikular na form na ginawa mo, kaysa sa sukatin ang lahat ng pagsusumite ng form bilang mga pangunahing event. Pagkatapos, kailangan mong markahan ang bagong event na iyon bilang pangunahing event.
Gawin ang event
Nagsusukat ang Google Analytics kapag may nagsumite ng anumang form gamit ang event na form_submit. Para gumawa ng event kapag may nagsumite ng partikular na form, pumunta sa Google Analytics at i-click ang Admin sa kaliwa.
Makikita mo ang Mga Event sa listahan ng mga opsyon sa ilalim ng Display ng data. Nagbibigay-daan din sa iyo ang page na Mga Event na gumawa at magbago ng mga event. (Tandaang puwede ka ring gumawa at magbago ng mga event sa pamamagitan ng measurement code o sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagbabago sa Google Tag Manager, pero para sa tutorial na ito, gagamitin natin ang page na Mga Event.)
Dahil gusto mo lang magsukat kapag may nagsumite ng bagong form, kailangan mong gumawa ng event na kumokopya sa event na form_submit at pagkatapos ay limitahan ang bagong event para magsukat lang kapag may nagsumite ng ganoong form.
Para gawin ang event:
- Sa Admin, sa ilalim ng Display ng Data, i-click ang Mga Event.
Tandaan: Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Naka-sign in ka dapat sa isang Google Account para mabuksan mo ang property. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Taga-market o mas mataas sa level ng property para gumawa ng event.
- Sa page na Mga Event, i-click ang Gumawa ng event at pagkatapos ay Gumawa sa kanang bahagi sa itaas.
- Sa filed ng Pangalan ng custom na event, ilagay ang "lead_form_submit."
- Sa field na Mga kundisyon sa pagtutugma, ilagay ang kundisyong "event_name equals form_submit".
- I-click ang Magdagdag ng kundisyon.
- Ilagay ang kundisyong "form_name equals lead-form".
Nagmumula ang value na ito sa attribute ng pangalan ng HTML ng <form> DOM element. - I-click ang Gawin sa kanang bahagi sa itaas.
Lalabas ang bagong event sa listahan ng mga event sa page na Mga Event kapag sinimulan mong magkolekta ng data para sa event. Ipapadala lang ang event sa Google Analytics kapag nagsumite ng form na "lead-form" ang pangalan.
Markahan ang event bilang mga pangunahing event
Kailangan mo na ngayong sukatin ang event bilang pangunahing event. Ang kailangan mo lang gawin para magsukat ng event bilang pangunahing event ay i-toggle sa naka-on ang opsyong Markahan bilang pangunahing event para sa event. Dahil bago ang event, walang data ang Google Analytics para sa event, kaya kailangan mong preemptive na markahan ang event bilang pangunahing event.
Para preemptive na markahan ang event bilang pangunahing event:
- Sa Admin, sa ilalim ng Display ng Data, i-click ang Mga pangunahing event.
Tandaan: Ang nakaraang link ay papunta sa huling property sa Analytics na na-access mo. Naka-sign in ka dapat sa isang Google Account para mabuksan mo ang property. Puwede mong baguhin ang property gamit ang selector ng property. Dapat isa kang Taga-market o mas mataas sa level ng property para markahan ang isang event bilang pangunahing event.
- I-click ang Bagong pangunahing event.
- Ilagay ang pangalan ng bagong event na "lead_form_submit".
- I-click ang I-save.
Alam na ngayon ng Google Analytics na ituring ang bagong event bilang pangunahing event kapag natanggap nito ang event.
Gumawa ng mga conversion sa Google Ads
Kung gusto mong gamitin ang iyong mga pangunahing event para sa pag-bid, puwede kang gumawa ng mga conversion sa Google Ads batay sa iyong mga pangunahing event sa Google Analytics sa pamamagitan ng interface ng Google Ads at Google Analytics. Puwede mong pamahalaan ang karamihan sa mga setting ng conversion sa pamamagitan ng Google Ads at Google Analytics, na makakatulong sa pagpapanatili ng consistency at binabawasan nito ang panganib ng mga pagkakaiba-iba sa data.
Puwede ring gamitin ang mga event kapag gumagawa ng mga conversion sa pamamagitan ng interface ng Google Analytics. Mamarkahan ang mga napiling event bilang mga pangunahing event sa Google Analytics. Puwede kang gumawa ng mga conversion batay sa mga event sa Google Analytics nang direkta mula sa iyong mga pangunahing event sa Google Analytics at puwede mong i-share ang mga ito sa Google Ads nang walang kahirap-hirap. Para sa mga conversion na batay sa mga event sa Google Analytics, posibleng hindi ma-edit sa Google Ads ang ilang partikular na setting gaya ng palugit ng conversion at paraan ng pagbibilang. Matuto pa tungkol sa paggawa ng mga conversion sa Google Ads batay sa mga pangunahing event sa Google Analytics.
Tingnan ang event sa mga ulat
Available ang Realtime na ulat sa seksyong Mga Ulat, at ipinapakita nito sa iyo kung ano ang ginagawa ng mga user sa iyong website, habang nagba-browse sila sa website mo. Ipinapakita sa iyo ng card na Bilang ng event ayon sa Pangalan ng event sa ulat ang mga event na nakolekta ng Google Analytics sa nakalipas na 30 minuto mula sa iyong website.
Kapag may nagsumite ng form, makikita mo dapat ang event na lead_form_submit sa card na Bilang ng event ayon sa Pangalan ng event. Dapat mo ring makita ang event sa card na Mga pangunahing event ayon sa Pangalan ng event sa parehong ulat.
Kung hindi mo nakikita ang event, baka kailanganin mong maghintay pa para maproseso ng Google ang event, o suriin ang mga nagdaang hakbang para makatiyak na na-set up mo nang tama ang event.
Kapag naproseso na ng Analytics ang iyong mga event bilang mga pangunahing event, puwede mong gamitin ang mga ulat at pag-explore para siyasatin pa ang iyong data ng pangunahing event. Tatalakayin pa namin ang mga ulat sa mga darating na artikulo, pero puwede kang matuto pa tungkol sa mga ulat sa Ulat sa mga pangunahing event.
Kung gumawa ka ng conversion sa Google Ads batay sa iyong pangunahing event sa alinman sa interface ng Google Ads o Google Analytics, puwede mong suriin ang performance nito sa alinman sa Google Ads o sa seksyong "Pag-advertise" ng Google Analytics. Ang mga conversion sa Google Ads ay hindi lalabas sa mga karanuwang ulat sa Google Analytics. Matuto pa tungkol sa ulat sa Performance sa conversion.
Susunod: Paano mag-advertise sa mga user na hindi nag-convert