Ang session ay isang grupo ng mga user interaction sa iyong website o app na nangyayari sa loob ng isang partikular na time frame. Matuto pa Tungkol sa mga session ng Analytics.
Sa Analytics, nagsisimula ang isang session kapag binuksan ng isang user ang iyong app sa foreground o tiningnan niya ang isang page o screen at walang kasalukuyang aktibong session (hal. nag-time out ang dati niyang session).
Bilang default, natatapos ang isang session (nagta-time out) pagkalipas ng 30 minutong walang aktibidad ang user. Gayunpaman, puwede mong i-adjust ang panahon ng timeout ng session. Ang maximum na value para sa "I-adjust ang timeout ng session" ay 7 oras at 55 minuto.
Engaged session
Ang engaged session ay isang session na tumatagal nang mahigit 10 segundo, may pangunahing event, o may kahit man lang 2 pageview o view ng screen.