Ang pagkakaiba sa pagitan ng Mga Pag-click sa Google Ads, at Mga Session, User, Pagpasok, Pageview at Natatanging Pageview sa Analytics

Maaaring maging madaling magkamali ng pakahulugan ang data sa iyong Analytics account dahil sa maraming katulad na terminong ginagamit sa iba't ibang ulat. Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang mga termino na madalas na magdulot ng mga tanong.

Sa artikulong ito:

Mga Pag-click vs. Mga Session

Mayroong isang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng mga pag-click (tulad sa iyong mga ulat sa Google Ads) at mga session (tulad sa iyong mga ulat sa Audience). Ang column na Mga Pag-Click sa iyong mga ulat ay nagsasaad kung gaano karaming beses na-click ng mga user ang iyong mga advertisement, samantalang ang Mga Session ay nagsasaad ng bilang ng mga natatanging session na sinimulan ng iyong mga u. May ilang dahilan kung bakit maaaring hindi magtugma ang dalawang numerong ito:

  • Maaaring i-click ng isang user ang iyong ad nang maraming beses. Kapag nag-click ang isang tao sa isang advertisement nang maraming beses sa parehong session, itinatala ng Google Ads ang maraming pag-click habang kinikilala ng Analytics ang magkahiwalay na pageview bilang isang session. Isa itong pangkaraniwang gawi ng mga user na gumagawa ng paghahambing sa pamimili.
  • Maaaring i-click ng isang user ang isang ad, at pagkatapos, habang nasa ibang session, ay direktang bumalik sa site sa pamamagitan ng isang bookmark. Ang impormasyon ng referral mula sa orihinal na session ay mananatili sa pagkakataong ito, kaya ang isang click ay nagreresulta sa maraming session.
  • Maaaring i-click ng isang user ang iyong advertisement, ngunit pigilan ang tuluyang paglo-load ng page sa pamamagitan ng pagna-navigate sa isa pang page o sa pamamagitan ng pagpindot sa button na Ihinto ng browser. Sa sitwasyong ito, hindi napagana at naipadala ng tracking code ng Analytics ang data ng pagsubaybay sa mga server ng Google. Gayunpaman, inirerehistro pa rin ng Google Ads ang isang pag-click.
  • Upang tiyakin ang mas tumpak na pagsingil, awtomatikong fini-filter ng Google Ads ang mga hindi wastong pag-click mula sa iyong mga ulat. Gayunpaman, iniuulat ng Analytics ang mga pag-click na ito bilang mga session sa iyong website upang maipakita ang kumpletong hanay ng data ng trapiko.

Matuto pa tungkol sa mga pagkakaiba sa pagitan ng mga pag-click at mga session.

Mga Pag-click vs. Mga User

May mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng mga pag-click (tulad ng sa iyong mga ulat sa Google Ads) at mga user (tulad ng sa mga ulat mo sa Audience). Isinasaad ng column na Mga Pag-click sa iyong mga ulat sa Google Ads kung ilang beses na-click ng mga user ang mga advertisement mo, habang isinasaad naman ng Mga User ang bilang ng mga natatanging (naka-deduplicate) user na nag-click sa iyong mga ad. May ilang dahilan kung bakit maaaring hindi magtugma ang dalawang numerong ito:

  • Maaaring i-click ng isang user ang iyong ad nang maraming beses. Kapag nag-click ang isang tao sa isang advertisement nang maraming beses sa parehong session, itinatala ng Google Ads ang maraming pag-click habang tinutukoy ng Analytics ang isang user. Isa itong pangkaraniwang gawi ng mga user na gumagawa ng paghahambing sa pamimili.
  • Maaaring i-click ng isang user ang iyong advertisement, ngunit pigilan ang tuluyang pag-load ng page sa pamamagitan ng pag-navigate sa isa pang page o sa pamamagitan ng pagpindot sa button na Ihinto ng browser. Sa pagkakataong ito, hindi naisagawa at naipadala ng tracking code ng Analytics ang data ng pagsubaybay sa mga server ng Google, samakatuwid, walang user ang nabilang. Gayunpaman, inirerehistro pa rin ng Google Ads ang isang pag-click.
  • Upang tiyakin ang mas tumpak na pagsingil, awtomatikong fini-filter ng Google Ads ang mga hindi wastong pag-click mula sa iyong mga ulat. Gayunpaman, inuulat ng Analytics ang mga user na nag-click ng mga ad upang maipakita ang kumpletong hanay ng data ng trapiko.

Mga Session vs. Mga User

Sinusukat ng Analytics ang parehong mga session at mga user sa iyong account. Kinakatawan ng mga session ang bilang ng mga indibidwal na session na sinimulan ng lahat ng mga user sa iyong site. Kung hindi magiging aktibo ang isang user sa iyong site sa loob ng 30 minuto o higit pa, ang anumang aktibidad sa hinaharap ay ipapatungkol sa isang bagong session. Ang mga user na umaalis sa iyong site at bumabalik sa loob ng 30 minuto ay binibilang bilang bahagi ng orihinal na session.

Ang unang session ng isang user sa loob ng anumang itinakdang hanay ng petsa ay itinuturing na karagdagang session at isang karagdagang user. Ang anumang session sa hinaharap mula sa parehong user sa panahon ng napiling yugto ng panahon ay binibilang bilang mga karagdagang session ngunit hindi bilang mga karagdagang user.

Mga Session vs. Mga Pagpasok

Ang mga session ay nadaragdagan sa unag hit ng isang session, samantalang ang mga pagpasok ay nadaragdagan sa unang hit ng pageview ng isang session. Kung hindi isang pageview ang unang hit ng session, maaari kang makakita ng pagkakaiba sa pagitan ng bilang ng session at bilang ng mga pagpasok.

Mga Pageview vs. Mga Natatanging Pageview

Tinutukoy ang isang pageview bilang isang pagtingin sa isang page ng iyong site na sinusubaybayan ng tracking code ng Analytics. Kung ang isang user ay magki-click ng reload pagkatapos marating ang page, ito ay binibilang bilang karagdagang pageview. Kung magna-navigate ang isang user patungo sa ibang page at pagkatapos ay babalik sa orihinal na page, magtatala rin ng pangalawang pageview.

Pinagsasama-sama ng isang natatanging pageview, gaya ng nakikita sa ulat sa Pangkalahatang-ideya ng Content, ang mga pageview na nabubuo ng parehong user sa loob ng parehong session. Kinakatawan ng isang natatanging pageview ang bilang ng mga session kung saan tiningnan ang page nang isa o higit pang mga beses.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Pumili ng sarili mong learning path

Tingnan ang google.com/analytics/learn, isang bagong resource para tulungan kang sulitin ang Google Analytics 4. Makakakita sa bagong website ng mga video, artikulo, at may gabay na flow, at may mga link ito sa Discord ng Google Analytics, Blog, channel sa YouTube, at repository sa GitHub.

Magsimulang matuto ngayon!

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14650363545108123741
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false